Chapter 26

57 4 1
                                    

Yuri's POV

Minulat ko ang mga mata ko.

Light blue na kisame ang nakikita ko. Nasan ba ako ?

Malabo ang paningin ko at medyo nahihilo pa ako. Ano bang nangyari?

Narinig kong bumukas yung pinto. Tiningnan ko kung sino yung pumasok pero dahil sa umiikot ang paningin ko, hindi ko maaninag ng mabuti kung sino. Basta ang alam ko, lalaki siya at naka-black na T-shirt. Then everything went blank again.

*****

"Yuri..."

"Yuri..."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

"Uy Yuri."

Hinintay kong luminaw ang paningin ko. Nilibot ko ang mata ko sa paligid at ibinalik ito sa babaeng nasa gilid ng kama na hinihigaan ko.

"Yoona?" naguguluhan kong tanong. "Anong nangyari? Nasan ako?"

"You fainted kanina. Grabe, best. You don't know kung gano ako nataranta kanina." Tumayo siya at lalabas na sana ng pintuan, "Tulala ka kasi kanina sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Tapos nung hinawakan ko yung shoulder mo, hinimatay ka bigla. Teka lang ha? I'll call Yaya at ipapainit ko yung dinner. 9:00pm na eh."

Nahimatay nanaman ako?

Tumingin ako sa wall clock, 9:05pm na.

Tiningnan ko ang buong kwarto. Kwarto kaya to ni Yoona? Pero mukhang hindi dahil may mga paintings ng bulaklak na nakapatong sa study table. Alam kong ayaw na ayaw ni Yoona na mag drawing. Kung ganon, kaninong kwarto to?

"Yuri, eto na yung dinner mo." Nagulat ako nung pumasok si Yoona, kasama si Yaya na may hawak na mainit na sopas.

"I called your dad na pala kaya don't worry" dugtong pa niya.

Nginitian ko nalang siya at kinain na yung sopas na dala nila.

"Dito ka nalang kaya matulog?" tanong niya sakin.

"Seriously best?" natatawa kong tanong.

"Seriously speaking. I mean gabi na kasi eh. You're not going home alone naman diba?" sabi niya. Sabagay, gabi na. Delikado nang umuwi mag isa.

After a few minutes ng pag iisip, pumayag na rin ako. First time kong makiki-sleepover. I was kind of excited.

"After you eat, let's sleep na ha? May pasok pa tayo bukas eh." Sabi niya habang may kinakalikot sa phone niya.

Natapos na akong kumain at lumabas na siya sa kwarto. Napasarap kami sa kwentuhan kanina kaya nakalimutan kong itanong kung kaninong kwarto to ... at kung sino yung lalaking naka black na nakita ko kanina. Hindi kaya may iba pa kaming kasama bukod kay Yaya?

Pinikit ko nalang muli ang mga mata ko.

*****

Nagising ako nung may naramdaman ako na parang pumasok at lumabas dito sa kwarto. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Walang tao.

Tiningnan ko yung wall clock, 4:00am na.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

Pababa ako ng hagdan nang parang may naaninag akong anino sa baba. Ang nakabukas lang na ilaw is yung sa kitchen.

Kinakabahan man pero bumaba parin ako. Binilisan ko ang paglalakad at pumunta sa kusina. Umiinom ako ng tubig nang mag vibrate yung cellphone ko.

From: 09123456789
A dozen awaits you
If you're late, they will die.

Muntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko. Ang killer ba to? Pano niya nalaman ang number ko?

*****

Umakyat na ako sa kwarto na tinulugan ko. Pagpasok ko muling nasagap ng mata ko yung mga paintings sa study table.

Ibat ibang magagandang paintings ang nakita ko pero isa ang naka agaw ng pansin ko.

A painting of a rose with blood stains.

------

[ExoShidae]Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon