Padilim na rin nung napagdesisyunan naming umuwi. Nag message na rin kasi si Mommy na papunta na raw si Mang Berting para sunduin ako.
At kung na-c'curious kayo kung nag-usap na ba kami ni Troy o hindi, ang sagot ay HINDI. Ang arte-arte niya! Nagtatanong ako nang maayos kanina tapos susungitan niya ako? Bahala siya riyan!
Nasa labas na kami ngayon ng bahay nila Tiffany. Nauna nang dumating yung sundo ni Angel kaya nakaalis na siya. Si Steve naman ay biglang pinatawag ng coach nila kaya nauna na rin.
Bale ako, si Tiffany at Troy na lang ang nandito. Pero maya-maya ay pumasok na si Tiffany dahil tumatawag daw kasi ang Mommy nila.
Kami na lang ni Troy ang nandito sa labas ngayon. Kung minamalas ka nga naman. Ba't ba kasi si Tiffany pa ang kailangang sumagot ng tawag ng parents nila? Ba't hindi na lang si Troy? Tsk.
Nagulat na lang ako nung bigla niyang hawakan yung braso ko. Agad ko rin naman itong binawi sa kaniya. Ngayon, hahawakan mo ako? Pagtapos mo akong sungitan kanina?
"Really, Kate? Ikaw pa ang galit ngayon? 'Diba ako nga dapat ang naiinis dito?" inis na sabi ni Troy sa akin. Aba? Ano bang ginawa ko na kinainis niya? Wala akong maisip na kahit na anong posibleng dahilan para mainis siya.
"At ano namang nagawa kong kinainis mo ha? Ikaw nga 'tong biglang nagsusungit! Nagtatanong ako nang maayos tapos tatarayan mo ako? Tama ba 'yon Mr. Perez?" pagtataray ko rin sa kaniya. Aba, hindi pwedeng siya lang ang mataray rito.
"What?! You really don't know, huh? Oh let me tell you why I'm pissed. Nakita ko lang naman kayo kanina ni Steve na magkayakap. Now I know, kaya ba nagpupumilit ka na ikaw ang maghugas? Para makapag-solo kayong dalawa ha? Oh God, Kate. That's really lame. Tsk" gustuhin ko mang magalit sa mga sinabi niya, hindi ko magawa. Ang cute niya kasi habang sinasabi yung mga 'yon. Teka, nagseselos ba siya?
"Whooaaa tell me Mr. Perez, nagseselos ka ba?" pang-aasar ko naman sa kaniya. At kahit medyo madilim sa pwesto namin ngayon, kitang-kita ko kung gaano kapula yung mukha niya.
"Ano naman ngayon kung nagseselos ako ha? Hindi ko ba pwedeng ipagdamot kung ano ang alam kong sa akin?" this time, ramdam ko na ako naman ang mukhang kamatis sa pula ngayon dahil sa sagot niya.
"Isn't it obvious? I like you, Kate. Since the day I ate your pesto pasta. Tingin ko nga may gayuma kang nilagay doon kaya ako nagkakaganito sa'yo ngayon"
Aba bwisit 'to ah. Pagbintangan ba naman akong mambabarang? Pero teka, anong sabi niya? He likes me raw? Hoy puso, kumalma ka!
"I thought gusto mo rin ako, I had high hopes on us. Pero nung nakita ko kayong magkayakap ni Steve kanina, biglang bumaba yung kumpiyansa ko" dagdag pa niya.
Hindi ko na mapigilan yung sarili kong matawa. Alam kong ma-w'wirduhan siya sa akin pero bakit ba? Natatawa ako e.
"Alam mo, ang cute mo pala magselos. Kaya pala may pairap-irap ka pa kanina. E kung sumagot ka agad sa akin kanina nang maayos edi sana nalaman mo agad na kaya kami magkayakap ni Steve sa kusina ay dahil ni-reject ko siya" patawa-tawa ko pa ring sagot sa kaniya
"Wait, what do you mean? Ni-reject mo si Steve? Ibigsabihin ba neto hindi mo siya gusto?" sunod-sunod na tanong ni Troy sa akin
"Alam mo Troy, ang tali-talino mong tao pero ang bagal mong pumick-up. Magkayakap kami ni Steve kanina kasi ni-reject ko siya. At kaya ko siya ni-reject kasi may iba akong gusto" agad na paliwanag ko naman sa kaniya
"So, may iba kang gusto? Hindi si Steve pero iba? Sino 'yon ha? Babasagin ko bungo 'non" paghahamon ni Troy na para bang may kaaway talaga siya. Can someone tell this guy na siya yung tinutukoy kong 'iba'?
"Oh sige ha, sapakin mo nga yung sarili mo Mr. Perez"
"What? Why would I do that? Ano ako, hibang? But wait, so you mean it's---"
"Yes, it's you. Too dumb, Troy. Ikaw yung gusto ko. Since the day I saw you sa labas ng engineering building" pagtuloy ko sa sasabihin niya
"What the f, so it's me nga! I knew it! Sa pogi ko ba naman na 'to? For sure naman na ako talaga 'yon"
Tignan mo 'to, kanina lang nagseselos at may pasabi-sabi pang nawalan daw siya ng kumpiyansa pero kung makapagyabang ngayon akala mo kasing pogi ni Papa P.
Well, mas pogi pa siya kay Papa P. Pero syempre hindi ko na sasabihin 'yon at baka lalong lumaki ang ulo.
"So, tayo na ba?" biglang tanong niya
Gusto ko na sanang sabihin na oo, pero parang gusto ko munang magpakipot. Kaya naman sinabi ko sa kaniya na... "Aba, manligaw ka muna!"
"What? But you already told me that you like me too, kaya dapat tayo na!" pagmamaktol niya
"I said what I said, Mr. Perez. It's up to you kung gagawin mo o hindi. Isa pa, nandiyan naman si Steve na handang manligaw sa akin" pang-aasar ko naman sa kaniya
Sakto at dumating na si Mang Berting kaya agad na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Dahilan para hindi na makapagsalita pa si Troy. Natawa ako sa ginawa ko. Nice one, Kate! The best ka talaga.
BINABASA MO ANG
My Unhappy Guy
RomanceMargaux Kaytlyn "Kate" Torres will be described as the "perfect girl." She is beautiful, wealthy, intelligent, and she receives a lot of love from those people around her. But what if she meets someone who is a complete opposite of her; a nerdy, qui...