♥Chapter 4♫

745 17 7
                                    

Hello po! Trip kong mag-update ngayon eh kaya may Update hahahaha

Ide-dedicate ko po ito kay @KeithLovesJHABEA dahil siya po yng sumunod na nag-comment hahahaha

Comment

Be Fan

Vote

__________________________________________________________

Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo,

Di kita iiwan, di ako susuko.

Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka,

Hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Khalil's POV

 

"Hay naku naman Francis ang tagal mo!", kasi naman kanina pa ako nandito sa labas ng school. Matawagan ko na nga lang.

 

 

"Hello, Kuya?", hay salamat sinagot din!

 

 

"Ano ba Francis? hindi pa ba kayo tapos dyan, Kanina pa ako naghihintay dito?"

 

 

"Ah oo Kuya tapos na kami papunta na ako diyan"

 

"Bilisan mo at susunduin pa natin si Jhake nand-------- ano ba malas naman oh hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo?!", biglang kong sigaw. Paano ba naman kasi may malas na bumagga sa akin. Ano bang tingin niya sa akin DAANAN!?

 

 

"Hoy babaeng walang mga mata, kailan mo ba ako titigilan ha!", bigla kong sigaw sa kanya.

 

"Hoy lalaking walang modo ikaw ang tumigil sa kakasigaw diyan, masahol ka pa sa nanay ko sumigaw!", pabalik na sigaw niya sa akin.

 

"Aba't ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa akin eh ikaw nga itong nakabangga!", nakakainis talaga tong babaeng 'to.

 

"Kasalanan ko bang haharang-harang ka diyan sa daan. 'Di mo ba nakikita daanan ito hindi park para tumayo ka diyan sa gitna!", aba talagang ginagalit ako nito ah!

 

"Ang sabihin mo lang gwapo ako kaya nagpapapansin ka sa akin! Aba nasa dugo yata namin ang mga gwapo!", pang-aasar ko sa kanya.

 

"Wow pambihira bakit sa dugo lang hindi napunta sa mukha?!", aba ginagalit ako nito ah!

The Love Behind MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon