I got a call from Nikolai just this morning. Mamayang gabi na kasi ang flight ni Tyron papunta sa Canada.
I just did my usual routine until five in the afternoon and went straight to the airport. Naabutan ko sina Tyron at Nikolai sa loob, mabilis ko naman silang nilapitan. Isang maleta lang ang dala ng lalaki. They waved at me.
"Have a safe flight." I said and he nodded and smiled.
Hindi na rin masyado nagtagal at umalis na si Tyron. I just handed him my gift for Tito. One week lang naman mawawala si Tyron, ayun ang sabi niya.
"Saan ka? Uwi na?" Si Nikolai habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Umiling ako dahil uuwi ako ngayon sa bahay. Baka doon na rin muna ako matulog.
"Tita Diana?" Aniya na parang nabasa ang isip ko.
"Yeah. Safe driving!" Ako at kumaway na sa kanya bago pumasok sa loob ng sasakyan ko. Dumaan muna ako sa isang bakeshop para bumili ng cake. Mom loves salted caramel so much. Bumili rin ako ng para kay Dion.
"Oh my God!" Mom exclaimed when she saw me. Si Dion ay napatingin lang sa akin at kumaway nang makita ako.
I kissed them both. Binigay ko naman kay Manang ang dalang pagkain para ihanda ito.
"Hindi ka nagsabing uuwi ka, nagpaluto sana ako ng masarap na dinner." Kiniliti ko si Dion at tumawa naman ito.
"Let's just order food. Bumili ako ng cake, sa dessert na natin kainin 'yon." Ako at nagpaalam na aakyat saglit para maligo.
Hinubad ko agad ang heels ko at tinanggal ang jewelries. I used micellair water to wipe out the make up from face. That felt nice. Bare face.
Matapos ay tumungo na ko sa banyo at naligo. Binilisan ko na rin dahil nagugutom na ako.
"I already order the food. Let's eat?" My Mom carried Dion and went straight to the dining area.
"How's work?" Mom asked me in the middle of the dinner.
"It's fine." Simple kong tugon dahil iyon naman ang totoo.
When we finished eating, Mom excused herself because it's bed time for Dion. Um-oo ako at nagpahinga na lang sa kwarto.
Mom knocked on the door so I told her to just come inside. Umupo naman ako sa kama at inilapag muna ang phone.
"Mom." Umusog ako ng kaunti para makaupo siya sa tabi ko.
Umupo siya sa gilid ng kama ko at nilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Malinis ang kwarto ko, kahit na wala ako dito ay palagi kong pinapaalala na linisan ito. I still have my bookshelf here.
"You're doing fine." She stated while staring at me. Sinandal ko ang ulo sa headboard ng kama at pinahinga lamang ang palad sa tiyan.
"Am I?" Tanong ko sa kanya.
"Do you want to meet your sisters?" Tanong niya matapos ang ilang minuto nang hindi pagsasalita. I felt the familiar pain inside, how long should I bear this?
"No. I am not that selfish, Mom." We just broke their family, anong mukha ang maihaharap ko sa kanila?
"Are you still mad?" Anito. Nanatili ang mata ko sa harap at hinayaan na makaramdam ng sakit.
I don't know. Maybe no, hindi siguro ako galit sa kanila. Pero sa sarili ko? Yes, I am mad. I was the reason why they had to do that. I was the reason why one family got destroyed.
"Your dad was always craving for you to call him dad. Hindi niya masabi dahil alam niyang galit ka sa kanya, sa amin."
"Do you regret giving birth to me?" I asked. Pinipigilang umiyak.
YOU ARE READING
Puhon
Teen FictionIt wasn't easy loving a broken man. But he was the most beautiful version of brokenness. I filled her absence with my patience. I knew he was broken, but I couldn't help myself loving him the way he deserves. He's emotionally damaged, but I know he...