Travis’ POV
“Wala bang makakain dito?” Tanong ni Ralph na nakahiga sa kama ko. Makikitambay na nga lang, naghahanap pa ng pagkain.
“Wala! At bakit ka nga ba nandito? Wala ka na namang magawa? Wala ka bang klase?” Tanong ko naman sa kanya.
“Wala na kong hanggang 7pm… Magpapasa na lang ng final papers e. Nakapagpasa na ako. Masipag kasi ako.” Mayabang na sagot nito.
“Ahhh…” Sagot ko. Nakakatamad naman itong kasama. Wala man lang kasing dala kahit donut sa 7-11. Wala talagang pakinabang kahit kailan. Tinignan ko kung anong oras na. It’s almost 6pm.
“Kumain na lang tayo!” Yaya nito sa akin.
“Sige. Tumayo ka na diyan.” Sagot ko naman. Gutom na rin kasi ako.
“EatSumo tayo.” Sabi n Ralph. Naglalakad na kami. Bigla kong naalala si Aly.
“Doon na kami kumain kahapon e.” Sabi ko.
“KAYO?! Sinong kasama mo? Hanep! Babae ba iyan?” Manyak na tanong nito. Sira ulo talaga kahit kailan ang pinsan ko ito.
“Yung kinukwento ko sayo dati.” Sabi ko naman.
“Oh? Ayos ah. Pero dun pa rin tayo kumain. Gusto ko ng tempura!” Sigaw nito. So wala na akong magagawa. Dun nga kami pumunta.
Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si Aly. Napahinto ako.
“O bakit?” Tanong ni Ralph. Umiling ako. O-order na si Ralph at inorder na niya rin ako. Lumapit ako kay Aly, kasama niya yung Shan, bestfried niya.
“Travis!” Bati sakin ni Shan. Napalingon naman si Aly.
“O-oh… Travis.” Sabi naman ni Aly. Ngumiti siya at napangiti naman ako pagkaraan e biglang kumunot yung noo niya. Parang nakakita ng masamang elemento sa likod ko. Lumingon naman ako at nakita ko si Ralph.
“IKAW?!” Sabay pang sabi ng Ralph at Aly.
“Magkakilala kayo?” Naguguluhang tanong ko. Si Shan naman, biglang tumawa.
“What a coincidence. HAHAHA!” Tawa pa rin ng tawa si Shan tapos tinignan siya ng masama ni Aly. Ako naman hindi ko pa rin maintindihan.
“Bakit mo kasama yang kulugong iyan Travis?! Sinasabi ko sayo huwag na huwag mong kakaibiganin yang kulugong gugong na galunggong na yan!” Sabi pa ni Aly. Si Shan tawa pa rin ng tawa. Paano naman kaya nagkakilala itong dalawa na ito at base sa reaksyon ni Aly e mukhang hindi sila good ng pinsang kong si Ralph.
“Ah etong kulugong gugong na galunggong na sinasabi mo, si Ralph ito. Pinsan ko.”
Aly’s POV
Parang nabingi yata ako sa sinabi ni Travis ano daw???! Nilingon ko si Shan.
“Anong sabi ni Travis?” Bulong kokay Shan. Inismidan naman ako ng gaga.
“Sabi ni Travis, I quote, “Ah etong kulugong gugong na galunggong na sinasabi mo, si Ralph ito.Pinsan ko.”Unquote.” My jaw dropped.
“Anak ng tinapa! Pinsan mo yang galunggong na tuyong yan?!” Gulat na sabi ko. Iyong mga tao sa paligid namin for sure, na-wi-weird-uhan na sa amin.
“Lower your voice Aly. Kalma tsaka hindi mo na kailangang isa-isahin pa ang mga lamang dagat, ok?” Gagad naman ni Shan. Haaay nako. Kung wala naman siyang sasabihing matino e dapat tumahimik na lang siya diba?
“Pero magpinsan talaga kami.” Sabi pa ni Travis. Oh my green leafy veggies! Tunay nga na magpinsan sila! Oh my goodness!
“Ano naman kung mag-pinsan sila Aly? Huwag ka ngang mag-hysterical diyan!” Sabi pa ni Shan. I can’t calm down. Etong kulugong feeler na bwisit na yun? Pero same genes nga siguro kasi pareho silang bwisit nung mga first time na nakita ko sila. Isang nagsabing girlfriend niya daw ako. Shet nakakasuka at isang ayaw mag-abot ng bayad.
BINABASA MO ANG
At First Sight (COMPLETED!)
Teen FictionThis story will also feature different places in our university. The story is a half fictional and half non-fictional. Some of the situations are experienced by the authors and others are just products of the writer's creative mind. READ. VOTE. COMM...