15

48 5 0
                                    

"Oh shit! My keys!" Nagmamadali akong sumakay muli ng elevator para bumalik sa unit ko. I anxiously checked the time. I purposely woke up early today, baka kasi makasabay ko si Jayce sa elevator. And that's the last thing I want to happen today!

After receiving his text last night, Tyron kept on asking me. Hindi ko naman na sinabi pa iyon at nagdahilan na lamang na may nakalimutan akong pirmahan sa opisina. What a lame excuse, I know.

I kept on tapping my feet on the ground while waiting for it to reach my floor. Nang tumunog iyon ay para pa akong tanga na sinilip ang hallway.

Agad akong pumasok unit ko at wala nang sinayang pa na oras. Kinuha ko agad ang susi ng sasakyan ko at lumabas na muli.

"Oh fuck." I mumbled when I saw Jayce walking towards the elevator. Nang humarap ito at nakasakay na sa elevator ay nakita ako nito.

I bit the inside of my cheeks. He was staring at me while his brows are on a straight line. Pinanatili nitong nakabukas ang elevator at unti unting kumunot ang noo.

"Aren't you getting in?" Aniya sa mapang asar na boses. Ang sarap naman yatang batuhin ng heels ng lalaki na 'to.

Tumikhim ako at taas noong naglakad papunta dito. Nang makapasok ay tsaka niya lang pinindot ang buttons.

"Good morning." I greeted him to save my ass first thing in the morning. Nakakahiya pa rin ang message ko sa kanya kagabi.

"Good morning....bhie." Sagot niya at binigyan ako ng ngisi. What the hell?

"Tangina naman." Bulong ko at bumuntong hininga. Narinig ko ang mahinang tawa niya na lalong nagpainis sa akin.

"My phone was hacked." I said.

He nodded with an amused smile.

"It was hacked? By who? Your boyfriend?" Siya at sumandal pa sa gilid at tumitig sa akin habang nakatagilid ang ulo.

"Y-yeah!" I can't believe I lied and stuttered at the same time!

Bumukas ang elevator at nauna na akong lumabas. Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar iyon.

"Shit talaga!" Paulit ulit kong padabog na bulong sa sarili habang nagmamaneho. Maaga pa naman kaya pinili kong bumili muna sa paborito kong cafe ng coffee.

"Iced Americano." Naupo ako at hinintay ang order ko.

"Wow." Hindi makapaniwalang tugon ko sa sarili nang makita si Jayce pumasok sa cafe.

He gave me a smirk when he saw me. I just rolled my eyes. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang order ko.

My day was just usual. Hindi na rin naman gano'n karami ang mga tinapos ko ngayong araw. Nang tingnan ko ang oras sa digital clock sa table ko ay napainat ako. It's already 6pm. Minabuti kong mag ayos na para makauwi.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa grocery para bumili ng stocks. Ayoko na rin muna umorder sa labas at kaya ko naman magluto.

Matapos ang halong kalahating oras ay nilagay ko na sa compartment ang mga binili ko at pumasok na sa loob ng sasakyan ko. I was just humming with Ben&Ben's song "Magpahinga" while driving. I smiled as I hear the lyrics. Ang ganda. Everyone really deserves a rest, 'no?

Sumagi naman sa isip ko si Dion at Mom. Maybe I should visit this weekend. Hindi ko naman habang buhay matatakasan na anak at kapatid pa rin ako.

I parked my car. Kinuha ko na isa isa ang mga plastic bags ng groceries ko.

"Let me." Si Tyron at kinuha ang iba pa sa likod ng sasakyan ko.

"Ginabi ka?" Ako at sinara na ang compartment ng sasakyan.

PuhonWhere stories live. Discover now