Hinihingal kong tinigil ang threadmill. I wiped my sweat using a towel and drank straight from my tumbler. Pagod kong sinalampak ang sarili sa sahig. Nasa gym ako nitong condo tower. At dahil weekend ay nagworkout muna ako. It's still seven in the morning. Siguro ay nasa 30 minutes pa lang ako rito.
A tall man approached me. Natatawang umupo ito sa tabi ko. He's not familiar. Uminom akong muli sa tumbler ko nang magsalita ito.
"Hi? I'm Jairus." Anito at inabot pa ang kamay sa akin. I gave him a polite smile.
"Hi." Ako at tatayo na sana nang tumayo rin ito at humarang sa daanan ko.
Tumaas ang kilay ko nang makita siya sa harapan ko. He's smirking, and I don't like his aura. Akala niya siguro lahat ay magagwapuhan sa kanya.
"You didn't tell me your name." Anito.
I can't help but to roll my eyes. But still I smiled at him. This time making it obvious that I don't like his presence.
Nagkibit lang ako ng balikat at dumaan sa gilid niya. I felt him touched my arm so I immediately pulled it back.
"What's your problem?" Madiin kong tanong sa kanya.
"Nakikipagkaibigan lang ako." I badly want to wash off that smirk on his face. Matagal pa itong tumitig sa dibdib ko.
"Sorry, I've got friends already." Tumalikod ako at naramdaman na sumusunod ito sa akin.
"Denise." Jayce went towards us. Matalim ang tingin nito sa lalaki at may diin sa pagbanggit ng pangalan ko.
"So, Denise pangalan mo?" May pang-aasar sa tinig ng lalaki. Matalim ko itong tinitigan. I just saw Jayce blocking my view. Tumayo siya sa harap ko at halos katangkaran niya lang ang lalaki.
"Stay the fuck inside your unit if you're just going to mess with people around here." Jayce with a warning tone in his voice. Napalunok ako nang marinig iyon.
Itinaas naman ng lalaki ang dalawang kamay at umatras bago tumalikod sa amin. I heaved a sigh. He faced me.
"Thank you." Pagpapasalamat ko kay Jayce.
"You okay?" He asked with a concern on his voice. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago siya sagutin na ayos lang ako.
I did my routine. I'm focusing on my abs, so I did four sets of flutter kicks and dumbbell crunches. I was too sweaty when I decided to have a five minute break. Natatanaw ko naman si Jayce hindi kalayuan sa akin na nagbubuhat ng weights. Tumingin ito sa akin kaya tumango lang ako at ngumiti.
Maya maya pa ay lumapit ito sa akin. He drank from the bottle he is holding at umupo sa tabi ko. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng gym bago magsalita at tumingin sa akin.
"Does it usually happen to you?" He asked. Nagpunas ito ng pawis niya.
"What do you mean? The guys?" I asked him back.
Tumango ito at naghintay pa ng sagot mula sa akin.
"Yeah? But it's not that usual since Tyron and Nikolai's always with me." I said as matter of fact.
"Next time kapag hindi maganda ang intention, suntukin mo." Aniya. Napatingin ako sa kanya at natawa. Walang kahit anong bahid ng pagbibiro sa mukha nito at lumalim ang pagkakakunot ng noo dahil sa pagtawa ko.
"I'm not kidding." Siya at tumayo bago nagpaalam na babalik na sa pagwoworkout.
My workout for the day lasted for almost two hours. Nang paalis na ako ay sumabay na rin sa akin si Jayce.
YOU ARE READING
Puhon
Teen FictionIt wasn't easy loving a broken man. But he was the most beautiful version of brokenness. I filled her absence with my patience. I knew he was broken, but I couldn't help myself loving him the way he deserves. He's emotionally damaged, but I know he...