CHAPTER TWO
Shanaiah's POV
**Sa COOP..
“Akala ko ba KFC at McDo ang sabi mo kanina, e bakit nandito tayo sa Coop?” Tanong sakin ni Aly. Anu vey?! Tinatanong pa ba yan. Kung sulit at murang pagkain ang hanap e dito na! Mahirap na talaga ang buhay. HAHAHA!
“Mayaman ka? Mayaman? Mayaman? Syempre joke lang yung KFC. Kawawa naman si Oble.” Ok hindi related si Oble, gusto ko lang siya isali sa usapan. Tag-ulan na naman kasi at baka magka-pneumonia siya. Ayaw pa kasing bigyan ng damit.
“Whatever!” Kumuha na nga kami ng food at mura lang ang binayaran namin. Kailangan na kayang mag-budget. Pagkatapos magbayad, humanap na kami ng upuan.
“Aly! Ang gwapo nung kuya kanina tapos, sinungitan mo pa! Ikaw talaga, tsk tsk!” Sabi ko sa kanya habang kumakain.
“Kung sa akin lang iyon nagpa-cute, papatusin ko na!” Dagdag ko pa.
“SHANAIAH!!!!” Sigaw sa akin ni Aly. Napatingin tuloy sa amin yung mga kumakain sa Coop. Banggitin ba naman kasi niya ng pagkalakas lakas ang maganda kong pangalan!
“Nakakahiya ka. Ingay mo!” Saway ko sa kanya. Nginitian ko naman yung mga tao sa paligid namin.
“Mas nakakahiya ka Shanaiah Angela Estrella! Konting pakipot naman! Ikaw talaga! Kahit kailan!” Pagsesermon na naman niya sa akin.
“Ano ba! Masama bang um-appreciate ng kagwapuhan na binigay ni Lord?” Sagot ko naman. Inirapan niya lang ako at tsaka nagpatuloy siyang kumain.
Aleah’s POV
Nababaliw na naman itong si Shan! Pati ba naman yung walang kwentang lalaki na nakasakay namin sa jeep e natitipuhan. Haay! Wala talaga akong masabi sa kanya. Umarangkada na naman ang kagagahan niya sa katawan. Active ang GAGA hormones niya.
“So uuwi na tayo after kumain?” Tanong niya sa akin. Malapit na rin kaming matapos kumain. Tumango lang ako.
“Alangan namang maghanap pa tayo ng prospect mo?” pang-aasar ko sa kanya.
“Excuse me, ayoko ng hinahanap, gusto ko yung bigla bigla na lang dumadating. It’s destiny BEST!” Sagot niya sa akin. Haayy.. eto na naman po ang pagka-hopeless romantic ng baliw kong kaibigan.
“Destiny ka diyan? Mapapakain ka ng destiny na ‘yan? Mabubuhay ka ba niyan? Susko! Sakit sa ulo lang ‘yan! Utang na loob, Shan.” Hindi naman halatang nagbibitter ako, ‘no? Hinding-hindi!
“Tatry ko muna! Malay mo mabusog ako! Hayy nako! Hindi ako mag-she-share! Nega ka talaga ever! Palibhasa menopause ka na!” Pambubuwisit pa sa akin ng talipandas na kutong lupa kong kaibigan. Minsan hindi ko talaga malaman kung bakit ko ito naging kaibigan. Ang sarap ihulog sa Palma Bridge! Mangamoy Sperm Tree siya dun!
“Nako! Iyong-iyo na ‘yang destiny mo! Tingnan ko lang kung anong mangyari dahil diyan sa kagagahan mo. Lahat naman kaya ng lalaki, pare-parehas! Mga manloloko!” Hay nako, kainis. Arrrgh. Nasira na araw ko. Lintok na yan. Bwiseeeet!!!!
“Palibhasa nuod ka ng nuod ng Two Wives! Ganyan tuloy nasa utak mo! Makalayas na nga dito!” Umalis na nga ang gaga.
Naupo ako dun. Hay. Kapag naalala ko ‘yung mga sandaling ‘yun, aish! Ansarap pumatay ng tao, nekeneng! Bakit ba naman kasi? Bakit….
Kung hindi rin siguro akong isa’t kalhating tanga, hindi ‘yun mangyayari.
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may umupo sa harap ko.
Si Shan. “Oh? Akala ko ba aalis ka?” tanong ko sa kanya.
“E may naiwan ako e.” Sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
At First Sight (COMPLETED!)
Teen FictionThis story will also feature different places in our university. The story is a half fictional and half non-fictional. Some of the situations are experienced by the authors and others are just products of the writer's creative mind. READ. VOTE. COMM...