Suho's POV
From: 09123456789
I'm backHmmmm. Sino to?
To: 09123456789
Sino ka?Send.
"Nasan na kaya yung bangkay ni Taeyeon?" Napatingin ako sa babaeng tumabi sakin. Si Yoona.
Hindi ko siya inimik. Siguro dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.
"Malapit na nga matapos yung school year natin, bigla pang magkakaganito" nanginginig na sinabi ni Seohyun. Naiiyak nanaman siya.
"Wag ka ng umiyak. Hindi naman makakatulong yan eh" sabi ni Chanyeol.
"Hanapin kaya natin yung bangkay ni Taeyeon?" sabi ni Yoona.
"Wala naman tayong mapapala eh" sagot ko. Tama naman, anong gagawin namin pag nahanap namin diba?
"Saka bakit pa natin hahanapin? Problema nila yun, hindi natin" dagdag pa ni Chanyeol.
"P-pero ... k-kaibigan natin si Taeyeon. Hanapin natin" pagpipilit ni Yoona.
"Bakit ba gustong-gusto mong hanapin yung bangkay ni Taeyeon?" iritang tanong ni Luhan. Ngayon lang siya nagsalita ulit. Simula kasi noong namatay si Sooyoung, naging tahimik na siya lagi. Nakita kong napayuko si Yoona.
Parang may tinatago siya samin. Pero alam naming lahat na mabait na tao si Yoona kaya malabong may gawin siyang masama.
"Saka kailan pa kayo naging close ni Taeyeon?" tanong ni Chanyeol. "Alam ko hindi mo din gusto ang ugali niya" dugtong pa niya.
"Tama na nga yan" inawat na ni Yuri sina Chanyeol kakatanong. Isa pa tong si Yuri, ramdam kong gusto niyang hanapin ang bangkay ni Taeyeon. Siguro iniisip niya na may koneksyon ito sa pag patay sa mga kaklase namin.
Halata namang patibong to ng killer.
Syempre, iisipin ng mga tao na may mahihinang utak na baka buhay pa si Taeyeon. Harsh na kung harsh, pero lets face it, nakita ng mga mata ko kung pano pinasok si Taeyeon sa loob ng ambulansya. Tinakluban man nila yun ng puting tela, atleast alam kong si Taeyeon yun.
Syempre pagtutuunan nila ng pansin ang paghahanap kay Taeyeon. That way, magkakaroon ng time ang killer na mag initiate ng plan of attack. Common sense.
"Kanina ka pa tahimik ha Suho?" sabi ni Tiffany na katabi ko na pala
"A-ah. May iniisip lang ako" matipid kong sagot.
"Kanina pa nag va-vibrate yung phone mo eh. May tumatawag yata."
Kinuha ko yung cellphone ko.
09123456789 calling ...
Sasagutin ko ba?
*****
Yuri's POV
Bakit nawawala ang bangkay ni Taeyeon?
"Ang lalim yata ng iniisip mo" tanong ng katabi kong si Xiumin
"Hindi ka maka get over sa binalita ng classmate natin kanina nuh?" natatawang sabi niya.
"Ano nga palang pangalan niya? Kris? Baekhyun? Ah, oo! Baekhyun!" tumawa nanaman siya. Bakit biglang masaya to?
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nawawala yung bangkay ni Taeyeon?" tanong ko sakanya.
"Wag mo kasing seryosohin masyado. Alam kong alam mo na nandito sa loob ng classroom ang killer. Pag nakikita ka niyang natatakot, nangangamba, nagtataka o naguguluhan, malamang natutuwa siya. Kaya chill lang Yuri" nginitian niya ako. Tama siya. Dapat hindi ko ipakita sa iba na mahina ako.
"Saka hindi ko naman kilala yung Taeyeon eh. Sino ba yun?" tanong siya sabay kamot sa ulo. Natawa nalang ako. Buti pa siya, nakukuha pa niyang ngumiti.
"Si Taeyeon yung president ng class natin dati ... kaso ... namatay na siya" sabi ko sabay yuko. Kahit nalaman ko ang ginawa niya kay Jesalie, bestfriend parin ang turing ko sakanya dahil kahit pano ay may pinagsamahan kami at alam kong totoo ang pakikitungo niya sakin noon.
"Hindi ko nakita yung Jesalie. Absent siya ngayon eh. Ka-group ko pa naman siya sa physics" sabi ni Xiumin.
Oo nga pala absent si Jesalie. Hindi ko pa pala siya nakakausap simula kahapon.
"Yuri, tambay tayo sa bahay ko mamaya." Napatingin ako sa likod ko. Si Yoona pala ang nagyaya sakin.
"Okay, sige" ngumiti ako sakanya. Agad naman niya ako sinuklian ng isang magandang ngiti.
Nakakaginhawa talaga ang mga ngiti ni Yoona.
-----
Chapter done. Sorry kung natagalan.
BINABASA MO ANG
[ExoShidae]Special Class
FanfictionThis story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of my imaginative brain cells. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Kadugo ng utak. Hahaha, eto na t...