Chapter 23

80 4 0
                                    

Yuri's POV

"Yuri sorry..."

"Yuri sana mapatawad niyo ko..."

"Paki sabi kay Jesalie, sorry..."

"Sorry Yuri..."

Ha? Muntik na akong malaglag sa kama ko. Tsk. Panaginip nanaman!

Pero kilala ko yong boses sa panaginip ko.

Bakit siya? Bakit si Sooyoung ang nasa panaginip ko?

"Miss Yuri, ready na po ang breakfast niyo" rinig kong sabi ng bago naming yaya.

Ginawa ko na ang daily routine ko. Kain, ligo, suot uniform, sakay sa kotse, pumunta sa school. Nakakasawa. Paulit ulit. Mabuti nalang at wala ang magaling kong tatay sa bahay.

"Miss Yuri nandito na po tayo" sabi ng driver namin. Siguro limang taon lang ang tanda niya sakin.

Bumaba na ako sa kotse at pumasok na sa school. Nagsimula na akong maglakad papuntang classroom namin. Malayo palang ako sa building namin ay kitang kita ko na ang daming taong nagkakagulo. May ambulansya at pulis.

Anong nangyari?

Tumingin ako sa malaking bintana sa 3rd floor kung saan naron ang classroom namin. Shit, doon nanggaling ang kaguluhan.

Bigla nalang gumalaw ang paa ko at tumakbo. Please wag naman sana.

Pag akyat ko, nadatnan ko ang mga classmates ko na mukhang takot at yung iba naman umiiyak.

"Sooyoung! Bitawan niyo nga ako! Tabi! Ano ba! Sooyoung! Sooyoung!" Nakita kong pinipigilan si Chanyeol ng mga pulis na makapasok sa classroom namin.

A-anong nangyayari?

"Y-Yuri ... w-wala na. W-wala na si Sooyoung." Niyakap ako ni Seohyun. Magang maga ang mga mata niya sa kakaiyak.

Bigla na lang bumuhos ang luha ko. Sooyoung ...

*****

Lunch time sa canteen.

"Bakit ganon sila?"

Hanggang ngayon ay umiiyak parin si Seohyun. Si Tiffany naman ay nakayuko lang. Sina Chanyeol, Suho at Luhan ay tahimik lang pero kitang kita ko sa mga mata nila na nalulungkot sila.

Naramdaman kong may tumabi sakin ... si Yoona.

"Pagkatapos nilang kunin yung bangkay ni Sooyoung, parang back to normal agad ang lahat ... bakit?!" naiiyak parin si Seohyun.

"H-hindi ko ... hindi ko makalimutan ang itsura ni Sooyoung kanina ... n-nakakatakot ... nakakatakot ang nanyari sakanya." Napakuyom ang kamay ni Tiffany. Isa siya sa unang nakakita kay Sooyoung.

Kahit ako ay natakot noong nakita ko ang mukha ni Sooyoung. May mga nakaukit sa mukha niya na symbols ... inukit gamit ang kutsilyo. May nakadikit din sa noo niya na papel na may number "7" na nakasulat. Nakakatakot.

"Ano kayang ibig sabihin ng mga simbolo?" rinig kong sabi ni Suho.

"Papatayin ko ang gumawa nito kay Sooyoung!" Hinampas ni Chanyeol ang mesa kaya nakaagaw kami ng pansin sa canteen.

Narinig ko ang bulungan ng mga kapwa ko estudyante.

"May namatay nanaman daw sa class nila?"

"Yung Sooyoung daw eh. Sayang maganda pa naman yun."

"Maldita daw yun! Bagay lang sakanya ang mamatay."

"Wag ka nga maingay. Baka marinig ka nila! Nasa kabilang mesa lang sila."

"Tsk ... ang iingay nila" sabi ni Chanyeol.

"Yeollie, easy lang ... alam mong hindi maganda sa image mo pag nag wala ka dito. Buti nga walang nakakakita sayo na nagyoyosi ka eh" bulong ni Suho pero rinig parin namin.

May pinoprotektahang image ang mga nasa Special Class.

Si Chanyeol, pinoprotektahan niya ang pagiging MVP niya sa school. Si Yoona, inaalagan niya ang pagiging Ms. Dream University, ang pagiging role model at Muse. Si Suho ang pagiging president ng Student Counsil. At syempre ang buong Special Class bilang mga estudyante na bukod tangi sa iba, na mas nakakaangat sa iba.

"Malaman ko lang talaga kung sino ang gumawa nito kay Sooyoung, papatayin ko siya. Papatayin ko siya!" Medyo lumakas na ang boses ni Chanyeol kaya napagpasyahan na namin bumalik sa classroom.

Pinagmasdan ko ang buong classroom nung makabalik na kami dito.

35 kaming magkakaklase nadagdagan ng dalawa kaya 37 na. Pero nabawasan ng pito dahil ... dahil namatay na sila .. kaya 30 nalang kami.

Sa mismong upuan ni Sooyoung natagpuan ang bangkay niya. Nakaupo siya at naka angat ang ulo. Sa ngayon ay malinis na, pati ang mga ebidensya ay nalinis na nila. Walang binanggit sa amin ang mga pulis, maski ang mga teacher at principal. Parang kinalimutan na nila ang pangyayari. Bakit?!

"Guys!" Napatingin kami kay Baekhyun na hinihingal na nakatayo sa harap ng classroom namin.

"Nabalitaan niyo ba?" hinihingal niyang tanong.

"Ang alin Baekkie ?" tanong ni Chanyeol.

(a/n: pagpasensyahan BaekYeol/ChanBaek stan ako eh. Hahaha)

"Nawawala yung bangkay ni Taeyeon!"

*****

Suho's POV

"Ha? Kanino mo nalaman yan?" tanong ni Yuri.

Kahit ako ay nagtaka. Nawawala ang bangkay ni Taeyeon?

"Narinig ko ang mga teacher sa faculty. Sabi nila, nawawala daw yung bangkay ni Taeyeon" ulit ni Baekhyun.

Nagkaron ng sandaling katahimikan.

Sino ang kumuha ng bangkay ni Taeyeon? Hindi kaya yung killer? Pero bakit niya kukunin yung bangkay ni Taeyeon?

"Pano kung buhay pa pala si Taeyeon?" tanong ng isa naming classmate na si Yeri.

"Ano ba yan Yeri! Nakita naman natin na pinatay si Taeyeon diba?" sabi ni Tao.

"Di naman natin nakita si Taeyeon eh. Sabi lang nila pinatay daw" sabi ni Yeri.

Oo nga. Hindi ko naman nakita yung bangkay ni Taeyeon.

"Pero diba nga kinuha ng mga pulis yung bangkay niya sa library? Baka maaga dumating yung mga pulis kaya hindi natin nakita" sabi naman ni Tao.

Naramdaman ko na nag-vibrate yung cellphone ko. Nanlaki ang mata ko sa text message na narecieve ko.

From:09123456789

Im back.

-----

OMGeeeeeeeee

Sino kaya yung nagtext? Hmmmmmm. Totoo kayang nawawala yung bangkay ni Taeyeon?

Alamin sa next chapter :)

Vote and comment naman dyan :)

Kamsa

[ExoShidae]Special ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon