Hello Guys!!!! Sorry for the long waiting!!! Medyo busy ako eh hahahah!!!! Itong update na ito ay para sa mga nag-comment na mag-update na ako. Siyempre sino ba namang author ang hindi gaganahang mag-update kapag may mga nagco-comment na maganda ang story niya. And I want to thank you guyz sa paglalagay ng story ko sa reading list niyo. Sa mga nagpapabasa ng stories nila, hahanapan ko ng time yung stories niyo. Promise!!!
To my bestfriend na pilay ulit! Sa susunod na mapilay ka tutuluyan na kita hahahhaha Jokeness guyzssshhh!!!!!.
And to Laura, na buong maghapon ata tinitigan si Kirito kanina! Matutunaw na 'yan kong tititigan mo pa. Harush!!!!
Again. Arigatou Gozamasu!!!!!!
__________________________________________________________The prettiest smiles hide the deepest secrets. ..
The prettiest eyes cried the most tears. ..
And the kindest hearts felt the most pain. ..♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Khalil's POV
Nakakapanis naman ng laway itong katabi ko. Kanina pa ako hindi kinikibo. Ano ba yan? Napipi na ba 'to?
"Talagang hindi ka magsasalita man lang buong biyahe?", parinig ko. Still, no response naman siya. Sa halip, nilagay niya ang earphones niya sa tenga at sumandal sa headboard ng upuan. Aba! talaga naman oh! mukhang balak niya akong tulugan. Akala ko pa naman magiging masaya itong araw na ito eh, mukhang buong biyahe ko kakausapin sarili ko.
Matapos ng ilang oras na pagpapanis ng laway ay nakarating na kami sa barangay na naka-assign sa amin ni Sadako. Agad naman siyang bumaba at sinalubong 'yung mga batang naka-abang sa labas ng kotse. Bumaba na rin ako kahit medyo tinatamad.
"Goodmorning sa inyo! Buti naman at nakapunta kayo dito sa lugar namin. Maraming Salamat sa pagtulong niyo!", masayang sabi nung babaeng mukhang lider ng kulto na ito.
"Eh wala pa nga kaming naibibigay sa in---AGOY!! BAKIT??!!", hindi natuloy yung sasabihin ko dahil sinuntok ako sa tiyan ni Sadako. Humarap naman siya sa mga tao na parang walang ginawang lagim sa akin at biglang ngumiti sa kanila. Narinig ko naman siyang bumulong.
"Tumahimik ka na lang kung wala ka namang sasabihing matino", sabi niya at pinandilatan ako ng mata at agad ngumiti ng ituon ang paningin sa mga bata.
"Hi mga bata! Ako nga pala si Ate niyo Sofia, at siya naman si Boots!", pakila---BOOTS??!! Talagang ginagalit ako ng babaeng ito.
"Hey! White Lady! Paninirang puri yan! Mga bata Khalil ang pangalan ko. Kuya Khalil!", sabi ko. Sinamaan ko naman si Sadako. Ganoon din naman siya sa akin.
"I hope hindi kayo nainip sa paghihintay sa amin", pahayag niya.
"Hindi naman po!!!", sabay-sabay naman nilang sagot. Ano 'to Choral Speech?!!
"Mabuti naman! Sabi ni Ate Tricia niyo sa akin, may inihanda daw kayong surprise sa amin"
"Opo!!!", choric speech ulit nila.
"Oh, sige na, ipakita niyo na kay Ate at Kuya yung surprise niyo!", agad namang tumalima yung mga bata at pumwesto sa harap namin, at ng handa na sila ay pinatugtog na ang kanilang sasayawin. Nakakatuwa silang panoorin kahit hindi sabay-sabay. May mga nagkakabanggaan pa nga pero imbis na mairita ka sa pagkakamali nila ay maitatawa mo na lang ito. Hay! Na-miss ko tuloy siya. . . . . Napatigil naman ako sa pag-aalala ng may maramdaman akong humihila sa kamay ko. Isa pala sa mga bata. Nakita ko na lang si Sadako na nasa harapan at sinusundan ang mga galaw ng mga bata.
BINABASA MO ANG
The Love Behind Music
FanfictionLove........ Sabi nila, ang pinakamasayang event na dadating sa buhay mo. Pero ito din daw yung pinakamasakit kapag nawala. Kaya mo bang tanggapin ang pagpana ni Kupido sa puso mo? Handa ka na rin bang magmahal and at the same time masaktan? Love...