Chapter 22

66 5 0
                                    

Yuri's POV

Pinagmamasdan ko lang si Suzy. Nakangiti siya habang hinuhugasan ang kanyang kamay. Nakakakilabot parin talaga ang kanyang ngiti. Parang may ibang meaning.

"Tapos ka na bang pagmasdan ako?" Humarap siya sakin habang suot padin ang kakaiba niyang ngiti.

"A-ahh, sorry." Wala na akong ibang masabi.

"Tara? Balik na tayo sa room?" Hinawakan niya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya.

"H-hinahanap ko pa kasi si Jesalie" sabi ko at hinila dahan dahan ang kamay ko.

"Nakita ko siya kanina sa clinic. Tara na?" Muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na ako palabas ng CR.

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway papuntang classroom. Awkward.

"Mahilig ka ba sa bulaklak Yuri?"

*****

Luhan's POV

Nakaramdam ako ng konting awa kay Jesalie habang binubuhusan siya ng orange juice ni Sooyoung kanina.

Bumalik na ang dating Sooyoung. Ang bilis naman.

***Flashback***

"Ganito ang plano ha" panimula ni Sooyoung.

Kami kami palang nila Seohyun, Chanyeol, Tiffany at Suho ang nasa classroom ngayon. Napaaga yata kami ng pasok.

"Anong plano nanaman yan Sooyoung?" tanong ni Chanyeol. Kakagising lang yata kaya medyo masungit. Kelan nga ba hindi naging masungit yan?

"Plano para mapaamin natin si Jesalie" nakangising sabi ni Sooyoung.

"So what's the plan?" tanong ni Tiffany.

"Sure ba kayong si Jesalie yun?" sabi ko. Wala lang, naisip ko lang. Paano kung hindi si Jesalie diba?"

"May point si Luhan" sabi ni Seohyun.

"Well, iba-base na lang natin sa magiging reaction niya mamaya kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi" sagot ni Sooyoung habang hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha niya. Mukhang excited na siya ha.

"Straight to the point tayo mamaya. Tatanungin agad natin siya. Since lima tayong bigla bigla nalang magtatanong sa kanya, mape-pressure siya. Just follow my lead guys. Ako na ang bahala" dagdag ni Sooyoung at kinalikot na ang phone niya. The next thing I knew ay nagpasukan na yung iba naming classmates.

"Yan na si Jesalie" pabulong ni Tiffany. Naglalakad palang sa harap ng classroom si Jesalie since sa front door siya pumasok.

"Jesalie." Natigilan siya sa paglalakad nang biglang tumayo si Suho sa upuan niya at tinawag siya.

"Yes? Bakit?" Nakangiting tanong ni Jesalie. Bakit ganon? Parang nakalimutan niya lahat ng nangyari noon? Bakit wala siyang galit samin?

"Makikipag usap lang kami sandali. Wag kang aalis dyan sa harap" sabi ni Chanyeol habang naka cross arms.

"O-okay. Ano meron?" Ramdam kong kinakabahan na siya.

"You know Jesalie, nagtataka kasi kami eh." Ayan na. Tumayo na si Sooyoung at bahagyang lumapit kay Jesalie. Nakita kong may hawak siyang bote ng orange juice.

"A-ano ba yon ha?" tanong ni Jesalie.

"Alam mo naman siguro na anim na ang namatay dito sa Special Class diba?" rinig kong sabi ni Tiffany.

"Y-yeah..." sagot ni Jesalie.

"At kasama doon si Taeyeon" seryosong sabi ni Chanyeol.

"Oh please. Just go straight to the point. Jeez" maarteng sinabi ni Sooyoung.

[ExoShidae]Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon