♥Chapter 20♫

188 4 1
                                    

Sorry for long waiting. Hope you'll like this chapter. Minadali ko lang po kasi. Keep on voting ang liking my story.

Medyo hindi maka-get over sa Got to Bleieve's Episodes this week!!1 <3
🐻🐻

"Chichay, ikaw ang gusto kong isayaw."

"Di ako kasali dito."

"Pero Chichay, ikaw ang mahal ko. Ikaw ang gusto kong makasayaw habambuhay."

__________________________________________________________

They told me that to make her fall in love I had to make her laugh. But everytime she laughs, I'm the one who falls in love.....

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Francis' POV

Malungkot

Iyan ang mukha ko ngayon. Paano ba naman kasi hindi siya pumayag sumabay kumain sa akin kanina tapos nagalit pa siya sa akin. Ano kayang nagawa ko? Nitong umaga okay naman siya, bakit kaya biglang nagbago mood niya.


"Ah Sir, kailangan niyo po bang umuwi agad?", natigil ako sa pag-iisip ng magtanong si Manong.


"Bakit po, nasiraan po ba tayo?", balik kong tanong.


"Hindi naman po, may iniuutos lang po ang Mama niyo na dadaanan. Baka lang po kasi gusto niyong maagang umuwi"


"Sige lang po, hindi naman po ako nagmamadali", sagot ko na lamang.


Habang bumabyahe ay hindi ko maiwasang hindi maisip 'yung nangyari kanina. Bakit kaya biglang nagbago mood niya. Nagulat ako ng biglang prumeno si Manong.


"Bakit po, anong nangyari?", nag-aalala kong tanong.


"Mukhang may nabangga po tayo Sir!", gulat ring sagot ni Manong.


"Ho?!!", napalakas kong sagot.


"Bigla po kasing tumakbo!", bumaba agad ako ng sasakyan upang tingnan kung sino man 'yung nabangga. Laking gulat ko kung sino siya.


"Ella?!", hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga!


"Manong bilis po, dalhin natin siya sa ospital!!", hindi na ako nag-atubiling buhatin siya.

AT HOSPITAL


"Don't worry hijo, wala namang damage na nangyari sa kanya. She just collapse. I think, hindi talaga siya nabangga, baka nang tumigil ang sasakyan ay saktong bumigay katawan niya. Mukhang pagod lang siya dahil ng dinala niyo dito ay pawisan siya, senyales na baka tumakbo siya or may tinatakbuhan", sabi ng doctor.


"Tinakbuhan?", nasambit ko.


"Mayroon bang ibang tao sa lugar kung saan niyo siya nakita?", tanong ng doctor.


"Ahm...wala naman po", sagot ko.


"Maybe she's just tired, but she's okay now. Pwede niyo na siyang iuwi maya-maya lang"


"Thank you po, Doc", at umalis na ang doctor. Pumasok naman ako sa Private Room. Gising na Ella at sa kasalukuyan ay naka-upo sa kanyang higaan.


"Sigurado ka bang walang masakit sa'yo?", paninigurado ko.


"Wala. I'm okay", simple niyang sagot.


"Sigurado ka? Kasi baka mama---"


"I'm okay, wag ka ng mag-alala", putol niya sa akin.

The Love Behind MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon