Yuri's POV
"Yuri, Sooyoung, Seohyun, Tiffany, Suzy, Yoona, CL, Minzy, Bom ..." Binabanggit ng facilitator kung sino-sino yung magkakasama sa isang kwarto. Unti unti nang dumidilim.
"Uulan yata eh," sabi ni Yoona na nakatingala sa langit.
"Wag naman sana. Magsisindi yata tayo ng camp fire mamaya eh," dagdag ni Seohyun.
"Anong oras na ba?" tanong si Sooyoung.
"5:40 na," sagot ni Tiffany.
"Pumunta na daw tayo sa mga assigned rooms natin," sabi ni Amber, classmate namin.
Inayos na namin yung mga gamit namin at naglatag na ng mahihigaan.
"Baba daw tayo after 30mins," sabi ni Tiffany. Maya maya nagsibabaan na sila pero naiwan ako dahil nakalimutan kong kunin yung iPod ko.
*****
***RIIIIING***
May tumatawag sa phone ko. Kinabahan ako bigla.
Unknown number ...
Calling"H-hello?" sabi ko.
Walang sumasagot sa kabilang linya.
"Hello?"
"Yuri..."
Binalot ng kilabot ang buong katawan ko. Boses babae siya. Ang lamig ng boses niya ... kakaiba ... nakakatakot.
In-end call na niya. Hindi ko napakinggan at nasuring mabuti yung boses niya.
"Yuri!"
Halos mabato ko ang cellphone ko dahil sa tumawag sa akin. Si Seohyun pala.
"Tara na! Magsisimula na yung activities!" Hinila na ako ni Seohyun.
Bago kami makababa ng hagdan, may naaninag ako. May anino akong nakita sa dulo ng corridor. Siguro janitor lang yun? Pero may kutob ako na baka siya yun.
*****
"Naku, ang tagal mo Yuri. Kanina ka pa namin hinihintay!" sabi ni Tiffany. Nakababa na kami ni Seohyun at ngayon ay nasa quadrangle na kami ng school.
Madilim na, 7:00pm. Sinimulan na ng mga facilitators yung camp fire. Nag uusap lang kaming mga magkakaklase, panay asaran. Masasabi kong medyo maayos na ang section namin dahil natigil na ang awayan at kinakausap nila na ako ulit.
Pero hindi pa maaaring magsaya dahil pwedeng mabawasan kami mamaya ... o ngayon.
*****
Maya maya ay nag aapoy na ang camp fire.
"Okay. We will be having a sharing moment or sharing period today. Sa harap ng bonfire na to, sasabihin niyo kung ano ang secrets or mga pinagdadaanan niyo sa buhay. Game? Let's start with Yuri." Tinuro ako ng facilitator. Ayoko sanang tumayo pero kailangan.
"Um ..." Lahat sila nakatingin sakin, nakikinig at naghihintay ng isi-share ko.
Sasabihin ko kaya?
"Naghiwalay ang Mommy and Daddy ko last year," panimula ko ng mahina.
"Why?" tanong ng facilitator.
"Kasi nahuli ni Mommy na may ibang girl si Daddy."
"Oh, were sorry to hear that."
"Okay lang po. Pagtapos po nilang maghiwalay, napunta po ako sa Mom ko. Pero isang araw, pag uwi ko galing school, I saw my Mom na nakabigti sa kwarto niya. It was the last time I saw her. After nun, si Daddy na ang kasama ko ... and I hate him."
"Sorry iha ..."
"Okay lang po," Nginitian ko siya ... sila. Ayoko makaramdam ng awa mula sa kanila. Ayokong magmukhang pathetic.
Nag share din ng kwento yung iba. Hindi lang pala ako ang may problema sa family dito.
"Thank you for sharing. Now I want to ask all of you, ano ang mga bagay na kinakatakutan niyo?" tanong samin ng facilitator. "Insect ... ghost ... gamit ... kahit ano ..." dagdag pa niya.
"Dugo," sabi ni Sooyoung.
"Multo, syempre," sabi naman ni Tiffany.
"Kahit anong matulis na bagay," sagot naman ni Seohyun.
"White lady," natatawang sagot ni Luhan.
"Kaplastikan ng mga tao," sagot naman ni Yoona.
"Demonyo," sagot ni Suho. Napatingin ako sakanya. Alam kong may iba siyang pinapahiwatig sa sagot niya.
"Kamatayan," sagot ko.
Sumagot din ang iba. May sumagot ng ipis, daga, aso, pero maraming sumagot ng multo.
Ang hindi nila alam ay mas nakakatakot ang kamatayan, lalo na kapag nasa harap mo na ito.
"Okay. Napansin ko na maraming takot sa multo. We were expecting that, kaya ang last activity natin today is Ghost Hunting Challenge," sabi ng facilitator. Kinutuban ako sa sinabi ng facilitator.
Naghiyawan yung ibang lalaki. Mukhang masaya nga pero sa kalagayan namin ngayon na may umaaligid na pumapatay, dapat hindi kami maghiwahiwalay.
"Since six sections kayo, including ang Special Class, by section nalang ang groupings." Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Hahanapin niyo ang 12 obstacles or 12 stations na naka ready sa buong school. Bawat station ay merong challenge. Pwedeng kakain kayo ng weird food, maghaharlem shake kayo .. kahit ano."
Harlem shake? Ang weird kaya nun! Marami naman natuwa sa sinabi ng facilitator. Sino ba naman ang hindi matutuwa diba? Adventure to. Pero, hindi pa rin namin dapat kalimutan ang kalagayan namin.
"Settle down kids! Sinabi na ba namin sainyo na lights off ang challenge?" Nanahimik bigla ang kaninang maingay na mga estudyante. Nanlaki din ang mga mata ko sa narinig ko.
"What do you mean, sir? Lights off?" tanong ni Suho.
"Parang delikado po yata yun sir," sabi naman ni Luhan.
"Dont worry, may mga facilitators around the school saka naka on ang mga hidden camera ng school kaya monitored ang mga gagawin natin," sabi ng facilitator.
"Any questions?" Umiling na lang ang iba.
"O, iha, may tanong ka pa?" sabay turo ng facilitator sa likod. Paglingon namin, si Suzy pala.
"What if may maaksidente po? Mahulog sa hagdan o kaya madulas?" tanong ni Suzy. Tahimik akong sumang ayon sa tanong ni Suzy.
"We'll take full responsibility kung may aksidenteng mangyayari."
"Eh paano po kung hindi lang aksidente ang nangyari?" tanong ulit ni Rose. This time ... nabitawan ko na yung panyong hawak ko.
"What do you mean?" nalilitong tanong ng facilitator. Lumingon ako kay Suzy.
"Never mind sir" I know what she wanted to say ... kinutuban na ako.
Pupulutin ko na sana ang nalaglag kong panyo nang may pumatak sa kamay ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at may kasama pang kulog at kidlat.
BINABASA MO ANG
[ExoShidae]Special Class
FanfictionThis story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of my imaginative brain cells. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Kadugo ng utak. Hahaha, eto na t...