Yuri's POV
Nanlamig ang kamay ko. Masyado naman yata ang ginawa nila kay Jesalie. Di ko magalaw ang katawan ko. Natatakot ba ako?
"Akala namin hindi niya itutoy ang pagtalon niya kasi aatras na dapat siya eh" pagpapatuloy ni Suho.
"Pero nagulat na lang kami nang biglang may bumagsak mula sa rooftop. Si Jesalie" kwento ni Tiffany.
"Nagkagulo non. Ang daming nagsigawan na estudyante. Sinugod nila agad si Jesalie sa ospital pero ang di namin makalimutan noon ay ang nakakakilabot na ngiti ni Taeyeon" sabi ni Chanyeol. Nakita kong napakuyom ang kamay niya.
"Akala ng iba, tumalon si Jesalie. Pero iba ang alam namin" sabi ni Tiffany.
"Inamin sa amin ni Taeyeon na nasa rooftop siya kasama ni Jesalie bago siya bumagsak" dagdag ni Suho.
"Tinulak niya ni Jesalie."
*****
Jesalie's POV
"Best friends forever ha?"
Naaalala ko ang ngiti niya, ang ngiting nagpaniwala sa akin na hindi niya ako tatraydurin. Ang ngiting muntik pumatay sakin. Ang ngiti ni Taeyeon.
"T-Taeyeon, w-wag. M-maawa ka sakin. Bakit mo ba ginagawa sakin to? Bakit?! Taeyeon, wag! Maawa ka! Taeyeooooooooooooon!"
Muli kong naalala kung paano ako nagmakaawa kay Taeyeon, kung paano ako humagulgol bago niya ako tinulak. Naaalala ko din ang nakakaloko niyang ngiti habang bumabagsak ako mula sa rooftop ng school building namin.
Isa siyang traydor. Mapagpanggap.
"Jesalie, tawag ka ni Mommy. Kakain na daw" rinig kong sinabi ng kapatid ko. Bumaba na ako at dumiretcho sa dining table namin.
"So, how was school? Did you miss your friends?" tanong sakin ni Daddy.
"School was fine, Dad. But I feel I'm not welcome anymore. Haha." Tumawa ako ng mahina habang pinaglalaruan ang pagkain sa plato ko.
Hindi na lang sila umimik. Ganyan naman sila, kunwari walang naririnig. Ay, hindi pala talaga nakikinig. Busy si Daddy sa kakakalikot ng cellphone niya, business as usual. Si Mommy? Ayun, kausap yung kumare niya sa phone.
Pinilit kong ubusin ang pagkain ko at umakyat na sa aking kwarto. Ganito araw araw sa bahay. Tahimik, madalas wala sila Daddy dahil busy sa trabaho. Ako, laging nakakulong sa kwarto.
Nagagalit ako, lalo na noong nabalitaan ko na namatay si Taeyeon, na may pumatay sakanya. Nagagalit ako dahil ako dapat ang gumawa noon. Ako dapat.
"Jesalie..." Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko.
"Y-Yoona ... Suzy ..."
*****
Yuri's POV
"O-okay ka lang Yuri?" tanong sakin ni Tiffany. Limang minuto mahigit siguro akong natahimik matapos ikwento ni Suho ang buong storya. Sila ... sila ang may kasalanan sa ... sa nangyari kay Jesalie.
Hindi. S-si ... si Taeyeon.
"Yuri, wag ka namang ganyan. Kami pa rin to oh." Hinawakan ni Luhan ang kamay ko, na mabilis ko naman iniwasan.
"K-kayo ... kayo ba ang pumatay kay Cesar, Taeyeon, at sa iba pa?" Bakas ang takot sa boses ko. Kung sila nga ... baka patayin nila ako.
"Y-Yuri ... h-hindi ... m-maniwala ka ... hindi kami yun" sabi ni Luhan. Kita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo.
"Hindi kami yun okay? Mukha ba kaming killer? Bully lang kami. Ang killer ay si Taeyeon kasi siya ang tumulak kay Jesalie noon" mataray na sabi ni Sooyoung. "Kung ayaw mong maniwala eh di wag. Kung gusto mo, ipagkalat mo pa yung nalaman mo eh!"
"Shh Sooyoung ... tama na" saway ni Suho.
"Hindi pwedeng si Taeyeon ang killer. Patay na siya diba?" sabi ni Chanyeol na patuloy parin sa pag inom ng alak.
Napaisip ako. "Baka si Jesalie?" sabi ko.
Natahimik silang lahat.
*****
Naglalakad ako magisa papunta sa school na nagbago ng buhay ko ... sa paaralang akala ko normal lang ... sa Dream University.
"Good Morning!" Nagulat ako sa babaeng tumabi sa akin.
"Good Morning Yoona." Ngumiti ako sakanya. Ngayon ko lang siya nakausap ulit. Na miss ko ang best friend ko. Sabay kaming pumasok sa malaking gate ng Dream University. Malapit na kami sa room nang may narinig kaming ingay sa loob ng mismong room namin. Ano nanaman kaya yun?
"Wala nga akong alam! Ano ba!" Alam ko kung kaninong boses yun ... kay Jesalie.
"Bakit niyo ba pinagpipilitan na ako yun? Dahil sa tingin niyo gaganti ako sa ginawa niyo?" Nakita kong nakatayo sa harap si Jesalie. Basa ang damit niya na parang binuhusan ng orange juice.
Tahimik ang buong classroom. Kita kong may hawak na lalagyan ng orange juice si Sooyoung. Ano na naman ba ang ginawa nila?
"Hindi ako kagaya niyo na mga walang awa! Hindi ko kayang pumatay ng tao! Kayo nga dapat ang pagdudahan eh! Kasi kayo ang mga mamamatay tao!" Tumakbo palabas ng classroom si Jesalie pero bago siya tuluyang makaalis ay nakita kong sumulyap siya samin ni Yoona.
Sinundan ko si Jesalie pero nawala rin siya agad sa paningin ko. Ewan ko kung bakit pero dinala na lang ako ng paa ko sa CR. Pagpasok ko wala siya dun, pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto sa isang cubicle.
Akala ko minumulto na ako pero si Suzy lang pala.
"Hello Yuri ..."
-----
Chapter done .. Sana nag enjoy kayo sa chapter na to . hehehe
Vote and comment naman dyan.
Kamsa
BINABASA MO ANG
[ExoShidae]Special Class
FanfictionThis story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of my imaginative brain cells. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Kadugo ng utak. Hahaha, eto na t...