"Don't be late! Gusto ko sa unahan tayo." Paalala ko kay Jayce. Naabutan ko ito sa reception area. Mamaya pa naman ang drive-in concert na pupuntahan namin. Sasakyan niya na rin daw ang gagamitin kaya pumayag na ako.
"I'll just knock on your door." He waved at me. Lumabas ito samantalang ako naman ay umakyat na sa floor namin. Dala ang biniling pagkain sa drive thru ay sumakay na ako ng elevator.
I just ate by myself. Si Tyron ay next week pa yata uuwi. Hindi ko alam pero masama yata ang panahon doon at laging cancelled ang flight niya. Nabanggit ko naman sa kanya ang concert na pupuntahan namin ni Jayce mamaya.
"You're going with?" Tanong nito nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa concert. He knows I don't like going with such things alone.
Nasa kama lang niya ito at nakasuot ng salamin. It made him look more matured. It suits him.
"Jayce. Nikolai has something to do daw, eh." Nakasandal lang ako sa headboard ng kama ko. Tinanong ko rin kasi si Nikolai at baka sakaling free siya ng araw na 'yon.
Napatigil ito sa ginagawa nang marinig ang sagot ko. Napalabi at unti unting tumango kalaunan.
"He agreed?" He asked seriously.
"Oo naman. Friends naman kami." Natawa pa ako sa huling sinabi ko.
"Friends." Tumango si Tyron at iniba na lang ang usapan matapos sabihin iyon.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko na ang katok ni Jayce. Saktong kakatapos ko lang magsapatos. Nakadenim short lang ako at maroon graphic shirt na nakatuck in sa short ko. I wore my mini bag and sprayed my perfume before going out of my room.
"Wow." My mouth left open when I saw him wearing a maroon graphic shirt. Magkaiba lang kami ng print. Nakashort lang din ito at nakasneakers. He's wearing a black cap. 7pm ang umpisa ng concert at halos kalahating oras ang byahe papunta sa venue.
"Wow." He mimicked my voice and my wide eyes open.
Nanliliit ang matang tiningnan ko siya. Inayos pa nito ang pagkakasuot ng cap niya at nagkibit balikat matapos.
"Okay, what a coincidence." Nakabody bag si Jayce. He looks too comfortable with that kind of outfit, napansin ko lang.
"Drive thru tayo?" He asked. Pumayag ako dahil hindi na kami makakapagdinner along the way.
Nagulat pa ako nang umorder din siya ng mcflurry at fries. Sabay lang kaming nakikinig sa kanta habang nagdadrive siya.
"Maybe the night, holds a little hope for us dear." Mahinang pagsabay ko sa kanta na tumutugtog ngayon.
Napansin kong napatingin siya sa akin kaya tinigil ko ang pagkanta. Getting concious, I took a glance at him.
"What?" I mouthed. Uminom nalang ako sa coke float ko.
"I just remembered....something." Siya at binalik na ang tingin sa daan. I made a face when I heard that.
"Not someone?" I asked.
He bit his lip and stopped because it's red light. Tanging tugtog na lang ang naririnig sa loob ng sasakyan. Okay, this is awkward. Screw your question, Denise.
"Just kidding. Masyado kang seryoso." Hilaw akong tumawa dahil hindi siya komportableng pag usapan ang nasa loob ng isip niya ngayon.
When it turned green light he tried to open his mouth to say something.
Pansin ang ugat sa mala kandilang kamay niya na nakahawak sa manibela. His jaw is on its perfect shape. Umiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin.
YOU ARE READING
Puhon
Teen FictionIt wasn't easy loving a broken man. But he was the most beautiful version of brokenness. I filled her absence with my patience. I knew he was broken, but I couldn't help myself loving him the way he deserves. He's emotionally damaged, but I know he...