Lunch break na at nandito ako ngayon sa cafeteria. Buti na nga lang hindi ako naligaw. May kalakihan din kasi itong University na pinapasukan ko.
Umorder lang ako ng chicken cordon bleu with rice and red iced tea. Hindi na muna ako kakain ng madami, baka mamaya umatake na naman yung hyperacidity ko.
After ko makuha yung order ko, naghanap na ako ng map'puwestuhan. Sakto may vacant seat sa bandang gilid ng cafeteria.
Lumapit na ako sa target seat ko at pagkaupo ko pa lang ay may biglang babaeng umupo sa tapat ko. Yung seat mate ko kanina sa room.
"Hi Kate! Kate pala pangalan mo hehe. Pwede bang maki-upo?"
Ngumiti muna ako bago ko sinabing "sige lang".
"Btw, I'm Angel Lopez. Magka-age lang tayo. And mahilig din ako mag-bake!"
Ngumiti ako ulit. Mukhang madaldal siya. Pero grabe, ang ganda at mukhang ang bait naman ng babaeng 'to.
"Hello Angel, I heard nga kanina na magka-edad tayo at mahilig ka rin mag-bake! It is nice to know na you're into baking din, visit ka sa bahay namin minsan. Let's bake together hehe"
Kitang-kita ko sa mukha niya na ang saya-saya niya, siguro kaninang umaga pa niya ako gustong makausap. Nahihiya lang.
Well, ako rin naman. Ewan ko ba, I have this personality na kapag hindi mo ako kinausap hindi rin kita kakausapin
Pero buti na lang kinausap ako ni Angel, mukhang magiging masaya at exciting na tuloy yung college life ko.
*****
"Kate, saan ka na ngayon?"
Tanong ni Angel sa akin after lumabas ng last Prof namin ngayong araw.
"Uuwi na sana, naghihintay na raw si Mang Berting sa labas e. Ikaw?" sagot ko naman sa kaniya
"Ahhh uuwi na lang din ako agad, aayain pa sana kita lumabas pero sige next time na lang hehe" sagot niya sa akin pabalik. Gusto pa pala niyang gumala pa. Kaso hindi ako pwede, hindi ako nakapagsabi kila Mom.
"Sige, mamaya sasabihan ko sila Mommy na aalis tayo bukas after class natin. Para din hindi na ako sunduin ni Mang Berting dito sa campus"
Ayon na lang ang sinagot ko sa kaniya para hindi siya ma-disappoint masyado.
"Great! See you tomorrow then?"
"Okay. See you tomorrow, Angel!"
*****
Nakauwi na ako sa bahay. Nakapagpalit na rin ako ng damit pambahay at kasalukuyang nakahiga sa malambot kong kama.
Aaaaaa grabe ang exhausting ng araw na 'to. Kahit wala naman kaming gaanong ginawa bukod sa pag introduce ng sarili at pagpasa ng index card.
Siguro kasi bago sa akin lahat ng 'to.
Pero kahit papaano masasabi ko na ang saya ng first day of school ko, thanks to Angel.
After namin makapag-usap kaninang lunch, hindi na niya ako tinigilan. At oo, tama nga yung prediction ko kanina. Madaldal nga siya.
Kanina kasi madaming Prof na hindi pumasok, siguro kasi first day of school pa lang naman. Kaya nagkaroon kami ng time ni Angel na makapagchikahan nang matagal-tagal.
Nabanggit niya kanina sa akin na nasa business industry pala pareho yung parents niya kaya madalas daw siyang mag-isa sa bahay nila. Palagi raw kasi silang out of the country tapos only child pa siya.
Nung nabanggit niya 'yon kanina, hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniya. Naisip ko rin na ang suwerte ko pa rin talaga kasi madalas kong nakakasama sila Mommy despite of their busy schedules.
Since doctor kasi si Mommy, nagtayo siya ng sarili niyang clinic. Kaya kahit papaano ay hawak pa rin niya yung oras niya. Tapos si Dad naman, may taga-manage ng business.
I am blessed to have a parents like them, alam ko naman na pwedeng pwede sana nilang i-prioritize yung careers nila, pero palagi nilang sinasabi sa akin na ang pera naman daw nauubos at nawawala, pero yung panahon na nakakasama nila ako, it is priceless daw lalo na at hindi naman daw nila ako habang buhay na makakasama.
Ano ba 'yan naluluha tuloy ako ngayon. Kung 'di niyo kasi matatanong, napaka-iyakin kong tao. Tipong may makita lang akong umiiyak, iiyak na rin ako. Kahit hindi ko nga kilala nakikiiyak din ako e.
Pero mabalik tayo kay Angel, nag text siya sa akin ngayon. Oo nga pala, hiningi niya yung number ko kanina after namin mag-lunch.
*****
From: Angel
Hi Kate! Angel 'to. Nakauwi ka na?
2:35 PM
*****
To: Angel
Hi Angel! Yes, nakauwi na ako.
2:36 PM
*****
Angel's calling...I immediately answer her call. Baka importante.
"Hello? Angel? Ba't napatawag ka? May problema ba?"
"Hi Kateeeeeee!! HAHAHAHAHAHA wala lang, na-miss kita agad e. Sorry kung nag-alala ka hehe"
Buang talaga 'to, pero buti na lang okay lang naman siya. Akala ko kung ano nang nangyari sa kaniya e, mag-isa pa man din siya sa bahay.
"Okay lang hahahaha siguro bored ka 'no?" pabiro kong sabi sa kaniya, naisip ko na sakyan na lang yung kalokohan niya
"Supeeeeeer, ayoko nga umuwi kanina e. Mas ramdam ko kasi yung boredom kapag nasa bahay ako. Hindi tulad kapag nasa campus tayo, nakakapag boys hunting ako hihihi"
Loka-loka talaga 'to, first day of school pa lang lalaki na agad nasa isip
"Ikaw lang e, ba't kasi ayaw mo ako samahan kanina pumunta sa engineering department? Balita ko doon madaming boylet e hmp" dagdag niya pa.
Tignan mo 'to, dadamay pa ako sa kalokohan niya. Bahala siya riyan, I rather read my books than wasting my time searching for a guy.
"Nako Angel, 'wag mo na ako isama sa 'operation find your Mr. Right'. Wala kang maaasahan sa akin" agad na sagot ko naman sa kaniya.
"Hmp! Hindi mo ba ako love?" aba at nagpaawa pa ang loka
"Love syempre, pero kasi..."
"Ayon naman pala e, kaya samahan mo na ako bukas haaaa? Bye Kate! See you tomorrow mwuaps!"
At pinatay na niya yung call, hindi manlang ako pinagsalita.
Napailing na lang ako sa ginawa ni Angel. Mukhang may ganoon talaga siyang personality. She gets what she wants.
Haynako makatulog na nga lang.

BINABASA MO ANG
My Unhappy Guy
RomanceMargaux Kaytlyn "Kate" Torres will be described as the "perfect girl." She is beautiful, wealthy, intelligent, and she receives a lot of love from those people around her. But what if she meets someone who is a complete opposite of her; a nerdy, qui...