Ang pag-ibig parang ulan, minsan BIGLAAN, minsan NAGTATAGAL, minsan naman MABILIS na natatapos. Pero bakit nga ba napaka-ESPESYAL ng ULAN? Kasi gaya ng pag-ibig ang ULAN kaya mong maramdaman pero hindi mo kayang PIGILAN.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Daniel's POV
"Argggghhhhhh!!!!!!!!!", ano ba yan hindi ko mahanap yung mga shots ko para sa project na ginagawa ko. Kanina pa ako naghahanap pero wala.
"Saan ko ba nalagay 'yun? Hindi 'yun pwedeng mawala!" ang dami ko ng nabuksan na folders sa computer ko.
"Baka naman napunta sa mga old photos ko?", sa isip ko.
Bigla ko na lang nabuksan yung personal folder ko. Napatigil na lang ako dahil sa nakita kong larawan.Litrato ng isang babae......
(Flashback)
Click! Click! Click!
"Oh Daniel, tapos ka na ba diyan?", tanong ni Sir Tolentino sa akin.
"Sir kayo po pala, mga limang shots na lang po at babalik na po ako sa quarters natin"
"Good, mukhang marami ka na 'ring nakunan para sa contest, o siya bilisan mo ng makapili na tayo ng mga shots na bagay sa topic natin"
"Sige po sir", at umalis na si Sir. Marami-rami na rin talaga akong nakunan kaya lang parang may kulang.
BINABASA MO ANG
The Love Behind Music
FanfictionLove........ Sabi nila, ang pinakamasayang event na dadating sa buhay mo. Pero ito din daw yung pinakamasakit kapag nawala. Kaya mo bang tanggapin ang pagpana ni Kupido sa puso mo? Handa ka na rin bang magmahal and at the same time masaktan? Love...