CHAPTER EIGHTEEN

128 0 0
                                    

Kyle’s POV

♪♪ She’s the girl that no one ever knows…

I say hi but she’s too shy to say hello.

She’s just waiting for the one… ♪♪

Kinanta kanta ko pa yung ringtone ko. “Say You Like Me – We The Kings”

*Bananacue calling…*

Napaigtad ako nang Makita kung sino yung tumatawag. Ayan na… Sinagot ko agad yung tawag..

“Hello.” Bati ko naman sa kanya. Eto ako, ngiting ngiti. Baliw na talaga ako… Sa kanya.

“Hello Kuya Kyle.” Bati naman niya. Napangiti na lang ako lalo. Ewan ko ba pero kahit anong gawin niya o sabihin niya, natutuwa na ako. May tama na yata ako sa utak este sa puso. Ay shet ang korni mo Kyle. Ang lansa lansa pa ng isipan mo! HAHA!

“Pasensya na pala kanina. Badtrip kasi sila Aly, lahat nakatingin sa akin nung kausap kita kaya iyon, napilitan akong ibaba. Sorry talaga.” Pagpapaliwanag niya pero ayos lang kaya. Sabi naman niya kanina, I MISS YOU TOO! Ok na nga ako dun e. Para akong nilamon ng kama nun kung alam lang niya.

“Ayos lang yun.” Maikling sabi ko. Nako, wala akong masabi. Wala akong maisip. WAAA! Nabobobo yata ako.

“Ahhh…” Isip Kyle ng sasabihin!

“uhmmm…” SILENCEEEEE!

“Ehhhh..” Isip isip!!!!

“hmmm?” SILENCIOOOOO!

“iiiihhhh.” Waaaaah!! Kuha blade, laslas pulso!

“Ohhh… Uhhh.. Ay nako Kuya Kyle, balak mo bang i-recite ang vowel sounds?” Natatawang sabi niya. Nako, naeengot ako.

“Sorry sorry. Gusto ko lang kasing marinig yung boses mo tapos wala naman akong masabi. Sorry talaga. Naabala pa kita.” Napakamot ako sa ulo. Takte ka Kyle! TANGA mo tol! Bobo mo! BOOO!

“Huwag mo kasi ako masyadong mamimiss, baka masobrahan iyan.” Natawa pa siya sa kabilang linya. Habang ako dito, mamasa masa ang kamay.

“Sobra na nga e.” Bulong ko.

“Ha?” Tanong naman niya.

“A-ahh… Wala. Sabi ko kamiss-miss ka kasi.”  Nauutal pa ako.

“At dahil namimiss mo ako, dapat ilibre mo ako niyan!” Napangiti na lang ako. Ibig sabihin, makikita ko na naman siya.

“Sige ba! Basta ikaw.”

“Dapat na pala akong mag-beauty sleep kung magkikita tayo bukas. Haha!” Sabi pa nito. Nagpapaganda, para sakin? Ayy hindi baka para sa kambing sa AnSci! Syempre para sayo Kyle! Tanga ka?

“Ako din pala, dapat magpa-gwapo kung ganun?” Natawa naman siya.

“Matulog ka na, ok? Sleep well.”

“Ikaw din.”

“Bye. Ah wait!” May naalala ako…

“Ano iyon?” Tanong niya.

“I super like you. Good night!” Tsaka ko binaba yung tawag. Makakatulog talaga ako ng mahimbing nito. Abot tenga na ang ngiti ko.

Aly’s POV

“Oh my Gas Abelgas ALYYYYYYYYYYY!!!!!!!” Nabingi na lahat ng nabingi! Nabasag na yata ang ear drum ko!

“ALLLLYYYYYY!!!! Aleah Juzenda Santillannnnn!!!!!” Ang maganda kong pangalan! Nako Shan!

At First Sight (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon