Canada was helpful. Tyron's family became a big part of my healing. I'm not yet that healed but I know I'm getting there. It was almost Christmas when I decided to come home. Hinatid ako ni Tyron at Heather sa airport.
"Make Tyron appear on you vlogs more." Bulong ko kay Heather. She giggled and nodded.
"Sinabi mo pa, mas marami views kapag kasama siya." Sagot niya sa akin. Tyron came back from the restroom. Dumapo ang kamay nito sa maliit na bewang ni Heather. Nahihiya naman na tinanggal iyon ng babae at tumingin sa akin. Natawa ako at tumaas ang kilay kay Tyron.
"Safe flight, call me when you landed." I gave Tyron a hug and thanked him. Kumaway ako sa kanila nang makapasok ako sa loob.
Nang makarating ako sa Pilipinas ay agad akong tumawag kay Tyron gaya ng utos niya. I took a cab and went straight to Dion to get him.
"Denise..." Si Grae ang nagbukas ng gate at gulat na makita ako. I smiled at her.
"Si Dion?" Tanong ko sa kanya. Nilawakan naman niya ang bukas ng gate pero umiling ako. Naghihintay din kasi ang taxi at hindi na kami pwede pang magtagal.
She got the point and signed me to wait so I did. I saw Dion running with a pen and paper on his hand. "Hi!" Agad ko itong binuhat at hinalikan sa pisngi.
"We're going home." Sabi ko sa kanya at ibinaba siya. Tumango naman siya at yumakap pang muli sa bewang ko. Lumabas si Grae dala ang mga gamit ni Dion. Tinulungan niya akong ilagay iyon sa loob ng taxi.
"Visit us again, ha?" Aniya kay Tyron at ginulo pa ang buhok nito. Dion kissed her. Nakita ko naman ang paglabas ng nanay ni Grae, maging ng kapatid niya.
Nag iwas ako ng tingin, ni hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanila.
Naramdaman ko ang marahan na hawak sa kamay ko. Napaangat ako ng tingin doon at nakitang may ngiti sa labi ang nanay ni Grae habang nakatingin sa akin.
"You can always come here, maghihintay kami." Anito na agad bumalot ng sakit at saya sa puso ko.
"I'm sorry... I really---"
"It's not your fault." Niyakap ako nito at hinagod ang likuran ko. I saw Greianne coming forward and joined the hug. Si Grae naman ay binuhat si Dion at lumapit sa amin.
"Ganda ng lahi natin." Si Grae at tiningnan kami isa isa. Nanlalaki naman ang mga mata ko na tumingin sa kanila.
"Ate...." Si Greianne at nakangusong yumakap sa akin. I felt the urge to cry, maging si Grae na naluluha ay hinawakan ang kamay ko. How did they know? Grae sincerely smiled at me.
"Mas matanda ka lang ng ilang buwan, I won't call you ate." Aniya pa at tumawa. Dion reached for my cheeks when he saw me crying.
Tumango ako sa kanila. "T-thank you...for forgiving us. For accepting me...Oh God!" Agad kong pinunasan ang luha ko at nahihiyang tumalikod sa kanila.
"Attend my wedding, okay?" Si Grae na ipinasok na si Dion sa loob ng taxi.
"Wedding?" I asked her.
She nodded and showed me her ring. "With Caleb." Aniya nang nakangiti.
Binasa ko ang labi ko at ngumiti. "Of course. I will."
"Denise..." Nanatili ang kamay ko sa pintuan ng sasakyan at lumingon muli kay Grae. Ngumiti muna sa akin si Tita at Greianne, at sabay silang pumasok sa loob ng bahay.
"Don't be harsh on yourself. We were not responsible for the pain that they put us through." Aniya at binigyan ako ng isang ngiti. I bit the inside of my lip. Yumuko ako at tumango.
YOU ARE READING
Puhon
Teen FictionIt wasn't easy loving a broken man. But he was the most beautiful version of brokenness. I filled her absence with my patience. I knew he was broken, but I couldn't help myself loving him the way he deserves. He's emotionally damaged, but I know he...