Chapter 18

131 5 2
                                    

Yuri's POV

'Je suis en vie'

Tinititigan ko lang ang sobreng hawak ko. Ano kayang laman nito?

Kahit takot ako ay napag desisyunan kong buksan ito.

"Yuri sorry may naiwan ako eh." Nagulat ako at dali dali kong tinago sa bag ko ang hawak kong sobre. Si Yoona pala.

"A-ah. Ano bang naiwan mo?" tanong ko sakanya.

"Ballpen ko" sabi niya at hinanap sa ilalim ng kama ko. "Nalaglag ko ata yun dito kanina."

Naisip ko na pwede naman siyang mang hiram ng ballpen sa mga classmate namin. Hindi na niya kailangan pang bumalik. Medyo malayo rin kasi tong clinic sa room namin.

"Eto nahanap ko na!" tumayo na siya at pinagpag ang kanyang palda. "Balik na ako sa classroom ha? May pinapasulat si Miss Alissa sa notebook eh. Pakopyahin nalang kita ng notes mamaya."

Tuluyan na siyang lumabas ng clinic. Kukunin ko na ulit sana yung sobreng hawak ko kanina ng biglang may pumasok nanaman sa loob ng clinic.

"Gising ka na pala" si Nurse lang pala.

"Okay na ba pakiramdam mo?" Umupo siya sa tabi ng kama ko.

"Opo" sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Ano ba talaga ang nangyari sayo kanina?" tanong niya.

"Nahilo lang po siguro ako bigla" sabi ko. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya na may nangyayaring kakaiba sa class namin. Saka hindi ko naman talaga alam kung bakit ako biglang hinimatay e. Ngayon lang ako hinimatay at imposibleng dahil sa sobrang kaba yun. Parang may mali talaga.

"Ah, okay. Kaya mo na ba bumalik sa class mo o nahihilo ka padin?" tanong niya sabay tayo at inayos ang papeles na nasa mesa niya.

"Kaya ko na po." Tumayo na ako at kinuha na ang bag ko. "Salamat po."

"Basta bumalik ka lang dito kapag nahihilo ka ulit ha?" nakangiting sabi niya. Lumabas na ako ng clinic at bumalik sa classroom.

*****

Pagpasok ko may babaeng kasing edad lang siguro namin ang nakatayo sa harap. Nakita kong gulat ang mukha ng mga classmate ko. Sino to?

"O Yuri, nandito na pala. Okay ka na ba?" tanong sakin ni Maam Alissa kaya napunta sakin ang atensyon nila.

"O-opo ..." Hindi ko parin maalis ang tingin sa babaeng nakatayo sa harap.

"Ay, hindi mo pa pala alam. Siya si Jesalie Tadena. Taga Special Class siya bago ka pa mag transfer. Naaksidente siya dati kaya ngayon lang siya nakabalik ulit." Nginitian ako ni Jesalie. Maganda siya, napaka inosente ng mukha. Para siyang anghel, pero parang pamilyar yung mukha niya.

"A-aah. Hello?" sabi ko. Awkward.

"You may take your seat na, Miss Yuri." Umupo na ako sa upuan ko. Pinaupo na rin ni Maam Alissa si Jesalie. Katabi niya si Xiumin na ngiting ngiti habang kinakausap siya.

"Hi, ako nga pala si Minseok, pero pwede mo naman ako tawaging Xiumin" sabi ni Xiumin na may halong paglalandi sa boses niya.

"Nice to meet you Xiumin, I'm Jesalie. Sana maging magkaibigan tayo" sabi naman ni Jesalie at binigyan niya ng isang napakagandang ngiti si Xiumin.

"Oo naman pwedeng pwede tayo maging magkaibigan, gusto mo sabay tayo mamayang breaktime, my treat" sabi ni Xiumin kay Jesalie na halatang halata na kinikilig at excited.

*****

Nagpatuloy lang si Maam Alissa sa discussion hanggang mag bell na dahil lunch time na. Nagtayuan na kaming lahat at inayos na ang mga gamit namin.

"So nagbalik ka na pala Jesalie." Mataray na sabi ni Sooyoung. Nagbago na naman yung ugali niya. Kahapon lang matamlay siya tapos ngayon, mataray na naman. Kakaiba talaga.

"Parang hindi ka naman natutuwa Sooyoung. Hindi mo ba ako na miss?" natatawang sabi ni Jesalie. Parang may kakaibang aura sa pagitan nilang dalawa.

"Tsk." Lumabas ng classroom si Sooyoung. Ano bang meron sa kanilang dalawa? Nagkaron ng sandaling katahimikan sa classroom.

"Seohyun! Tiffany! Kamusta na kayo?" nakangiting bati ni Jesalie.

Nagtinginan muna sina Seohyun at Tiffany bago nila nginitian si Jesalie. "O-okay lang naman Jesalie. Ganun parin kami."

"Tara, sabay na kayo samin ni Xiumin mag lunch" yaya ni Jesalie. Mukhang mabait naman siya, masayahin at palangiti.

"U-ummmm ..." Nakita kong napatingin sa akin si Tiffany. "Kasabay sana namin kumain si Yuri eh." Ako?! Bakit parang feeling ko iniiwasan nila si Jesalie?

"Sige okay lang. Sama nalang kami ni Xiumin sainyo, gusto ko din makilala si Yuri e." Nginitian niya ako.

"Okay lang naman diba?" sabi niya.

"Ahh .. oo sige" sabi ni Tiffany at bahagyang yumuko. Si Seohyun naman ay tahimik lang.

"Tara na! Lunch na tayo gutom na ako eh!" Nagulat naman kami sa biglang pagsingit ni Xiumin.

*****

Sabay sabay na kaming bumaba sa canteen, bumili ng pagkain at kumain sa iisang table. Kakaiba na talaga ang atmosphere. Nagtitinginan sa amin yung ibang estudyante hindi dahil sa Special Class kami, kundi dahil ... dahil kay Jesalie.

"Bumalik na siya?"

"Si Miss Jesalie ba yun?"

"Bakit siya nandito?"

Puro ganyan ang naririnig ko tuwing may dadaan na nagbubulungan sa table namin. Sino ba talaga si Jesalie? Ramdam mo rin ang madilim na aura sa kabilang table kung san nakaupo sila Sooyoung, Yoona, Chanyeol, Suho at Luhan.

"So Yuri, parehas pala kayong transfer student ni Xiumin?" Nagising ang diwa ko nang kausapin ako ni Jesalie.

"A-ah oo. Nauna nga lang ako sakanya ng seven months" sabi ko.

"Oooh, okay. Anong palagay mo sa Special Class? Masaya ba?" tanong niya.

Tinignan ko sila Tiffany. Nakatingin din sila sa akin. Parang sinasabi nila sakin na um-oo nalang ako at wag magbabanggit ng kung ano kay Jesalie. Hindi pala niya alam ang nangyayari sa class namin.

"Oo, masaya" sabi ko at nginitian si Jesalie.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang naguusap sila Jesalie at Xiumin at pagkatapos ay umakyat na kami sa taas. Dumiretcho muna ako sa CR bago pumasok sa classroom. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Naalala ko nanaman siya.

"May gusto ka bang malaman sakin Yuri?" Halos lumabas sa katawan ko yung kaluluwa ko sa gulat. Kailan pa pumasok sa CR si Jesalie? Hindi ko napansin.

"A-anong ibig mong sabihin?" Hindi pa ako makarecover sa pagkagulat ko.

"Kanina ko pa kasi napapansin na parang may gusto kang itanong sakin. Parang may gusto kang malaman. Parang naguguluhan ka," sabi niya habang naglalagay ng orange na lipstick.

Ano nga ba ang gusto kong malaman sakanya? Didiretchohin ko na ba siya ng tanong? Tama. Tatanungin ko na siya. Baka mawalan ako ng pagkakataon na tanungin siya.

"Sino ka ba talaga Jesalie? Parang naging kakaiba kasi yung paligid nung dumating ka" panimula ko.
Iniwasan ko ang mga titig niya. May kakaiba kasi sa mga mata niya, napaka inosente.

"Gusto mo ba talagang malaman?" Binaba niya ang hawak niyang lip gloss at humarap sakin.

"O-oo"

"Ako si Jesalie Tadena. Dating president ng Special Class" sabi niya at nginitian ako.

"Anong nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang nakapasok ulit?" sabi ko.

"Iba nalang itanong mo okay?" napansin ko na nag iba yung expression ng mukha niya. Parang galit.

-----

Chapter done. Hope nasa nagustuhan niyo. Sana nakabawi ako sa tagal ko hindi nag update . hehe

Next chapter. Mag special chapter muna ako. Heheh

[ExoShidae]Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon