CHAPTER THREE

266 5 3
                                    

CHAPTER THREE

(First day of classes)

Shan’s POV

Maaga akong nagising. EXCITED lang? Wednesday na at ngayon ang parang official FIRST day of class. Instead kasi na mag-class kahapon, nagkaroon na lang ng Convocation. 2:30 pa ang klase ko today. 3 subjects lang! OMG! Nakakaloka diba? Buong umaga ako tatanga dito sa apartment.

Hindi pa ako bumangon. Pinilit ko pang matulog ulit. 7AM palang kasi… 10AM pa dapat ang gising ko. HAHAHA!

Napapapikit na yung mata ko at makakatulog na sana ako nang… “Shan!” Sigaw sakin ni Aly. Nagulat tuloy ako.

Kapag nga naman minamalas ng kaunti, oo! Ayon na e! Makakatulog na sana ako! Panira talaga! Wrong timing always tong bespren ko e!

Kinuskos ko yung mata ko. “Nagising ba kita?” Tanong pa niya.

“Ay hindi best. Hindi talaga. HINDI HALATA!” Bulyaw ko sa kanya. At tumawa pa ang bruha. Sarap talaga sakalin neto paminsan minsan e.

“Sorry naman. Hindi na talaga mauulit.” Natatawang sabi niya.

“Aba! Dapat lang! Kung hindi, ipapatapon kita sa Mt. Makiling!” Sigaw ko pa sa kanya. Siya naman tumawa lang.

“So… Anong kailangan mo?” Tanong ko.

“Kain na tayo! Gutom na ako e.” Yaya niya sa akin tsaka hinila ako.

“Kaya kong tumayo mag-isa, tsaka wait lang! Pwede magbihis muna? Pwede? Pwede?” Sabi ko tsaka tumayo ako at dumiretso sa kusina.

“Sige, go lang best! Gusto mo mag-make up ka pa!” Sagot pa niya.

Naghilamos ako at nag-toothbrush. Pagkaraan e nagbihis na ako. Nagugutom na rin ako. Doon kami kumain sa Mang Toto. Doon sa gawi ng LandBank. Mura lang din kasi at masarap. HAHA! Ang mga iskolar talaga, mahilig sa mura at sulit syempre!

“Anong oras klase mo?” Tanong ko kay Aly habang kumakain kami.

“10.” Maikling sagot niya.

“Anong subject?”

“Math11” Maikling sagot niya ulit. Hindi talaga to makausap ng maayos kapag kumakain. Laging maikli ang sagot. Samantalang ako, daldal to the max!

“Poor you.. Ako walang Math. HAHAHA!” Sabi ko sabay tawa ng malakas!

Uminom muna si Aly ng tubig bago sumagot. “As if I care?”

“Ash ip I ker? Ash ip I ker?” Panggagaya ko sa kanya. Siya na talaga matalino! AS IF I CARE DIN! Hahahaha!

Dito muna kami tumambay. Wala lang akong magawa. Aish. Hinintay lang namin lumipas ang oras. Minsan, nahihirapan akong gawin ‘yun. E pano ba naman itong kasama ko, walang imik! Naputulan na yata ng dila si Ateng. Ganito ba ang nagagawa ng Physics? -_-

“Teka, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ko sa kanya. Walang sagot. Ayun, naka-earphones. Lagi na lang ‘tong may nakapasak sa tenga. Buti na lang, di to nabibingi. Kinalabit ko siya.

“Hoy, makinig ka naman! Nakasaksak na naman yan e!” Kasi naman. Parang may mas time pa siya sa iPod niya kesa sa bestfriend niya. Grr. Haha!! Drama!

Tinanggal niya yung mga in-ears. “Huh? You’re saying something?” balik tanong niya.

“Wala. Sige, ituloy mo na ‘yan. Busy ka ata.”

Alam niyo naman ang ginawa? Ayun? Inilagay niya ulit ‘yung earphones! “Aleah Juzenda Santillan! Makinig ka kasi!”

Iritado niya akong tiningnan saka pinatay ang iPod. “Anak ka naman ng tinapa, Shanaiah. Wala akong gagawin mamaya. Okay na? Kung magpapasama ka, sige, sasamahan kita.” Sabay abot ng Sprite.

At First Sight (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon