Shanaiah’s POV
Isang gabi pauwi ako sa apartment nang makita ko si Dylan at ang girlfriend niya. Nakapag-search ako tungkol sa girlfriend niya. Nathalia Andrea Plaza ang panglan nito at DevCom student. Maganda nga ito at matagal na nga silang magkarelasyon. Mas nasasaktan lang ako. Iyan naman kasi yung ginagawa mo. Mag-se-search tapos kapag may nakita, masasaktan. Mag-e-emo. The less thing that you know, the less pain you will feel.
Pinalis ko muna sa isipan ko si Dylan. Magpo-focus muna ako sa last quiz namin sa FIL20. Nakamamatay na naman ito for sure. Sabi nga ni Ma’am, wala kaming exam pero ang quiz namin, nakamamatay. Maraming beses na rin akong namatay dahil sa quiz, pero I’m still half alive. Nagbasa ako ng readings. Last quiz na ito at dapat e maipasa ko ito. Nakakahiya naman. 60 pecent pa naman ng grade namin ay galing sa quiz. Patay na talaga. Ayokong ulitin ang FIL20! Please lang!
Nagreview na nga ako. Kinabisado ko yung mga may-akda tapos… Sa kasamaang palad e may nakita ako na kapangalan niya sa authors. Yung totoo? Bakit may Dylan ang pangalan dito? Kinalimutan ko nga muna siya tapos may biglang magpapaalala? Fate is really playing with me.
Kinabukasan ay nag-quiz na kami. 80/100 ang score ko. Mababa ba? Sorry naman! 4 points each kasi! HAHAHA! Ang galing hane? Nakakaloka talaga ang prof namin. Pero atleast last quiz na iyon. Ang huli na lang naming gagawin for FIL20 ay yung Final Paper.
“Tandaan niyo na kailangan yung mga number niyo ay nasa final paper niyo para kung sakaling tagilid ang grade niyo, maipapaalam namin sa inyo. Huwag kayong mag-alala maganda naman ang approach namin sa inyo. Hey Boy! Hey Girl! Congrats! You failed!” Sabi ng Prof namin sa FIL20. Nagtawanan naman ang mga estudyante sa lecture hall kabilang na ako.
“O kaya pwede namang kapag may UNKNOWN number na tumawag sa inyo e hindi niyo na sagutin ang tawag tapos e umiyak na lang kayo sa isang sulok.” Dugtong pa ni mam. Kami naman tawanan ulit. Pero scary din ha!
After sabihin ni mam yung tungkol sa paper e pinauwi na niya kami. By group ang final paper. MAKI-BACA ang group name namin since lahat kami ay Commarts student. Napag-isipan namin na gumawa na lang ng comics dahil kailangan creative yung pagkakagawa.
Patapos na ang sem kaya busy na ang lahat. Hindi na rin kami makapag-usap ni Aly dahil siya tadtad na ng exams at busy sa pagrereview. Gusto ko na siyang kibuin pero mukhang busy talaga siya.
Friday Night**
Nagtext sa akin si Baj. Ka-group ko sa FIL20. Magkikita daw kami ng 6PM. Pero tinatamad ako kaya hindi ako nag-reply. Tatlong beses niya sa akin sinend iyon pero hindi pa rin ako nag-reply. Uso naman na mawalan ng load e.
Pinalambot ko muna yung manok kong binili bago umuwi. Isasalang ko na sana yun ng tumawag si Baj.
“Hello Shan!” Sigaw agad nito sa akin. Galit lang?
“Oh Bakit?” Sagot ko naman habang inilalagay sa kalan yung papalambutin ko. Chef kaya ako sa LB. HAHA! Chef ng puro prito.
“Umuwi kaba?” Tanong nito sa akin. Gusto kong sabihing OO dahil tinatamad akong pumunta pero LYING is bad diba?
“Hindi.” Maikling sagot ko at binuksan ko ang gasul at ang kalan.
“E pumunta ka na dito Please. Pag-usapan na natin yung sa FIL20.” Binaba na nito ang telepono kaya naman wala na akong nagawa kundi pumunta.
“Aly, pakipatay naman yung apoy kapag kumukulo na. Salamat!” Pagkaraan nun ay lumabas na ako. Tumakbo na ako.
To my surprise, pagkalabas ko ng gate, siya agad ang nakita ko. Napatigil ako at napatitig sa kanya. We are just inches away from each other. Muntik ko na nga itong mabangga kundi ako naka-preno sa pagtakbo. Napatigil din siya. Yumuko ako at dumiretso.
BINABASA MO ANG
At First Sight (COMPLETED!)
Novela JuvenilThis story will also feature different places in our university. The story is a half fictional and half non-fictional. Some of the situations are experienced by the authors and others are just products of the writer's creative mind. READ. VOTE. COMM...