28

41 5 0
                                    

"Who's that?" Tanong ni Tyron nang pakatitigan ko ang phone ko. Hindi man lang ako pinagsalita ni Ej at pinatay agad ang tawag matapos sabihin iyon.

Lutang na tumingin ako sa kanya. Ramdam ko rin ang titig sa akin ni Miguel sa kanan ko. Bakit ba ako pinagigitnaan ng dalawang 'to? Bumuntong hininga ako bago ako muling tumingin sa phone ko nang maramdaman ang pagvibrate nito.

Ej:
It's not just Miguel, but also Tyron.

Pakiramdam ko ay nakikita ko ang mukha niya at naririnig ang tono ng boses niya sa simpleng mensahe na iyon. Nagtipa naman ako ng reply doon.

Ako:
What do you mean?

"Drive thru muna tayo." Rinig kong sabi ni Tyron kay Nikolai na nagmamaneho. Paglingon ko dito ay nakatingin na lang ito sa labas ng bintana. Nilingon ko rin si Miguel at ganoon din ito.

Ej message came. Ang mga mata ko ay abang na abang sa laman ng mensaheng dumating.

Ej:
Akin ka next weekend.

Nanlalaki ang matang binasa ko ito nang paulit ulit. Shit, ano daw? Agad kong dinial ang numero niya pero ayaw niya itong sagutin, kaya wala akong ibang choice kung hindi ang magreply sa text niya.

Ako:
Pakilig ka ah! Sayo naman ako always.

Nangingiti ko iyong sinend sa kanya. I pursed my lips as I read his message again and again. Lord, ang sarap naman mabuhay.

Lumiko si Nikolai sa unang drive thru na nadaanan namin. Nag uusap naman sila ni Addie sa harapan. Kinalabit ko si Tyron rason para tumingin ito sa akin. Tumaas ang isa niyang kilay.

"It was Ej." Ako at itinaas pa ang phone ko para makita niya. Tumango lang ito bago tumingin muli sa labas. Kumunot naman ang noo ko at tumingin muli sa phone ko nang may dumating muli na message.

Ej:
Duda ako.

Tinakpan ko ang bibig ko ng kaliwang palad ko dahil hindi ko mapigilan ang pagngiti sa simpleng pagsusungit ni Ej.

Madilim pa rin ang daan, Tyron ordered for the both of us, tamang tama dahil hindi ako nakapag almusal bago umalis. Si Miguel naman ay ginaya lang ang order ng pinsan niya.

When we got our order, we started eating while music in front is playing. Kinagatan ko ang burger ko at tiningnan muli si Tyron.

"You want mine?" Tanong niya nang titigan ko siya.

Umiling ako. Tumango siya bagong muling kumagat sa burger niya. "You don't like tomatoes on your burger." Aniya na sinasabing kabisado niya ako. Ngumiti ako bago uminom sa drinks na hawak ko.

"I prefer a lot of veggies." Tumatangong sabi ko pa sa kanya. Nagulat ako nang ialok ni Miguel ang hawak niyang pagkain sa akin.

"Try this." Tiningnan ko naman ang salad na nasa paper plate bago alanganin na kinuha ang tinidor doon bago tumikim. I smiled because I liked it.

"You can eat this." Ngiti ni Miguel.

"Nah, okay lang. You can eat it." Sinserong sabi ko. Tumango naman siya.

Hindi ko na nareplyan pa si Ej at nakipagkwentuhan na lang sa mga kasama ko.

"You have plans on next weekends?" Tanong ni Miguel sa akin. Si Tyron naman ay inubos ang hindi ko na kaya pang ubusin na burger. Nakalugay ang buhok ko at malapit na sa bewang ang haba no'n. I might get a haircut if I have the time after this trip.

Saturday pa lang pero para gusto ko na agad dumating ang next weekend para sa second date namin ni Ej.

"I have. Why?" Tanong ko habang pinaglalaruan na lang ang straw ng inumin ko.

PuhonWhere stories live. Discover now