"Are you that excited?" Nakangiting tanong sa akin ni Ej. Tumatangong ngumiti ako sa kanya at sumulyap muli sa labas ng sasakyan. Dave is on the driver's seat with a girl named Hailey.
We were on our way to the airport, hindi ko alam kung paanong napapayag ni Ej si Dave at ang date niya na ihatid kami. Hawak niya ang kamay ko at pinaglalaruan 'yon habang tinatahak namin ang mahabang daan. He's wearing his usual plain tee and black pants with his white sneakers. Nakajacket na rin ito kahit na wala pa naman kami sa airport.
"Slow down, Vargas." Ej warned his friend. Bumibilis kasi ang takbo nito habang kausap ang babae sa harap.
"Gago, may date pa ako." Pabalang na sagot naman niya. Nakita ko ang pagtawa ng mahina ni Hailey sa tinuran ng lalaki. Si Ej naman ay tila walang pakialam kahit na nakakaistobro kami. I told him we should have ride a cab or a grab, but he insisted. Nasa condo niya rin kasi kanina si Dave kaya naman sinundo muna nito si Hailey at binalikan kami sa condo.
"Uh sorry." Guilty kong paumanhin sa kanilang dalawa. Agad naman na lumingon si Hailey at sumenyas sa akin na wala lang 'yon.
"Uy joke lang!" Agad na sabi ni Dave nang makita ang mukha namin ni Ej sa rearview mirror.
"Don't mind him." Bulong sa akin ni Ej rason para sikuhin ko siya.
"Anong meron?" Tanong muli ni Dave.
"What?" Ej answered looking back at him.
"What's with the flight?"
"A gift." Simpleng sagot ni Ej at tumingin sa akin. He gently touched my cheeks before he gave me a wink. I can't help but to roll my eyes and control my giggle.
"Sarap mo siguro maging jowa." Napapalabing sabi ni Dave ma ikinatawa naming lahat. Nang makarating sa airport ay agad din na umalis sina Dave. We thanked them, at ilang beses pa siyang pabirong sinuntok ni Ej dahil may kung ano siyang binubulong dito.
I was actually shocked when Mom let me go to Greece with Ej, like how can he make my Mom agree to this? Agad naman na tumunog ang phone ko. Ej is holding our baggages, hawak ko naman ang maliit kong bag. I answered Tyron's call and excitedly turn on my camera.
Agad na kumunot ang noo niya nang makita ang background ko. I waved my hand at him. Ej just nodded and left the things with me and told me that he'll check our flight. Tumango ako at hinayaan siya. Umupo ako at tumingin muli kay Tyron.
"Where are you?" Tanong niya.
"Airport. We'll be going to Greece!" Excited kong sabi sa kanya. This is my first time to go out of the country with a man. Ngumuso si Tyron at iniharap kay Tita ang camera.
"Hi Tita!" Kumaway ako dito at nakitang malawak itong ngumiti nang makita ako.
"Oh my! Hi, Denise! You're as beautiful as ever, anak." Malambing nitong sabi sa akin.
"How's everything, Tita?"
"Usual, monthly check up." Ani niya at nagpaalam dahil kakausapin ito ng doktor. Tyron sighed as he stared at his mother walking away.
"Ty, you okay?" Tanong ko dito dahil nag aalala ako. It's surprising that he called me. Madalas ay chat lang ang nagagawa nito.
"Yeah, is Jayce with you?" He asked as he walked outside of the hospital.
"Mhm. Oh, he's here." Sumilip naman si Ej sa camera at ngumiti kay Tyron. Tyron smiled back. Magpapaalam na sana kami dahil oras na ng flight namin nang may marinig kami sa kabilang linya.
"Sir, andito lang pala kayo." Boses babae iyon. Nahagip ito ng camera dahil sa pagdaan mula sa likod ni Tyron. She look young and her voice sounds so jolly. Tila nanlaki naman ang mata nito nang makita ako sa camera. She called him 'Sir', maybe Tito's personal nurse? I don't know.
YOU ARE READING
Puhon
Teen FictionIt wasn't easy loving a broken man. But he was the most beautiful version of brokenness. I filled her absence with my patience. I knew he was broken, but I couldn't help myself loving him the way he deserves. He's emotionally damaged, but I know he...