Shanaiah’s POV
Ilang araw ng umuulan. My goodness at nawala ang wifi sa apartment namin. Nagpapaturo pa naman ako sa pinsan ko tungkol sa IT 1. IT student kasi siya. Akala ko talaga nakaligtas na ako sa NUMBERS but then dahil sa IT 1, hindi pa pala. Nakakainis diba? HAHAHA! Kinakaibigan ko naman ang mga numbers noon, ayaw lang talaga nila sa akin so be it! De wag! Ash ip I ker? J
“Aly… Mag-internet tayo. Baka nasend na sa akin nung pinsan ko iyong pinapaturo ko sa kanya.” Yaya ko kay Aly na nakahiga sa kama. Nagpaturo kasi ako dun sa circuits circuits na hindi ko ma-gets.
“Sige tara. Nakakatamad na nga dito e.” Sagot niya tsaka siya tumayo sa kama. Nagsuot ako ng jacket. Medyo umambon pa kasi sa labas. Pagkaraan e nilagay ko yung laptop sa bag ko. Wifi station kasi yung pupuntahan namin. 7: 30PM na. Kahit naman ganitong oras na e marami pang naglalakad sa labas kaya keri lang.
Lumabas na nga kami. Pupunta kami sa Astra.
“Ang lamig naman.” Tumango lang si Aly. Nagmadali kaming maglakad.
Pagkarating namin, binuksan ko agad si lappy. Nag-facebook ako. O? Akala niyo yung sa IT? Wag muna kayo maingay, dito kasi sinend sakin ng pinsan ko at sa kasamaang palad e wala pa at sa MAS kasamaang palad e OFFLINE din siya.
Busy naman etong si Aly sa pagkalikot sa cellphone niyang bagong bili. Edi siya na! Bitter bitter-an lang ang peg ko. >.< HAHA!
Inintay ko lang mag-online ang butihin kong pinsan at syempre twitter FB na ren.
Tinignan ko yung UPLB Freshies group sa FB. Nag-scroll ako dun. Natigil na lang ang pag-scroll ko nang may Makita akong pamilyar na mukha sa DP. Binuksan ko yung profile.
DEYM! SIYA NGA!
“Aly… Alyyy!!! Tignan mo dali!” Pangungulit ko sa kanya.
“Wait lang ha.” Sagot neto. Nakakainis! E kailangan nga niya tong tignan! It’s a MUST!
“Dali naaaa!” Pangungulit ko pa. So tinignan na nga niya.
“Look what I have found!” yung FB account lang naman ni Mr. MC! God is so good!
“Grabe! San mo naman nakita?” Tanong sa akin ni Aly.
“Nagpost kasi siya sa group!” Napailing iling na lang si Aly. Kapag talaga sinuswerte!
“Iyon pala ang pangalan niya! Jan Dylan Villaluz!” Sabi ko. Grabe! Ang galing talaga. Yung hindi ko siya kilala tapos ngayon, alam ko na ang pangalan niya. Nakalagay sa profile niya… BS Biology. So iyon pala ang course niya. Ang talino.
Pagkaraan ng halos isang oras, nagmessage na rin sakin ang pinsan ko. Dinownload ko lang iyon.
“Aly, tara na?” Yaya ko sa kanya pauwi. Mag na-9 na kasi nun. Kaya nagbayad lang kami tsaka umuwi. Happiness ako e! Syempre hindi ko kinalimutang i-add siya!
Aly’s POV
Pagkarating ko sa bahay e may nagtext sa akin. Classmate ko. Dahell, may kailangan daw kaming i-download na hand-out sa yahoo group namin at ipa-print iyon. Nakakainis. Lalabas na naman. 9PM na.
“Shan, samahan mo ako. Magpapaprint ako.” Tumango naman si Shan tapos tumayo sa higaan. Nasa mood e. Masyadong masaya at nakita niya yung FB account nung MC.
“Saan ba tayo magpapa-print?” Tanong niya habang naglalakad kami.
“Doon sa malapit sa Astra.” Kapag talaga minamalas e, labas ng labas. HAHA!
Nagpaprint na nga ako.
“Dalawang copy po.” Sabi ko dun sa ate.
“Bakit dalawa?” Nakakunot ang noong tanong ni Shan.
BINABASA MO ANG
At First Sight (COMPLETED!)
Teen FictionThis story will also feature different places in our university. The story is a half fictional and half non-fictional. Some of the situations are experienced by the authors and others are just products of the writer's creative mind. READ. VOTE. COMM...