12

53 6 0
                                    

We were now eating our lunch, dito na rin ako nagpaorder sa condo ko para naman hindi na hassle. Hindi naman ganoon karami ang kailangan kong ayusin. Ilan lang rin naman ang dinala kong gamit, siguro paunti unti ang gagawin kong pagbili sa mga gamit ko.

Naalala ko pa ang pamimilit ni Mom sa akin few weeks ago.

"Come on, ako na ang bibili sa ibang kailangan mo do'n. At least let me do that, Ate." Aniya matapos patulugin si Dion.

Umiling lamang ako doon at tumabi sa kanya sa couch sa loob ng room niya. Dahil isang taon pa lang si Dion ay hindi pa ito hinayaan ni Mom na magkaroon ng sariling kwarto. Mas gusto niyang nakikita niya ito palagi, at nachecheck rin dahil madalas ay gising na gising ito sa madaling araw.

I know good things are coming becauce I'm gonna make them happen. May trabaho na ako, at isa pa maayos naman ang business namin. Money is not an issue so far.

I can buy my own things. I decided to move out and stand on my own, kaya naman dapat mapanindigan ko iyon.

"Nah, I can manage." Tugon ko rito at hinayaan siyang umupo sa tabi ko. Sumandal ito at inilagay ang braso sa balikat ko. She tapped my shoulder gently.

"You don't know how proud I am of you, Denise." Ani nito.

Napabalik naman ako sa kasalukuyan. Magkasalubong ang kilay ni Nikolai habang kumakain ng chicken wings. We're wearing plastic gloves. Pero mukhang hirap na hirap pa siya sa pagkain nito.

"Hey, ganito kasi." He looked at me while holding a piece of chicken wings. Dahan dahan kong ipinakita sa kanya ang pagkain nito. Nanlalaki ang matang tumango siya sa akin.

"Tyron, independent na talaga si Denise." Sabi niya pa at siniko si Tyron sa tabi niya.

"Oh my gosh, ang oa mo." Ako at nilantakan nang muli ang hawak ko.

I am so blessed to have this guys in all stages of my life. Somehow, I just can't say enough how much I appreciate them being in my world.

When we finished eating our late lunch, we continued doing our stuffs. Gabi na ng matapos kami kaya naman halata rin ang pagod sa amin. Tyron volunteered to cook instead of ordering for our dinner. Sa condo na niya matutulog si Nikolai at nakapagdala naman ito ng gamit para bukas.

"Anong maganda?" Paglapit sa akin ni Nikolai kasabay ng pagpapakita nito ng phone. He swiped it left to make me see the two pictures.

It was a necklace. Ang isa ay parang sunflower styled ang pendant, the other one is just a simple moon. Tumaas ang kilay ko dahil parehas naman mahal ang dalawang iyon.

I decided not to ask about that. "The second one." I said. Mas maganda yung moon ang pendant para sa akin.

"I think the sunflower one is better." Aniya at ibinagsak ang sarili sa carpeted floor at isinandal lang ang likod sa couch na inuupuan ko.

"Wow, remind me not to answer you the next time you ask me." Hinila ko pa ang ilang hibla ng buhok niya.

"Dinner's ready." Si Tyron at sinulyapan kaming dalawa ni Nikolai na nag aasaran.

"Yes, Dad." Nikolai in his usual playful side. Sabi nila funny guys make you fall in love without you knowing it. Kaya siguro marami ang nababaliw sa lalaking ito. Ipupusta ko ang bagong designer bag ko na hindi pa rin siya seryoso sa pagbibigyan niya ng kwintas.

For a month, I focused on our business. Si Tyron ay ilang araw na lang ang hihintayin para malaman ang resulta sa board exams. But I am too sure that he passed, siya lang itong hindi masyadong kumikibo everytime Nikolai would asked if he thinks he did well.

PuhonWhere stories live. Discover now