Ralph’s POV
Whooo! Kaing kain na talaga ako. Buti na lang merong malapit na kainan sa bahay ng kaklase ko. Dito na ako dumeretso. Pumasok na ako ng Bahay Buko.
Hmm. “Miss, isang Grilled Liempo saka isang large na Buko Shake.” Pagkasulat ng ateng cashier yung order ko, naghanap na ako ng table.
Dun naman ako napapwesto sa left side. Dun na din ako humarap sa labas. Ayoko ng masyadong exposed sa tao kapag kumakain. Hinintay ko na lang ‘yung order ko ng tahimik.
“Tignan mo kaya, naka-formal pa! Ang ganda pa magdala ng damit.” Nadinig ko sa table na katapat ko.
“Magkaiba lang talaga tayo ng definition ng gwapo.” Parang familiar yung boses.I can’t be wrong, that voice…
Pagtingin ko sa kaliwa ko, nakita ko agad. Rumehistro agad sa isipan ko ang nangyari noong una ko siyang nakita. Napahimas ako sa tiyan ko. Walang habas ba naman akong sinikmuraan. How can a girl be that strong? And just by looking at her, hindi mo iisipin na ganun ito ka-maton. Ilang araw ko din ininda yung sakit ng suntok niya ah. Napailing iling na lang ako sa naiisip ko.
At sa di inaasahang panahon, nakita ko pa ulit siya sa Moonleaf. At mukhang nabadtrip nung nakita ang gwapo kong mukha. Napahimas tuloy ako sa pisngi ko.
“Sir!!! Sir!!!” Untag sakin nung waiter. Nagulat ako.
“Eto na po yung order niyo. Wala na po bang kulang?” Umiling ako. Papaalis nasana yung nag-serve pero bumaling ulit sa akin.
“Tsaka pala sir, kung gusto niyo ang isang tao, lapitan niyo. Huwag yung tumitingin kayong parang manyak. Baka mapagkamalan kayo. Nakaka-offend.” Pahayag nito at tsaka umalis.
Manyak? Mukha ba kong manyak tumitig? Sa gwapo ko na to?! Eh sira ulo pala tong waiter na to e!
“Nakaka-offend.” Ginaya ko pa yung tono nung waiter. “Offend-in mo mukha mo! Badtrip! Hindi ko hinihingi opinion mo!” Sigaw ko. Tumingin sa akin yung ibang taong kumakain. Mga estudyante rin. Nginitian ko na lang sila tsaka napahigop ako sa buko shake ko.
Pagkatitig ko ulit sa pwesto nung babae, nakatingin rin sila sa akin ng kaibigan niya. Yung kaibigan niya, pinipigil yung tawa, siya naman hinihigop ang wala ng laman ng baso ng shake. Nanliliit pa ang mata nito. I found it cute, singkit kasi ang mga mata nito at lalo pang naniningkit sa ginagawa nitong pagtitig sa akin.
Kinawayan ko sila. Kumaway naman sa akin yung friend niya pero pinigilan nung babae yung friend niya sa pagkaway.
Buti pa yung isang girl, friendly. HAHA! Maganda ka pa naman kaso man hater. Gwapo hater pa. Napailing ulit ako sa iniisip ko.
Dali daling hinila nung babae yung friend niya kahit di pa sila tapos kumain. Halatang nabad-trip. HAHA! Kumaway naman sa akin yung kaibigan niya at kumaway rin ako.
“Girls…” Sambit ko at tsaka inumpisahan ko ng kumain.
ALY’s POV
“Of all places Shan!” sigaw ko habang ito namang kaibigan ko tatawa tawa pa. Mas naiinis tuloy ako.
“Hindi mo naman binili ang bahay buko, tsaka customer lang siya. What’s wrong with it? Destiny, friend, destiny!” Natatawang sabi nito. Umupo ako sa sofa.
“Oh, shit that destiny! Kung di ako titigilan ng destiny na yan na makita ang gunggong na iyon! Makakapatay na talaga ako.” Hasik ko.
“I don’t wanna be a murderer…~” Pakantang singit ni Shan. Hindi ko na lang pinansin.
“Nakakagalaiti. Ang presko presko kasi ng lalaking iyon! Ang pangit naman!” Dagdag ko pa. Kulang na lang e buhatin ko ang sofa at ibalibag iyon sa galit.
“Hindi naman pangit..” Mahinang sabi ni Shan habang naglalaptop. Napaisip ako. Na-imagine ko ang mukha nung lalaking iyon.
“Gwapo nga siya…” Nasambit ko ng mahina. I saw Shan grinned. Ngiting nakakainis! Alam niyo yun?! Yung tipong may ipinapahiwatig na hindi sinasabi at dinadaan na lang na nakakabuwisit na ngiti!
“May itsura lang! Pero hindi kagwapuhan!” Sigaw ko ulit. Bawi bawi din sa sinabi. Oh my Aly! Don’t you ever dare to think that he is handsome! Nakakahiya yung naisip mo kanina! May sumapi yata sa akin.
Maputi lang siya! Tsaka matangos ang ilong tsaka maganda pumorma. Maganda ang tindig! Tsaka maganda ang mata, magandang ngumiti… Broad ang shoulders. Mahaba ang legs…
Napatigil ako sa naiisip ko. Erase erase, Aly!
“Hoy Aly! Huwag mo siyang hubaran sa imagination mo! That’s bad!” Nagulat ako. HUBARAN?! What the hell Shan! NEVER!
“Yuck Shan. Hindi ako tulad mo!” Tsaka ko siya binalibag ng unan.
“Sus. Kanina ka pa namumula diyan. Haay… When hate turns to love. Pag-ibig nga naman…” Salaysay niya tsaka dali daling kinuha ang laptop at nagkulong sa kwarto.
“Safety first!” Sigaw pa nito.
Nako Shan! Kung hindi lang kita bespren! Naisugod ka na sa infirmary! (or UHS – University Health Service)
Bumuntong hininga ako. What’s happening to you Aly? You should hate men! They are all the same. They will make you fall then will leave you after. They always make girls wait. Are women always born to wait for someone who will never ever come back? Are we always meant to fall for some who will never love us back? BACK TO BACK na ito! Amputo!
May pinaghuhugutan Aly? Tumayo ako sa sofa at nagtimpla ng kape. Stress reliever baby! O pampanerbyos? HAHA! Stop thinking of guys! Sakit sa ulo yan. Buti pa ang kape! Laging meron sa tindahan! Konek?!
TRAVIS’ POV
Nagpalit ako ng damit. Kauuwi ko lang. Ayoko talaga ng hanggang 7PM ang klase. Nakakatamad. Sinusuot ko ang boxer shorts ko ng—
“Oyyyy!” Sigaw naming dalawa. Natumba ako sa sobrang gulat pagkaraan e sinuot ko ng tuluyan ang shorts ko.
“May pinto ako pinsan!” Sigaw ko. Bigla bigla kasing dumarating si Ralph. Hindi ba pwedeng kumatok muna?
“May lock ka nga din e. Pero di mo ginagamit. Paano na lang kung babae ang pumasok, baka na-rape ka na bro!” Sisi pa nito sa akin. Bulol talaga ang pinsan kong ito. May pinagmanahan.
“G*go! Bakit ka pala nandito?” Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa kama ko. Ako naman sa monoblock.
“Namamasyal. Haha!” Tumawa lang ito. Tsaka humiga sa kama ko.
“Nako! Yung mga ngiting ganyan e may ibig sabihin.” Sabi ko dito. Tumawa ulit ito.
“Kasi nakita ko ulit yung babaeng nanikmura sakin. Girls these days… They are wild!” Sabi nito habang hindi inaalis ang pilyong ngiti.
“I have encountered someone too. Same as that girl. So short tempered. At parang—“
“MATON!” Sabay pa naming sabi tsaka kami tumawa.
“Maganda sana e kaso parang aso na parang laging ready mangaggat!” Natawa ako.
“Sandali ka pa lang nag-stay dito, parang may natitipuhan ka na agad.” Sita ko sa kanya.
“Hindi naman. I just find her interesting. Para kasing laging galit tuwing nakikita ako.” Tumawa kaming dalawa.
“Bigla ko tuloy naalala yung girl na nakita ko dati. I wonder kung kailan ko siya makikita ulit.” Napangiti ako. Yung girl na napag-trip-an ko sa jeep. Yung nagalit dahil ayaw ko iabot yung bayad niya. That girl’s temper. Di ko mapigilang tumawa.
“Bigla ka namang ngumingiti diyan. Haha! Aalis na nga ako.” Tumayo ito sa kama ko at dumiretso sa pinto. Itinaas ang kanang kamay bago isara ang pinto.
Napangiti ulit ako. I want to see that girl… again.
Oh… Naalala ko nakabunggo ko siya nun sa PhySci. Wednesday yun. After ng class ko. So, there’s something to anticipate during Wednesdays. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
At First Sight (COMPLETED!)
Genç KurguThis story will also feature different places in our university. The story is a half fictional and half non-fictional. Some of the situations are experienced by the authors and others are just products of the writer's creative mind. READ. VOTE. COMM...