Special Chapter

99 4 0
                                    

Guys, etong special chapter mag sstart dun sa pinaupo ni Miss Alissa si Jesalie sa tabi ni Xiumin. Okay?

Thanks
-----
Xiumin's POV

'Ano kayang nangyari kay Yuri bakit bigla nalang siyang hinimatay?' tanong ni Xiumin sa sarili niya. Lumilipad ang isip niya habang nag di-discuss si Miss Alissa sa harap ng class nila.

*knock knock*

Isang katok ang umagaw ng atensyon ng buong Special Class mula sa discussion nila sa klase.

Nagulat ang ibang estudyante nang malaman kung sino ang kumatok at nagsimula ang bilung bulungan.

"Okay na siya?"

"Nakabalik na siya."

"Si Miss ---"

Naputol ang pagbubulungan ng mga estudyante nang ipaalam ni Miss Alissa kung sino yung kumatok.

"Class, si Miss Jesalie Tadena pala, siguro naman hindi niyo pa siya nakakalimutan?" pagpapakilala ni Miss Alissa sa babaeng nakatayo na ngayon sa harapan ng klase.

'Grabe ang ganda naman niya' sabi ni Xiumin sa sarili at napanganga habang tinititigan ang babae sa harap.

Biglang bumalik sa sarili niya si Xiumin nang napansin nilang nakabalik na ng classroom si Yuri. Dahil kakabalik lang ni Yuri galing clinic ay pinakilala ni Miss Alissa si Jesalie kay Yuri at pinaupo na sila sa upuan nila, sakto namang walang ibang katabi si Xiumin kaya doon pinaupo ni Miss Alissa si Jesalie sa tabi niya.

"Hi, ako nga pala si Minseok, pero pwede mo naman ako tawaging Xiumin" pagpapakilala ni Xiumin kay Jesalie habang hindi nawawala ang titig nito sa mukha ng babae.

'Napaka ganda talaga niya lalo na sa malapitan' pag de-daydream ni Xiumin.

"Nice to meet you Xiumin, I'm Jesalie. Sana maging magkaibigan tayo" sabi naman ni Jesalie at binigyan niya ng isang napakagandang ngiti si Xiumin.

"Oo naman pwedeng pwede tayo maging magkaibigan, gusto mo sabay tayo mamayang breaktime, my treat" sabi ni Xiumin kay Jesalie na halatang halata na kinikilig at excited.

Hindi makapag focus si Xiumin sa tinuturo ni Miss Alissa dahil kinakabahan siya, kinakabahan siya hindi dahil may masamang mangyayari kundi nasa tabi niya unang babaeng nakapagpa tulala sakanya. Kaya hindi na niya napigilan ang sarili at kinausap na niya ito ng kinausap.

"Hi" sabing pabulong ni Xiumin na medyo nahihiya.

"Hello" sagot naman ni Jesalie at binigyan siya ng isang natamis na ngiti na nakapag pamula kay Xiumin.

"Mamaya palang lunchbreak, ano gusto mong kainin?"

"Kahit ano, ikaw bahala hindi naman ako mapili sa pagkain eh" nakangiting sagot ni Jesalie.

"Wow. Sige, ganyan yung masarap kasama sa pagkain yung hindi mapili" namamanghang sabi ni Xiumin.

Habang nag ka-klase ay hindi nawawala ang mga ngiti ni Xiumin sa kanyang labi at kada minuto na tingin ng tingin sa kanyang relos na halatang hinihintay na dumating ang oras ng breaktime

*****

*Lunch Break*

Dumating na ang oras na hinihintay ni Xiumin at nagmamadaling ilagay ang kanyang mga gamit sa kanyang bag.

"Tara n---" natigilan si Xiumin ng mapansin niyang wala na sa tabi niya si Jesalie at nakitang nakikipag usap kila Seohyun at Tiffany.

Nilapitan ni Xiumin si Jesalie at narinig niya na sasama nalang ito sakanila sa pagkain ng lunch.

'Akala ko pa naman masosolo ko si Jesalie' sabi ni Xiumin sa isip niya.

Sabay sabay silang nag punta ng canteen. Pero nasa isang gilid lang si Xiumin kasi hindi siya napapansin ni Jesalie.

'Ano ba yan puro si Yuri nalang yung kinakausap niya, eh parehas lang naman kaming transferee dito eh' sabi ni Xiumin sa sarili niya habang naka pout at naka yuko

"Anong iniisip mo bakit naka nguso ka dyan?" nagulat si Xiumin dahil biglang bumungad sa harapan niya si Jesalie, halos magkalapit na ang kanilang mukha.

"W-wala naman. I-iniisip ko lang kung anong kakain natin" hindi padin nakakarecover si Xiumin sa pagkakabigla dahil sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa ni Jesalie.

"Tara na! Naiiwan na nila tayo" naka ngiting tawag ni Jesalie kay Xiumin dahil nakatulala padin si Xiumin.

Habang kumakain sila ay talagang pinipilit kunin ni Xiumin ang atensyon ni Jesalie.

"Jesalie, taga san ka pala?" tanong ni Xiumin

"Dyan lang sa kabilang subdivision" sagot naman ni Jesalie.

"Magkalapit lang pala tayong dalawa, okay lang ba sayo kung sabay tayong umuwi mamaya?"

"Sure, wala din naman susundo sakin eh, baka magalit ang girlfriend mo kasi hindi siya yung sasabayan mo umuwi?" tanong ni Jesalie sakanya

"Sino naman nag sab---" naputol ang sasabihin ni Xiumin dahil nung humarap siya kay Jesalie bigla nitong pinunasan ang catsup malapit sa kanyang labi.

"Sorry, meron ka kasing catsup, ano ulit yung sasabihin mo?" sabi ni Jesalie at bumalik na ulit sa pagkain.

"W-wala, sabi ko kumain ka lang dyan at malapit na matapos ang lunchbreak natin." palusot ni Xiumin pero hindi nito maitago ang pamumula ng kanyang pisngi.

To be continued...

------

First part ng special chapter .. Baka next year ko na ipost yung second part, hehe syempre juk lang.

Sana na enjoy niyo tong chapter na to

[ExoShidae]Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon