Chapter 27

30 2 1
                                    

Yuri's POV

Hahawakan ko na sana yung painting nang bumukas yung pinto.

"O Yuri, gising ka na pala?" humarap ako sa babaeng nagbukas ng pinto.

"Ah oo, Yoona." Tumingin ako sa wall clock. 4:15am na pala. Ang bilis ng oras.

"Magpapaluto na ako ng breakfast kay Yaya," sabi niya. "Pag 5:30 na, aalis na tayo. Baka ma-late tayo eh. Hahaha!"

Palabas na kami ni Yoona ng kwarto nang muli akong sumulyap sa painting ng rose. Alam ko...alam kong dugo yun. Naisipan kong tanungin nalang si Yoona mamaya tungkol dun sa painting.

Bumaba na kami at hinintay na maluto ni Yaya yung almusal namin.

Habang kumakain kami, hindi parin mawala sa isip ko yung nakita kong painting kanina.

"Yoona..."

"Bakit?" sabi niya habang nakatingin padin sa kinakain niya.

"May nakita kasi akong mga painting kanina sa kwarto na tinulugan ko." Nakita ko na nabitawan niya yung kutsara niya. Hinintay ko na magsalita siya pero hindi siya umimik.

"Ikaw ba nag paint nun?" tanong ko. Pero hindi parin niya ako kinakausap. Uminom lang siya ng tubig.

"Ah hindi" sa wakas ay nagsalita na siya.

"Eh sino? Kasi ang galing niya eh" sabi ko. Kung hindi siya, sino kaya yung nag paint? Si Yaya? Saka bakit may blood stains yung isa?

"Saka may painting nga pala akong nakita, yung parang rose. Parang may blood stains kasi eh. Sino nag paint nun?" dire-diretcho kong sabi.

Huminga ng malalim si Yoona.

"I guess you have to know na best" sabi niya.

"Ang ano?" naguguluhan kong tanong. Meron pa ba siyang hindi sinasabi sakin?

"My deepest secret best. Sasabihin ko pa ba sayo? Gusto mo pa bang malaman?"

*****

Suho's POV

Nakatitig lang ako sa phone ko. Naalala ko yung sinabi niya sakin nung sinagot ko yung tawag ng isang unknown number sa phone ko.

Boses babae pero hindi ko alam kung kanino

*Flashback*

Calling ... 09123456789

Sasagutin ko ba?

Pinindot ko yung answer button.

"H-hello?" Di ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako.

"A dozen awaits you. If you're late, they'll die"

Biglang naputol ang kabilang linya. Malamig ang boses nung babaeng nasa kabilang linya. Pamilyar yung boses niya pero hindi ko matandaan kung kanino. Ugh!!!

Baka binago niya yung tono ng boses niya? Hindi ko lang malaman kung tinaasan ba niya o binabaan. Nakakainis!

Kinilabutan tuloy ako.

Sino ba kasi siya?

* End of flashback*

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino ba talaga siya. Hindi ko din makalimutan yung sinabi niya kanina.

'A dozen awaits you, If you're late, they'll die'

Anong ibig niyang sabihin? May mamamatay nanaman ba?

***

"Annyeong Suho!" masaya akong binati ni Seohyun.

Tinignan ko lang siya. Wala ako sa mood magpakasaya o kahit man lang ngumiti ngayon. Badtrip ako.

"Mukhang highblood ka ngayon ah?" natatawa niyang sabi. Balak ko na sana siyang deadmahin kaso may naalala ako.

"Seohyun, anong next event natin dito sa school?"

"Hmmmm, diba Feb 3 na ngayon? Sa Feb 13 yung JS natin" sabi niya habang nakatingin sa calendar sa phone niya.

"Bakit? Hindi ka pa siguro ready noh?" sabi niya na medyo nang aasar.

"Ahhhh, wala. Meron bang cotillon?" out of the blue kong tanong kasi baka tama yung iniisip ko.

"Oo naman. Last month pa nga sila nagpa-practice eh. Ano ba yan, hindi mo alam? Eh  Vice President ka?!" natatawa niyang sabi. Ahhh sorry ha? Busy ako nung mga nakaraan eh. Tsss.

"Ilan sila? Saka sino-sino?" nakakunot yung noo ko habang tinatanong siya.

"Hmmmm, 12 pairs. Six pairs ang nakuha satin, bali 12 students from Special Class yung magko-cotillon. Ang cool natin noh?" masaya niyang pagkakasabi.

Hindi kaya ang dozen na sinasabi nung tumawag eh yung 12 kong mga kaklase na magsasayaw ng cotillon?

*****

Yuri's POV

"Gusto mo ba talagang malaman Yuri?" pag uulit ni Yoona dun sa tanong niya.

Gusto ko ba talagang malaman? Oo naman, sobrang curious na ako. "Oo best. Ano ba yun? Promise, I will keep your secret" sabi ko.

"Well, here it goes ... I have a brother. Well kapatid ko siya sa ina. Magkaiba kami ng tatay eh"

Hindi ko nga alam yun ah?

"Jinjja?!"

"Yup. At mahilig siya sa mga flowers kaya siya yung nag paint nung nakita mo" paliwanag ni Yoona.

"Eh nasan siya ngayon?" tanong ko.

"Wait." tumingin siya sa bandang kusina. Nasa dining room kasi kami ngayon.

"Kuya! Lumabas ka na diyan!" sigaw niya.

Then, may isang lalakeng naka black ang lumabas mula sa kitchen.

Nakaharang sa mukha niya yung sumbrero na suot niya kaya hindi ko makita yung mukha niya pero pamilyar siya sakin.

Unti-unti niyang tinanggal yung cap na suot niya.

"Ikaw?!"

[ExoShidae]Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon