Yuri's POV
"Jesalie ..." bulong ko nang maiwan na ako sa loob ng C.R.
Lalabas na din sana ako nang may nakita akong papel sa lapag. Nalaglag yata ni Jesalie kanina.
Nagulat ako sa nakasulat sa papel ...
'Je suis en vie'
D-di kaya ....? Jesalie?
*****
Luhan's POV
"Shit! Bakit naman pumasok pa si Jesalie" rinig kong sabi ni Chanyeol.
"Wag kang maingay, baka marinig ka nila" sabi naman ni Sooyoung.
Bumalik na naman sila sa dati nilang ugali.
"Paano kung magsumbong yan?" nag aalalang tanong ni Chanyeol.
"Hindi magsusumbong si Jesalie. Masyado siyang matalino para magsumbong" nakangising sabi ni Suho.
Sila naman ang pasimuno eh. Sila ang may dahilan kung bakit ngayon lang nakapasok si Jesalie.
"Luhan nanahimik ka yata bigla" sabi ni Seohyun.
"Nakokonsensya ka na ba?" tanong ni Suho.
Iniwasan ko lang sila ng tingin. Mga mukhang anghel sila pag nasa school pero di alam ng iba na may kademonyohan talaga silang tinatago. Nandito kami sa science lab. Kaming pito lang ang nandito, ang magkakakampi, ang mga mapagpanggap.
Magbabago pa kaya kami?
"Jesalie! Teka lang Jesalie!" Napatingin kaming lahat kay Yuri na mukhang may hinahabol sa labas. Si Jesalie pala.
"Mukhang may makikialam pa yata sa atin ah?" sabi ni Sooyoung.
Tinignan ko ulit si Yuri na tumatakbo pa rin.
"Panggulo kasi yan si Yuri eh" galit na sinabi ni Chanyeol.
"Chill lang. Hindi panggulo si Yuri, kaibigan natin siya. Iwanan na natin kung ano man ang nagawa natin noon" sabi ni Suho.
Nakakagulat. Oo, nagulat ako sa sinabi ni Suho.
*****
Yuri's POV
Hindi ko na nahabol si Jesalie dahil ang bilis niyang maglakad. Bumalik na lang ako sa classroom, saktong malapit na din matapos ang lunch break.
Nakita kong pumasok na rin sa classroom sina Luhan. Napansin kong tumingin siya sa akin kaya nginitian ko siya. Ngumiti din naman siya sakin. Napaka aliwalas talaga ng mga ngiti niya, parang nakakagaan ng loob.
Nagpatuloy ang klase hanggang sa mag uwian na.
"Tara Yuri. Sabay na tayo umuwi" yaya nila Seohyun at Tiffany.
"Jesalie, sabay tayo uwi ha?" narinig kong sabi ni Xiumin kay Jesalie.
"Oo naman" sagot ni Jesalie at ngumiti.
"Sabay kami sainyo Yuri" sabi ni Luhan. Mukhang sasabay na rin sina Sooyoung at Chanyeol.
"T-teka..." sabi ko. "Hindi ba kayo susunduin ng mga kotse niyo?" Alam ko na mayaman sila at kailangan ay sunduin sila ng car baka kung anong mangyari sakanila if they walk home.
"We walk home naman minsan. Saka dont worry, malapit lang naman bahay namin dito. Diba magkakalapit lang naman tayo ng bahay?" nakangiting sabi ni Tiffany.
Sabay sabay kaming naglakad umuwi nina Tiffany, Seohyun, Luhan, Chanyeol at Sooyoung. Nakakatuwang isipin na mukhang maayos na ang turingan namin sa isat isa.
Habang naglalakad ay nakita ko si Jesalie at Xiumin na nakasakay sa loob ng kotse. Masaya silang nag kukwentuhan. Naalala ko nanaman ang nakita ko kanina. Siya kaya yung nasa panaginip ko noon?
"Ang lalim yata ng iniisip mo ha?" Nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. Si Luhan pala.
"A-ah medyo lang naman" nakangiti kong sagot. Nawala na sa paningin ko yung kotse nila Jesalie.
Unti unti kaming nabawasan hanggang kami nalang ni Luhan ang natira since siya ang may pinakamalapit na bahay sakin.
Nakarating na kami sa bahay ko at mukhang sa kabilang street pa yata yung bahay niya.
"Bye Luhan! Ingat!" sabi ko habang nakatayo sa tapat ng gate namin. Hinihintay ko munang maglakad palayo si Luhan bago ako pumasok ng bahay.
"Bye! Ingat din" Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Nginitian niya ako muli sabay naglakad na palayo sakin. Tulala ako hanggang sa hindi ko na makita ang likod niya.
Mga limang minuto ang lumipas bago ako pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Ramdam kong namumula ang mukha ko.
Pagdating ko sa kwarto, muli kong nakita ang sobre na matagal ko ng gustong buksan ... Muli kong binasa ang katagang nanggugulo sa isipan ko.
'Je suis en vie'
-----
Short update muna.Naisip ko na dalawang chapter ang ia-update ko every week . pero pinag iisipan ko palang naman . hindi pa sure . hehee
Kamsa
BINABASA MO ANG
[ExoShidae]Special Class
FanfictionThis story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of my imaginative brain cells. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Kadugo ng utak. Hahaha, eto na t...