CHAPTER TWENTY ONE

125 0 0
                                    

Kyle’s POV

Hindi ko pa rin gets at hindi ko malaman kung bakit hindi niya sinabi sa akin kung nasaan talaga siya. May tinatago ba siya? Bakit ayaw niya sabihin sa akin? Kasama niya si Aly, mabuti pa siya na lang ang tanungin ko.

Tapos na yung play, maraming tao at halos nagkakagulo na sa paglabas. Lumapit ako kina Shanaiah at Aly pero si Alyang hinatak ko.

“A—“ Sisigaw pa dapat si Aly pero syempre tinakpan ko na yung bibig. Yung ibang estudyante napatingin tuloy pero nginitian ko lang. Hindi naman ako mukhang holdaper masyado diba. Nakita ko si Shanaiah na patuloy lang sa pakikipagsisikan palabas. Dinala ko si Aly sa backstage.

“Red hair!” Tawag sa akin ni Dylan ang inyong USC Councilor. Hahawakan pa sana niya ang buhok ko pero umilag ako.

“May kakausapin lang ako.” Sabi ko sa kanya.

“Ohh.. Iyan bang kasama mo? Huwag mong sabihing girlfriend mo iyang maganda mong kasama?” Sabi naman niya. Aba lokong ito, masama ba akong magka-girlfriend? Nakita kong medyo nagtatakip ng mukha si Aly, bakit kaya?

“Sige na. Tsupi na, mag-uusap kami. Tsaka hindi ko siya girlfriend.” Paliwanag ko sa kanya. Pwede ba kasing lumayo-layo muna siya?

“Ang sungit mo naman. Parang di tayo magkaibigan…” Nakangising sabi nito.

“Tsupi na!” Sabi ko na lang at umalis na nga ito.

“Kyle!” Napalingon ako sa likod ko. Si Drei, yung girlfriend este asawa daw ni Dylan ang inyong USC Councilor.

“Hi Drei. Ang galing mo kanina.” Tsaka ako nag-thumbs up sa kanya. Buti pa itong girlfriend, walang sapak. Hawak ko parin ang kamay ni Aly. Baka tumakas e.

“Salamat. Ah sige, puntahan ko lang si Dylan.” Nag-wave ito sa akin at umalis. Hinarap ko naman si Aly.

“Aly.” Baling ko sa kanya.

Shan’s POV

“Aly…” Pero pagtingin ko sa likod ko, wala na siya. Lumingon lingon ako kaso natutulak na ako nung mga tao. Aly, where are you?! T___________T

Oh where the hell is Aly? Kanina lang kasunod ko lang iyon. Pero bakit nawala.

“Shall I try to call her?” bulong ko then kinuha ko yung phone ko sa bag ko. Oh shit! Walang signal. I tried to call her again kaso wala talagang signal. Badtrip naman. Lingon ako ng lingon pero hindi ko siya makita. Ang dami rin kasing tao kaya hindi ko siya makita.

“Excuse me po.” Sabi ko sa mga tao. Where is she?!

“Sorry. Sorry po.” Nabunggo ko na lahat ng tao! Urgh! Aly!!

“Lagot ka talaga sa akin Aly kapag nakita kita!!!!” Galit na sabi ko. Nakakahiya naman kasi pinagtinginan ako ng tao T_______T

In the end, naupo na lang ako sa hagdan. I’ll just wait. Magtetext naman siguro yun…

Aly’s POV

Gusto kong lamunin na lang ng lupa kanina! Grabe, parang nagkulang ang nilalabas na oxygen ng mga halaman kanina. Hindi ako makahinga! Naguguluhan pa rin ako. Mauuna pa yata akong mabaliw kesa kay Shan samantalang problema niya ito!

“Aly! Saan kaba nagpunta! Bigla-bigla ka na lang nawawala!” Galit na sabi ni Shan. For sure mabaliw baliw na rin ito sa paghanap sa akin.

“You’re in big trouble Shan! Nako! Mababaliw na ako.” Sabi ko sa kanya. Naglalakad na kami pauwi. Mga bandang 10PM na.

“Bakit? Ano bang nangyari?” Nagtatakang tanong niya.

“May humila sa akin kanina!” Sabi ko sa kanya.

At First Sight (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon