09

1.6K 70 16
                                    

;

Chapter 09

Learn to forgive but do not forget the lesson? Damn, yes.

"Ceasefire na kayo?"

That was the first question I received from Olive when we got back to school to finish the second semester. I said yes. Ceasefire but that doesn't mean we'll be back into normal. It was a hell week for all of us lalo na sa mga subjects na mabibigat ang binigay na major performance tasks at idagdag pa ang mga revisions para sa research namin. We are also assigned to continue our qualitative interview. Purposive ang sampling kaya medyo mahirap makakuha ng respondents.

Our research is all about Filipinos' perception towards colorism. The research's aim is not only about respondents who have deep skin tones, inclusive rin siya sa mga mapuputi. It's a hard task of course. Mahirap na ma-misunderstood ng respondent ang purpose no'n... though qualitative research is a subjective case.

"Last two respondents na tayo, Clair. May kilala ka pa ba na pwedeng magparticipate sa study?"

Hindi agad ako naka-imik. Ako pa talaga ang tinanong nila e wala naman akong ibang kilala rito.

"I'm sorry. I don't have much friends here at school."

"Manghila na lang tayo ng kahit sino. Wala na silang magagawa 'pag pinirmahan nila yung consent form. Also, they're going to feel shy if they'll turn down our humble request. Hawak natin konsensya nila," komento ng groupmate namin. 'Di magandang ideya para sa'kin 'yon. I chose not to utter a word. Sila naman kasi halos ang naghanap ng respondents, isa lang ako sa taga-interview.

"E, sino naman?"

I blew a faint sigh. Sino nga ba?

Suddenly, Gian and his friends passed by around our area. Nagtatawanan sila habang naglalakad. Una kong tinignan ang kapatid kong naka-akbay sa kaibigan niyang ang pangalan ay Avi. Si Ramsis naman ay nakapamulsa na naglalakad at may ngisi sa labi habang pinapakinggan ang kaibigang nagkukuwento.

My research groupmate clapped. Halos maghugis puso ang mga mata sa mabagal na pagdaan ng grupo ni Gian.

"Oh. Here comes the blessing! Azcona agad ang puntiryahin natin. Ang swerte ni Lea 'no? First kiss daw siya ni Ramsis," my classmate chuckled.

"E 'di ako ang second," Samantha seconded. 

Nagusot ang noo ko at lihim na sinilaban ng inis. Can't they keep their lewd ideas inside their heads? Nakakairita. 

They all laughed except me. Chiena noticed my queer silence. Pinatigil niya sa pagtawa ang mga kagrupo namin. 

Nang mapansin ako ni Ramsis ay bumati siya ng isang tipid na ngiti. 

"Hoy ngumiti! Para siguro sa'kin 'yon dito nakatingin, e," hagikhik ni Samantha.

I rolled my eyes. Para sa'kin 'yon hindi para sa'yo, Samantha.

My shameless groupmate Samantha forcefully blocked them from walking away. Gulat na huminto sila Gian. Si Samantha naman ay matamis na ngumiti sa kanila... o para lang kay Ramsis. 

"Hi! We need last two participants for our research... can we ask for your cooperation? Kahit si Ramsis at Sloane lang," aniya.

Avi seemed alarmed when I watched her and Gian being so clingy. 

"Sila lang, Ate? 'Di ba kami relevant?" sabat ni Avi na medyo kabado pa ang boses. 

Ramsis looked at me with a raising brow. Akala niya siguro ay pakana ko ang ginagawa ngayon ng groupmate ko.

Impervious Treasure (Azcona Cousins #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon