Chapter 11

95 5 2
                                    

Lay on the media

*****

Yuri's POV

"Hindi ko maintindihan. Sumpa? Curse? 20years ago?" Hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Luhan.

"Ibig mong sabihin, namatay sila Sehun, Taeyeon at yung iba pa dahil sa ... dahil sa isang sumpa?" tanong ni Tiffany.

"Not exactly," sabi ni Luhan.

Tumayo ako sa kinauupuan ko kanina at pumunta sa harapan. "Hindi dahil sa sumpa. May pumatay sakanila, pero hindi ko alam kung sino," sabi ko.

"Hindi namin alam kung sino. Pero alam namin na isa sa atin dito sa loob ng room na to ang pumapatay," sabi ni Luhan.

"Di ba nagsimula or bumalik ang sumpa dahil sa isang transfer student? So technically speaking ... dahil kay Yuri kaya namatay sina Sehun?" sabi ni Sooyoung, sabay turo sakin.

"Hindi naman alam ni Yuri na mangyayari lahat ng to," pagtatanggol sakin ni Luhan.

"Saka hindi naman niya alam na mamamatay pala yung iba pag nag transfer siya," sabi ni Seohyun. Natahimik si Sooyoung at umupo.

Alam kong mainit ang dugo niya sa akin. Bakit ba kami nagkaganito? Maayos naman kami nung umpisa ah? Masaya  naman kaming lahat noon. Hindi naman kami galit sa isat isa.

Hindi nga ba? Naalala ko yung sinabi ni Suho noon.

Lahat kami ay nakamaskara ... may tinatagong sikreto. Ang nakikita ko ay maaaring acting lang. Hindi ko pa nga siguro lubos na kilala ang mga taong nasa paligid ko. Maaaring umaarte  lang ang totoong pumapatay. Baka habang nakatalikod ako ay nakatapat na sakin ang patalim niya.

Kailangan naming mag ingat, at kailangan ko ng alamin kung sino siya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Napatayo kaming lahat nang marinig naming may sumigaw sa likod.

Nakita namin ang kaklase namin na si Lay na namimilipit sa likod. Bumubula yung bibig niya at kulay violet ang mukha.

"Tumawag kayo ng teacher! Dalhin niyo siya sa clinic! Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni Suho habang sina Luhan at Chanyeol naman ay binuhat si Lay papuntang clinic.

Kaming mga babae ay naiwan sa loob ng room. Yung iba, halatang natatakot samantalang ako ay napipikon na. Alam kong ang pumapatay ang may pakana nito.

"B-balita ko ... magkakaron daw tayo ng camping sa Saturday and Sunday. Needed daw section natin kasi part tayo ng committee," sabi ni Tiffany.

"Saan mo naman nabalitaan yan?" tanong ni Sooyoung.

"Pinatawag kasi lahat ng secretary ng bawat class kanina," paliwanag ni Tiffany.

"P-pano kung sa camping may mamatay? Wag na lang tayo pumunta," sabi ni Seohyun. Ramdam ko ang takot niya. Halos lahat natatakot dahil pwedeng isa sa amin ay mamatay na.

"Paano kung kahit nasa bahay tayo masundan tayo ng pumapatay?" tanong ni Sandara, kaklase rin namin.

"Siguro ang mahalaga ay sama sama tayo lagi para mabantayan natin ang isat isa," sabi ko. Hindi lang para mabantayan namin ang isat isa, pero para na rin malaman kung sino ang pumapatay.

Sabi nga nila, keep your friends close and your enemies closer. Pag mas malapit samin ang pumapatay, mas madali kong malalaman kung sino siya..

Kailangan ko ng tapusin to. Ayoko ng may mamatay pang iba ... Ayoko pang mamatay.

-----

Short update muna .. Madalian eh . hehe .. Kailangan ko pa kasi mag prepare papasok sa work ..

Bukas nalang ako babawi para sa mas mahabang update . hehehe

@JesalieTadena .. Yan na request mong update . hehehe . hindi ko pa mapasok yung eksena niyo . heheh

Comment and vote naman guys ..

Sino pala want mapasalinsa story ko? Nawawalan na ako ng characters eh . hahaha

[ExoShidae]Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon