Happy 1k reads guys . dahil dyan eto na po ang update ^_____^
-----
Luhan's POV
Madilim ang daan pauwi sa bahay namin. Tanging mga street lights lang ang ilaw at magkakalayo pa ang mga ito.
Tahimik. Walang kahit isang tao na nasa labas ng kanilang bahay. Nakapagtataka dahil 6:00pm pa lang naman. Habang nag lalakad ako ramdam ko na parang may sumusunod sakin.
*RIIING* *RIIIING* (a/n: pagpasensyahan sa poor sound effects ( -_____-).v. )
*Chanyeol calling*
"Hello? Yeollie? Bakit ka napatawag?" tanong ko. Ganyan kami ni Chanyeol. Kahit noong isang araw lang ay nagsuntukan kami, magkaibigan parin ang turingan namin sa isat isa.
"Mag mo-movie marathon daw tayo diyan sabi ni Suho. Nagyaya kasi sina Tiffany eh" rinig kong sabi niya.
"Saka gusto ko uminom ngayon. Ako na bahala sa beer" dugtong pa niya.
"Bakit? Ano na naman nangyari dyan sa inyo at iinom ka nanaman? Mabubulyawan ka nanaman ni Seohyun niyan eh" natatawa kong sabi.
"Sira! Wala. Na miss ko lang uminom. Saka kasama naman sina Seohyun mamaya eh. Kasama rin pala si Sooyoung at Yuri." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni Chanyeol. Akala ko kaming magbabarkada lang. Kasama pala si Yuri.
"Si Yuri? Kasama? Pano kung may malaman siya?" tanong ko.
"Sasabihin naman na yata ni Suho sakanya. Mukhang malaki ang tiwala niya kay Yuri eh" sabi ni Chanyeol.
"O sige pare, kita kits nalang mamaya. 7:30 nandyan na kami." Naputol na ang kabilang linya.
Sasabihin na ni Suho ang sikreto namin kay Yuri? Bakit? Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka mag iba ang tingin niya samin. Baka kamuhian niya kami ... baka katakutan ... baka layuan.
Nag simula na ulit ako maglakad. Ito nanaman yung pakiramdam na parang may sumusunod sa akin. Kanina rin ramdam ko na parang may nakikinig habang kausap ko si Chanyeol sa cellphone.
Binilisan ko ang paglalakad ko.
"L-Luhan..."
*****
Yuri's POV
Bubuksan ko na ba?
Pero parang may pumipigil sakin. Kanina pa nagtatalo ang utak ko kung bubuksan ko na ba o hindi pa.
Baka pag binuksan ko ay may malaman ako na pagsisisihan ko. Pero pag hindi ko naman buksan ay hindi ako matatahimik.
Tama. Kailangan ko na ito buksan para matapos na ang aking pagtataka.
*RIIING* *RIIING*
*Suho calling*
"A-ah, hello? Suho? Bakit?" Nauutal kong tanong. Nagulat kasi ako. Bubuksan ko na dapat yung sobre nung tumawag siya.
"Susunduin ka ni Tiffany dyan. Pupunta tayo kila Luhan" mahinahon na sabi ni Suho. Same old Suho. Napaka kalmado.
"Bakit? Anong meron?" nakangiti kong sinagot kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita.
"Movie marathon daw. Nagyaya si Seohyun eh" natatawang sabi ni Suho.
"Ahhh, okay sige mag re-ready na ako."
"7:00 ata siya dadaan diyan. " Inend call na niya. Tumingin ako sa puting wrist watch na suot ko. 6:15 na pala. Mag aayos na muna ako.
*****
BINABASA MO ANG
[ExoShidae]Special Class
FanficThis story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of my imaginative brain cells. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Kadugo ng utak. Hahaha, eto na t...