SooYoung on the side
******
Yuri's POV
"35."
'Yon ang nakasulat sa papel na binigay sa akin ni Ma'am Alisson mula sa itim na kahon.
35? Para san kaya 'yon?
Kinabukasan, pagpasok ko pa lang sa aming classroom ay number na agad ang pinaguusapan nila.
"Anong number mo?"
"Maganda 'yong binigay sa akin, no. 24."
"Baka lucky number natin 'to?"
"Taeyeon, anong number mo?" tanong ni Seohyun. Si Seohyun ang pinakamaalalahanin at motherly sa aming lahat. Magkaibang magkaiba sila ng kapatid niyang si Chanyeol. Ang pagkakatulad lang nila ay ang cute nilang mukha at ang mga mata nila na kulay blue.
"2."
"Ah. Ako, 30."
Napansin ko na kanina pa nag-iisip ng malalim si Taeyeon. Kanina pa siya tulala at nananahimik sa tabi ko. Ilang beses na siyang sinubukan na kwentuhan ng best friend niyang si Sehun pero hindi niya ito pinapansin. Si Sehun ang isang peace officer namin at magkababata sila ni Taeyeon.
"Ano kaya ang ibigsabihin ng mga number na 'to?" Ngayon lang sumingit sa usapan si Suho. Minsan lang kasi siyang makipagusap. Kadalasan ay makikita mo siyang nagsa-soundtrip lang sa upuan niya, nagbabasa o natutulog. Siguro, nagtataka na rin siya kung para saan ang number.
"Hindi nga namin alam eh. Baka nga lucky numbers natin 'to," natatawang sabi ni Tiffany.
"Pupunta lang ako sa library. Gawin niyo na kung ano ang gusto niyong gawin." Tumayo na si Taeyeon at lumabas. Nabo-bother na talaga ako sa mga kinikilos ni Taeyeon. Bestfriend ko siya kaya nag aalala ako. Nagkatinginan na lang kami ni Yoona. Ano kayang problema ni Taeyeon?
*****
"Yuri, may sasabihin ako sayo." Kinalabit ako ni Suho. Medyo kinabahan ako kasi ngayon lang niya ako kinausap ng kaming dalawa lang. Pinasunod niya ako sakanya. Napansin ko na papunta kami sa music room na matatagpuan sa dulo ng 5th floor. Mas kinabahan ako lalo dahil walang katao-tao dito.
"Alam mo na ba ang tunay na ugali ng Special Class?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Ugali?
"Oo naman. 6months na akong nag-aaral dito. Malamang kilala ko na kayo."
"Hindi mo ako naiintindihan. Ang dali lang itago ng sarili mong ugali sa harap ng iba." Palakad lakad siya at paikot ikot. Bakas naman sa mukha ko ang pagtataka.
"Parang mga nakamaskara. Oo, mga nakamaskara sila. Kami. TAYO. Nakamaskara tayong lahat sa Special Class. Lahat tayo may tinatagong ugali, tinatagong sikreto na walang gustong maka alam, kaya gumagamit tayo ng maskara. Naiintindihan mo na ba ako?"
Tumigil siya sa harap ko tapos lumapit sa tenga ko at bumulong.
"Ano kaya ang tunay mong ugali? Hmmmm?" Ngumisi siya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga dahil sobrang lapit niya sakin. Mas lalo ako nakaramdam ng kilabot, ng kaba, ng takot. "Ano kaya ang tinatagong baho ng isang Kwon Yuri? Hmmmm?"
Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya kaya ang ...... Hindi. Imposible. Ayokong malaman niya ang nakaraan ko. Ayokong kaawaan nila ako.
"W-wala akong t-tinatago," nanginginig kong sabi. Nag smirk lang siya.
"Wala nga ba talaga?" Lumapit lalo siya sakin. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa pisngi ko. Parang ... inaamoy niya ako.
"Wag kang magugulat sa unti unting pagbabago ng mga ugali nila, dahil 'yon ang tunay nilang mga ugali." Lumayo siya sakin. Napansin ko na kanina pa pala ako hindi humihinga. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Lumabas na siya at iniwan niya akong puno ng pagtataka. Nanginginig akong naglakad palabas ng kwarto kung saan niya ako iniwan.
Ano nga ba ang tunay na ugali ng Special Class?
*****
Pagkalabas ko ng music room dumiretcho ako sa canteen upang bumili ng tubig pampalamig.
Pagdating ko sa canteen ay may nadatnan akong nagkakagulo.
"Sa susunod, mag ingat ka ha? Kilala mo ba ako? Taga-Special Class ako! Gusto mo bang ipa-expel kita sa school na to? Napaka tanga mo! Nakakahiya ka!"
Nang marinig ko ang pangalan ng class namin ay nagmadali akong lumapit. Parang pamilyar sa akin ang boses na yun.
Si Sooyoung, ang isa naming peace officer, ang sumisigaw. Basa ang kanyang uniform at nasa harap niya ang isang babaeng umiiyak at nakaluhod sa sahig.
"S-sorry po, Miss Sooyoung. Sorry p-po..." humagulgol ang babae habang nakayuko. "Hindi ko po sinasadya. S-sorry po."
"Ano bang problema dito?" Dumating si Suho at agad na tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang kakaiba yung tingin niya. Hudyat yata yun na dapat tutukan ko ang nangyayari.
"Pano ba naman kasi, naglalakad kami ni Yoona nang bigla akong binangga ng babaeng 'to. Ang tanga kasi, tumatakbo habang may dalang tubig! Pa-expel na natin to." Nakakapanibago ang ugali ni Sooyoung. Mabait, maunawain, at napakaresponsableng tao ang pagkakakilala ko sakanya. Ngayon, ibang iba siya.
"Si Taeyeon ang kausapin mo tungkol dyan. Vice president lang ako sa Special Class. Magpalit ka na lang muna ng uniform," sabi ni Suho. Pagkatapos ay umalis na din ito.
"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Sooyoung sa babaeng nakaluhod.
Pag alis ni Sooyoung, hindi ko napigilan ang sarili ko at tinulungan ang babae na tumayo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang uniform ko, ang tanda na ako ay isang taga-Special Class.
"Wag mo po akong lapitan! Wag mo po akong saktan! Bitawan mo po ako!" Binawi niya ang braso niyang kanina ay hawak ko para siya ay itayo. Dali-dali siyang tumakbo palayo sakin.
"Ganyan ang ugali ni Sooyoung. Isa palang ang nakikita mo, marami pang iba." Nagulat ako nang may biglang bumulong sa likod ko ... si Suho.
BINABASA MO ANG
[ExoShidae]Special Class
FanfikceThis story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of my imaginative brain cells. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Kadugo ng utak. Hahaha, eto na t...