Hello guys hope you'll like this chapter. Francella's ito na po 'yung hinihintay niyo. Medyo hindi nga lang po nakakakilig hehehehehe. Natagalan na naman ang pag-update medyo nagi-error po brain ko hahahahaha!!! :)
Enjoy pa rin sa panonood ng Got To Believe.
"Ayaw na kitang maging kaibigan, kasi gusto ko higit pa sa kaibigan", Joaquin
__________________________________________________________
Be with someone that requires you to grow, makes you forget your problems, holds your hand, likes to kiss, appreciates, and adores you.....
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Ella's POV
"Ma!! Alis na po ako!", paalam ko kay Mama habang naglalakad papalabas.
"Ella? Ella sandali!", habol sa akin ni Mama sa pinto, "Pag-isipan mong mabuti iyong sinabi ko sa'yo...", paalala niya muli.
"Ma, alam niyo na pong sagot ko diyan....", sabi ko.
"Ella, gusto ka niyang makita..."
"Ayoko po..", pandidiin ko.
"Ella....", tawag muli ni Mama.
"Ma pls, wag niyo muna akong kulitin. May pasok pa po ako, mali-late na po ako...", pagpapalusot ko.
"Sige, hahayaan kita ngayon, pero pag-isipan mo nga mabuti ang sinabi ko sa'yo", hindi na ako nagsalita muli. Kinuha ko na ang aking bisikleta at pumanik na sa pagpasok.
Habang nasa daan papuntang eskwelahan ay iniisip ko ang sinabi ni Mama. Magpapakita ba ako sa kanya? pero sa paulit-ulit kong pagtatanong sa sarili ko, paulit-ulit din ang sagot ko -- Hindi ko kayang makita siya. Nakarating ako sa eskwelahan na ganoon pa rin ang iniisp.
"Ahhhhhh!!! Focus!! Focus Ella!", sabi ko sa sarili. Tama. Focus! Kailangan mag-focus!!. Nang mapakalma ko na ang sarili ko ay pumasok na ako sa room. Natapos ang 2 periods na klase na hindi naman ako ginugulo ng iniisip ko kanina. Vacant ang next at ayoko ng ganito. Mas maiisip ko lang ang problema ko kung hindi ko aabalahin ang sarili ko. Napagdesisyonan kong pumunta sa library.
Habang nagbabasa ay hindi pa rin maalis sa isip ko iyong sinabi ni mama. Ahhhhhh!!!! Umalis ka nga sa utak ko. Nasapo ko tuloy ang mukha ko. Arghhhhh!!! Wag muna ngayon kailangan kong mag-focus!!!
"May problema ka ba?", narinig kong may nagsalita. Inalis ko ang aking kamay na nakasapo sa aking mukha upang makita ang nagsalita.
"Ikaw pala, Francis", sabi ko at umayos ng upo. Umupo naman siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Okay lang bang tumabi?", eh naka-upo ka na nga, sabi ko sa isip. Tumango na lang ako tanda ng pagsang-ayon.
"May problema ba, para kasing madilim 'yang mukha mo", untag niyang muli.
"Wala, medyo may iniisip lang!", tipid naman akong sumagot.
"Hmmm, sige hahayaan na lang kita!", sabi niya sabay tutok ng mata sa librong binabasa niya.
"Anong hahayaan?", untag ko naman sa kaniya.
"Hahayaan kitang magsenti!", ngiti niya pa.
"Hindi ako nagse-senti noh!", at binaling ko na lang ang atensyon sa binabasa.
"Totoo?", tanong niya pa.
"Oo nga", sabi ko.
"Weh?", sabi niya ulit.
"Ang kulit mo hindi nga!", pagpupumilit ko.
"Promise?", sabi pa niya ulit.
"Ito, kulit", sabi ko ulit.
"Promise? As in peksman?", sabi ni Francis.
"Peksman! 100% walang mintis!", sabi ko pa.
"Hmm, sige! Sabi mo eh!", at nagbasa ulit. Napailing naman ako.
"Sana libro na lang ako 'no?"
"Huh? Anong sinasabi mo diyan?", anong bang sinasabi ng isang 'to?
"Para tignan mo rin ako. Kanina pa kasing nakatutok yung mata mo sa librong hawak mo. Nakakatampo ka ah!"
"Ewan ko sa'yo!"
"Parang Flag Ceremony parati ang drama ko kapag napapadaan ka", ano bang trip niya ngayon?
"Bakit na naman?", tanong kong muli.
"Kasi napapatigil ako. Napapahawak sa puso at napapakanta!", napailing ako sa sinabi niya. Pero simple akong ngumiti.
"Are you smiling? Ngumingiti ka!", malakas niyang sabi. Napatingin naman ako sa kanya.
"SHHHHHHH!!!!!!!", sabi naman ng mga estyudyanteng nandito sa library. Napakamot naman siya sa batok niya.
"Sorry naman!", sabi niya. Napatawa ako sa ginawa niya.
"Ikaw kasi, para kang baliw!", itinuon ko ulit ang sarili sa pagbabasa pero naramdaman kong tinititigan niya ako.
"B-bakit?", tanong ko.
"Ngumiti ka na kasi. Kanina parang nabagsakan ka ng langit at lupa 'yung mukha mo. At least ngayon, ngumingiti ka na!", at ngumiti rin siya sa akin.
Narinig naman namin na nag-ring na bell ng school. Ibig sabihin next class na. Tumayo na ako at lumabas na ng library.
"Ella!", narinig kong tawag ni Francis.
"Sabay na tayo!", yaya niya. Nagtataka man ay um-oo naman ako.
"Uy, tumahimik ka na naman. Ayaw mo ba akong kasama?", tanong niya.
"Hindi. Hindi sa ganun, hindi lang kasi ako sanay", pagsagot ko naman.
"Ahh. Eh di masanay ka na!"
"Huh? Bakit naman?", pagtataka ko.
"Kasi lagi na kitang sasabayan", dahil sa sinabi niya ay napatigil ako. B-bakit?
"Ahm, Ella, mali-late na kasi tayo!", bumalik-tino naman ang utak ko sa sinabi niya.
"Ahh! Oo, halika na!", at nagmadali ng naglakad.Sa klase ay naging normal lang naman. Kahit papaano ay naiintindihan ko 'yung sinasabi ni sir. Hayy!! Bakit kasi ang daming gumugulo sa utak ko. Nang matapos ang klase ay niyaya ulit ako ni Francis na sabayan siya sa lunch. Dahil likas na mahiyain ako, tumanggi ako. He's acting so weird. Hindi lang talaga ako sanay na lagi siyang nakabuntot. Nagpalusot na lang ako na kasabay ko si Ate sa lunch. Buti naman at naintindihan niya. Ti-next ko na si Ate na sasabay ako sa kanya. Pumayag naman siya.
"Sabi ni Tita, gusto ka niyang makita", Arghhhh ito na naman sila........
"Ate, wag mo akong inisin ngayon...", pagmamaktol ko.
"Naiintindihan naman kita kung ayaw mo siyang makita pero kasi---", naputol ang sasabihin ni Ate dahil nagsalita ako.
"Pero kasi naaawa kayo sa kanya? Paano naman ako, hindi ba kayo naaawa sa akin? Sa tingin niyo ba ginusto ko 'to?", pagbabalik-tanong ko.
"Ella naman.......", Ate
"Ano? Eh sa ayaw ko nga siyang makita eh! Mahirap bang intindihin 'yun Ate?", unti-unti ng tumataas ang boses ko.
"I know pero---"
"Ate please, baka mawalan ako ng gana sa pagkain", buti naman at tumigil na rin siya. Bakit lahat sila kumakampi sa kanya? Parang tuloy ako pa ang masama dahil ayaw ko siyang makita. Buong afternoon class ko ay na-badtrip na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi na lang may nagpapaalala ng tungkol sa kanya.
"Malungkot ka na naman?", tabi sa akin ni Francis.
"Ahm, ano kasi....", magpapalusot sana ako.
"Alam mo ban---"
"Stop Francis!! Alam mo masakit ang ulo ko at kailangan ko ng katahimikan. So please wag mo muna akong kakausapin!", sabi ko.
"Ahh, sorry. Sige lilipat na muna ako ng upuan", at umalis na sa tabi ko. Arghhhhh!!! Ayan tuloy nabaling ko na 'yung galit ko sa iba. Napahawak naman ako sa sentido ko. Buti na lang at maagang natapos ang klase sa hapon kaya maaga rin akong umuwi. Malapit na ako sa bahay ng may mapansin akong pamilyar na tao sa harapan ng bahay namin. Si Mama---kasama siya.
Hindi ko alam pero biglang nanigas ako sa pagkakatayo ko. Bakit ba siya nandito? Naramdaman ko na lang na may tumutulo na sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Hindi ko na alam 'yung nangyari. Ang alam ko lang tumatakbo ako papalayo sa amin. Bahala na kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Ang mahalaga matakasan ko muna sila. Naramdaman ko na 'yung pagod sa pagtakbo kaya napahinto ako. Iyong pinipigilan kong luha, bumagsak na. Bakit ganun? Ang dali nilang sabihing patawarin ko na siya. Bakit napakadali sa kanilang patawarin siya. Walang katumbas ang binigay niyang sakit sa amin. Lahat sila sinasabing naiintindihan nila 'yung nararamdaman ko. Pero 'yung totoo, wala ni isa sa kanila ang nakakaintindi sa akin. Masakit para sa akin, na mayroong mga taong kaya akong balewalain at iwan na parang basura. Bakit sila ganun? Ang unfair naman ng mundo!!!
Napaupo naman ako. Pilit kong pinapatahan ang sarili ko pero taksil na mga luha. Parang ayaw maubos. Napasandal na lamang ako sa hinintuan ko. Kailan ba titino ang buhay ko? Nang napatahan ko na ang sarili ko ay tumayo na ako. Sa ngayon ayaw ko munang bumalik sa bahay, parang gusto ng mga paa kong lumayo na lang at takasan lahat sila. Walang pag-aatubiling naglakad muli ako. Papadilim na rin kaya medyo malamig na. Naisipan ko na baka pwede na akong umuwi. Pero may bahagi sa isip kong nagsasabing wag muna. Hindi ko na lam ang gagawin ko. At dahil gulong-gulo ang isip ko, hindi ko na namalayaan na may paparating palang sasakayan. At dahil nanghihina na rin ako ay naramdaman ko na lamang na bumagsak na ako. May mga narinig akong nagsalita. Naramdaman kong mayroong lumapit sa akin.
"Ella?", narinig ko pang binanggit niya ang pangalan ko bago pa ako ginupo ng pagod.
__________________________________________________________
@Angel_smile
I'm Leissha!
BINABASA MO ANG
The Love Behind Music
FanfictionLove........ Sabi nila, ang pinakamasayang event na dadating sa buhay mo. Pero ito din daw yung pinakamasakit kapag nawala. Kaya mo bang tanggapin ang pagpana ni Kupido sa puso mo? Handa ka na rin bang magmahal and at the same time masaktan? Love...