IKATLO

20 3 2
                                    

Lunch break na at nandito kami ngayon sa engineering building. Yes people, Angel wins. Hmp.

"Kateeee! Sikuhin mo ako kapag may nakita kang pasok na maging Mr. Right ko ha"

Haynako naman talaga. Paano ba ako makakatakas dito kay Angel?

Pero syempre bilang mabuting kaibigan, tinanguan ko na lang siya at nagkunwaring nagmamasid talaga.

"Kate tignan mo yung kuyang naka galaxy bag, ang cute niyaaa" kinikilig na sabi ni Angel

"Ahhh oo nga" sagot ko na lang sa kaniya kahit hindi ko pa naman nakikita yung tinuturo niya.

Tinignan ako nang masama ni Angel. At binitawan ang katagang

"Hindi ka naman nakatingin e! Ayon oh! Tingin ka, 90 degrees!"

Tinignan ko naman yung tinuro niya, at oo nga, cute nga siya. Pero yung lalaki sa gilid niya yung mas pumukaw ng atensiyon ko.

He is alone. Para siyang may sariling mundo. He is wearing a not-so-clean uniform and a black backpack. His hair is messy and he wears a thick black eyeglasses. His earphone is also plugged in his ears. Grabe. Parang ang lungkot naman maging katulad niya. Pero ang simple.

"Ano Kate, ang cute dibaaa?" bumalik na lang ako sa wisyo nang biglang magsalita si Angel sa tabi ko

Tumango na lang ako nang hindi manlang tumitingin sa kaniya.

*****

Nakabalik na kami sa room, tapos na rin kami mag-lunch ni Angel.

Wala pa yung Prof namin, almost 20 minutes na ata siyang late. Baka hindi na papasok.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko yung lalaki sa engineering building. Yes, engineering student siya. Paano ko nalaman? Nakita ko kanina sa ID lace niya na "engineering" yung nakasulat.

Dito kasi sa university namin, magkakaiba ng ID lace per courses. Kaya sa amin nila Angel, Psychology yung nakasulat.

Mabalik tayo kay Kuyang Engineering. Halata bang interesado ako sa kaniya?

I don't know, he seems to be different kasi. He is unique. Unusual. And I can say that he is a complete opposite of me. I mean, parang magkaibang magkaiba kasi yung aura namin.

I wonder, paano kaya kung kausapin ko siya? Papansinin kaya niya ako? Mukha kasing snobber siya e. At mukhang hindi siya magkakainteres sa akin.

Pero wait, friends lang naman e. Baka naman open siya for friendship hehe

Susubukan ko na lang siyang kausapin kapag nakita ko siya ulit, hindi ko naman kasi malalaman kung hindi ko susubukan, right?

*****

Nandito kami ni Angel ngayon sa mall. As I promised, lumabas talaga kami after class.

Buti na lang wala pang mga pinapagawa yung mga Professors namin, kaya may time pa kaming gumala.

"Kate, tara doon sa timezone. Pa-picture tayo sa photo booth nila"

Agad naman akong sumang-ayon at sumunod sa kaniya. Syempre pabor 'yon sa akin. First picture namin 'to.

After namin magpapicture, naglaro pa kami ng mga arcade games doon.

Ang saya. Ngayon ko lang na-experience 'to. You're really my angel talaga, Angel.

Nung naubos yung laman ng timezone cards namin, napagdesisyunan naming mag merienda.

Nandito kami ngayon sa Burger King. Sakto kasi pareho pala namin 'tong paborito.

Parehas kami ng inorder ni Angel, we bought two 4-cheese whopper meal. Nang makuha na namin yung order namin, umupo na kami sa upuan sa tapat ng AC.

Habang kumakain kami ay may napansin akong lalaki sa bandang corner ng Burger King, mukhang familiar ang isang 'to pero hindi ko matandaan kung sino.

Then it hits me. Si Kuyang Engineering 'to! Pero ba't hindi na siya naka-uniform? He is now wearing a black plain t-shirt paired with a black pants.

Taray all black.

Oo, alam ko na sinabi ko kanina na kakausapin ko siya kapag nakita ko siya ulit. Pero hindi ko kayang gawin 'yon ngayon. Una, kasama ko si Angel. Paniguradong aasarin ako ng babaeng 'to. At pangalawa, mukhang badtrip si Kuyang Engineering ngayon. Baka ako pa mapagbuntungan niya ng inis. Kaya no no no! Next time na lang.

Pero kahit napag decide'an ko ng 'wag siyang lapitan, hindi ko maiwasang titigan siya.

At habang pinagmamasdan ko siya, na r'realize ko na ang gwapo pala niya.

Ohh don't judge me! Hindi ako naghahanap ng pogi ah! Nagkataon lang na ang gwapo pala niya hehe

"Hoy Kate, ngiti-ngiti mo riyan? Siguro may nakita kang pogi 'no? Nasaan? Turo mo sa akin bilis!"

Agad akong napaalis ng tingin kay Kuyang Engineering nang biglang magsalita si Angel. Mahirap na, mabilis pa naman mata neto.

"Ha? Wala 'no. May naalala lang ako" alibi ko na lang sa kaniya

"Bilisan na nga lang nating kumain, baka gabihin pa tayo" dagdag ko pa.

*****

"Thank you Kate! I had so much fun today! Let's do this from time to time okay? Goodnight!"

Nginitian ko siya at nag thank you na rin. Hinatid niya kasi ako ngayon sa bahay, since nagsabi nga ako kila Mommy na 'wag na ako pasundo kay Mang Berting.

Pumasok na ako sa bahay at saktong nasa sala sila Mom and Dad. Nanonood sila ng T. V.

Agad akong nagmano at humalik sa kanila.

"How's your day, anak?" agad na tanong ni Mommy sa akin

"It was great Mom, masayang kasama si Angel" sagot ko naman sa kaniya with matching ngiti pa.

"Akyat po muna ako, magpapalit lang po ng damit" dagdag ko pa

"Okay dear, bumaba ka na rin agad para sabay-sabay tayong mag-dinner ng Daddy mo"

Tumango lang ako at tuluyan nang umakyat sa kwarto ko. Nag half-bath lang ako at nagpalit ng pambahay na damit.

*****

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko, tapos na kami mag-dinner at nanood lang din kami ng ilang movies nila Dad sa baba kanina.

Hanggang ngayon ay laman pa rin ng utak ko si Kuyang Engineering. Sana talaga makausap ko siya someday. Sana bukas na.

Habang kinakausap ko yung sarili ko, bigla akong may naisip na idea.

Bumangon ako at kumuha ng notebook and pen.

*****

Dear Diary,

First time kong magsusulat ngayon. Wala lang, gusto ko lang i-note yung nangyari ngayong araw. Hmmm, feeling ko may crush na ako. Sino? Si Kuyang Engineering. Unang beses ko siyang nakita sa Engineering Building kanina habang sinasamahan ko si Angel maghanap ng Mr. Right niya.

Walang nakitang Mr. Right si Angel ngayon, pero mukhang ako, meron.

Nagpunta rin kami ni Angel sa mall kanina. Nag timezone at kumain lang naman kami. At hindi ko inexpect na makikita ko ulit si Kuyang Engineering doon. Is this a sign? Siya na ba Lord?

Love, Kate.

*****

After ko magsulat, humiga na ako ulit at pinilit ang sariling matulog dahil maaga pa ako ulit bukas. Haaay, what a day.

My Unhappy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon