SC.01

3K 87 34
                                    

;
Special Chapter

Note: This is a part of the past (short chapter).

"Dismissal mo na?" Emrie's voice sounded hushed. Bigla na lang tuloy akong napakagat ng labi dahil sa nararamdamang kiliti sa puso.

"Oo. Uuwi ako," sagot ko naman. Tinanuguan ko na lamang si Sean at pinulot na agad ang itim na bag. Sean wiggled his eyebrows at me. Nabasa ko ang buka ng bibig niya at alam ko namang pangalan iyon ng kausap ko ngayon.

I was shaking my head with a smile that almost stretched my cheeks.

Mabilis akong naglakad palabas at tumungo sa parking lot. Dumidilim na at halata ang mabigat na traffic.

Naririnig ko pa ang ang lecture nila Emrie, halatang hindi pa siya tapos sa klase. Lagi naman siyang busy pero nahawaan ko yata ng pagiging pasaway kaya kahit may ongoing class ay naka-simple pa ng tawag sa akin.

"Hmm... uuwi ka," she reiterated.

I smirked.

"Bakit? Miss mo na 'ko?" asar ko sa kanya. Tumakbo ako para mabilis na makalapit sa aking kotse.

Emrie scoffed that made my smirk amplify.

"I'm just checking up on you一"

"I miss you, too."

Rinig ko ang bigat ng paghinga niya nawala rin ang ingay ng pagtitipa niya sa keyboard ng kanyang laptop. The call had a long pause because of that.

"Tss."

I am imagining her stopping from what she was doing. Knowing Emrie, she likes jotting down notes. 'Pag lumalabas kami ay meeting place namin lagi ang coffee shop. At sa halip na magmukmok ako habang kasama siya ay talagang binigyan niya ako ng mga notes niya. I admire her for having that immense dedication in her blooming career.

Nakakahilo nga 'yung mga terms pero dahil sa pagbabasa ay natutulungan ko rin siyang mag-aral. I realized that I could be a good tutor to students but I'd rather have a one-on-one session with Emrie.

"Uuwi ka nga?" I chuckled at her restrained tone. 'Di ko alam kung naiinis ba siya o tinatago lang ang saya sa pamamgitan ng ganoong tono. I slid inside my car and ignited the engine immediately.

"Uuwi sa'yo," tawa ko pa. "Hindi ako uuwi sa amin. Wala naman sila ro'n."

"What?"

I smiled. I activated my earpiece and put it on my ear.

"Uuwi nga ako sa'yo."

"Are you sure?"

"Kailan ba ako hindi naging sigurado sa'yo, Clair Emrie Fonacier?" I played my bottom lip with my index finger. "Azcona na pala."

"Ang dami mong alam," mahina siyang tumawa. "I still have classes, Ram. Magpahinga ka na lang."

Tumulis ang nguso ko. Alam ko namang may klase pa siya pero kating-kati na ang labi kong humalik!

"And I know for sure it's traffic. Hindi talaga magandang idea," she added.

I sighed. "I have to go, love. See you later!" I dropped the call. I obviously didn't wait for her to reply. Gusto ko talaga siyang makita kaya kahit traffic at gabing-gabi na ay itinuloy ko pa rin ang pagbiyahe sa university niya. Bago ako maghintay sa kanilang lecture room ay bumili na ako ng pagkain naming dalawa. I went back to my car to get some nap and when my alarm rang, I hastily went out of my car to fetch Emrie.

Nginitian ko si Ate Cheska dahil siya ang unang nakakita sa akin. Si Emrie ay abala pa sa pag-aayos ng gamit. She already saw me a while ago. Emrie gave me a piercing look but I dodged it by winking at her.

Impervious Treasure (Azcona Cousins #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon