IKASIYAM

12 2 0
                                        

Simula nung araw na sinamahan ako ni Troy sa Princeton Mall, araw-araw na kaming magkausap. Tuwing pupunta rin kami kila Tiffany, nakikihalubilo na siya sa amin kahit papaano.

Tulad ngayon, nanonood kaming lima ng movie sa mini theater nila Tiffany. Nasa bandang kanan ko si Troy, samantalang si Steve naman ang nasa kaliwa.

Sa tabi naman ni Steve nakaupo si Angel at sa kaliwa naman ni Troy nakapuwesto si Tiffany.

Nanonood kami ngayon ng me before you, isang heart breaking love story. At ano pa bang in-i'expect niyo sa isang iyakin na tulad ko? Syempre edi nakaubos ako ng isang roll ng tissue. Pero don't judge me! Hindi lang naman ako yung umiyak, sila Angel at Tiffany rin naman. Hmp!

Tapos na yung movie pero iyak pa rin ako nang iyak dito, hindi kasi ako maka get over sa movie, ba't ba kasi kailangang may mamatay pa? Okay, spoiler alert!

Nagulat na lang ako nung biglang may humawak sa kamay ko. Akala ko sila Angel, pero si Troy pala.

"It's just a movie, Kate. Tumahan ka na riyan" agad na pag-comfort niya sa akin. Okay, napalitan bigla ng kilig yung lungkot na nararamdaman ko. Ba't naman kasi may paghawak ng kamay?

Ngumiti na lang ako at aalisin na sana yung kamay ko, pero mas lalo lang niyang hinigpitan yung pagkakahawak sa akin. Okay, what's happening?

"Let's stay like this for 5 more minutes" agad na sabi niya nang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin

At dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siya. Hindi ako kinikilig, hindi talaga.

Nagsalang pa ng panibagong movie si Tiffany, rom-com naman ngayon ang papanoorin namin para naman daw mawala sa isip namin yung pananakit nung unang movie na pinanood namin.

Sabi ni Troy, 5 minutes lang pero bakit patapos na lahat-lahat yung second movie hindi pa rin niya tinatanggal?

Binuksan na ni Angel yung ilaw kaya agad kong kinalas yung kamay ko sa pagkakahawak ni Troy sa akin. Mahirap na, baka asarin pa nila kami kapag nakitang magkahawak kami ng kamay.

Agad naman akong tinignan ni Troy na para bang takang-taka siya sa ginawa ko. Pinanlakihan ko lang siya ng mata at tuluyang lumabas ng mini theater.

*****

Kumakain kami ngayon ng merienda. Lahat ay nagdadaldal pwera lang sa isang tao, si Steve.

May problema kaya siya? Pero bakit kanina okay naman siya? Baka naman masama ang pakiramdam?

Dahil nag-aalala ako sa kaniya, tinanong ko siya kung okay lang ba siya. Sumagot naman siya ng "Okay lang ako, medyo sumama lang pakiramdam". Kaya naman pala.

Pagkasabi niya na masama ang pakiramdam niya, agad namin siyang sinabihan na magpahinga na muna. Pero hindi naman siya sumunod, kaya pa naman daw kasi niya kaya sa huli ay hinayaan na lang namin siya.

Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta na akong maghugas. Hindi agad pumayag sila Tiffany at Troy pero wala rin silang nagawa sa kakulitan ko. Nagsabi rin si Steve na tutulungan niya ako.

Nasa sala na ngayon sila Angel. Kaming dalawa na lang ni Steve ang naiwan sa kusina.

Nakakapanibago talaga, hindi ako sanay na hindi siya madaldal.

"Okay ka lang ba talaga, Steve? Kaya ko naman na 'to. Magpahinga ka na lang muna" nag-aalang sabi ko sa kaniya

Ngumiti lang siya at sinabing okay lang daw talaga siya. Alam kong hindi totoo yung sinabi niya, pero wala na rin naman akong magawa kaya hinayaan ko na lang siyang gawin yung gusto niya

Tahimik lang kami habang naghuhugas, ito yung klase ng katahimikan na nakakabingi.

"Kate, pwede ba akong magtanong?" pambabasag ni Steve sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa

Tumango naman ako bilang permisong pumapayag ako

"Anong meron sa inyo ni Troy?" hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya. Ano bang ibigsabihin ng tanong niya?

"Aksidente ko kasing nakita yung mga kamay niyo kanina habang nanonood tayo" dagdag pa niya

I was caught on guard, ano nga ba kami? How can I answer his question, kung ako mismo ay hindi alam ang sagot?

"Honestly, I don't know. Hindi ko alam kung ano ba kami. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip niya ba't niya hinawakan yung kamay ko" mahinang sagot ko sa tanong niya

"Do you like him?" dagdag na tanong pa ni Steve.

Hindi ko siya sinagot at yumuko na lang. Hindi ko inaasahan na ganitong klasing mga tanong pala yung itatanong niya.

"Hindi ko alam kung alam mo na o kung napapansin mo sa mga kilos ko. Pero ang totoo Kate, gusto kita. Simula pa lang nung unang beses kitang makita" biglang pag-amin niya.

Alam kong matagal na siyang inaasar ni Angel sa akin. Palagi niyang sinasabi na gusto raw ako ni Steve. Pero hindi ko naman inaasahan na seryoso pala siya.

"I'm sorry, Steve" ang mga salitang 'yan lang ang tanging nasabi ko sa kaniya

"No, Kate. You don't need to feel sorry. Hindi mo naman kasalanan na nagustuhan kita. Hindi mo rin naman ako kailangang gustuhin pabalik, lalo na ngayon na alam kong may gusto ka na palang iba"

"Actually matagal ko na rin namang napapansin na parang may namamagitan sa inyo ni Troy, pilit ko lang na hindi pinapansin kasi baka mamaya close lang talaga kayo" natatawa ngunit may bahid na lungkot ang pagkasabi niya ng mga salitang 'yan.

Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Natatakot ako na baka maapektuhan yung pagkakaibigan namin dahil sa nangyari.

"Hey, 'wag kang mag-alala. Crush lang naman kita kaya madali lang akong makakamove-on sa'yo. Kaya promise me na hindi tayo ma-a'awkward after neto ha?" agad na bawi naman ni Steve

Hindi ko na napigilan yung sarili kong maiyak. Buti na lang mas matimbang din para sa kaniya yung friendship namin. Agad naman akong niyakap ni Steve habang tumatawa-tawa pa.

"I can't believe na nagkagusto ako sa iyakin na tulad mo" pang-aasar niya. Agad ko naman siyang hinampas sa braso. Pero aaminin kong gumaan na yung loob ko, kasi alam kong bumalik na yung Steve na kaibigan ko.

*****

Nasa sala na kami ngayon ni Steve kasama sila Angel. Naglalaro kami ngayon ng scrabble.

Kung nagtataka kayo kung bakit parang puro laro at nood lang ang ginagawa namin, well kakatapos lang kasi ng "hell week" kaya may time na kami ngayon mag-enjoy. Reward na rin namin 'to sa mga sarili namin dahil natapos namin lahat ng requirements na pinapagawa sa amin.

Grabe, mga competitive lahat ng kasama ko. Parang mga walking dictionary sa dami ng english word na alam nila. Pero, syempre hindi rin ako papatalo 'no! Tulad nang sabi ni Mommy, beauty and brain ata 'to.

Habang nagkakasiyahan kami, hindi ko maiwasang tapunan ng tingin si Troy. Alam ko naman na tahimik talaga siyang tao, pero parang naging super tahimik naman niya ngayon?

Napansin siguro niya na nakatingin ako sa kaniya kaya tiningnan niya rin ako. Agad naman akong ngumiti at tinaas yung thumb ko na para bang tinatanong kung okay lang ba siya. At ang bwisit, inirapan ako. Problema neto?

Kaya naman lumipat ako sa tabi niya. Tinignan lang niya ako saglit at agad nang nag-focus sa laro namin.

Habang hindi nakatingin sila Tiffany, grinab ko na yung opportunity para sikuhin siya. Tinignan niya lang ako nang masama, tipong halos magdikit na yung mga kilay niya.

Agad naman akong bumulong ng "problema mo?" na sinagot lang niya ng "wala", na alam ko namang hindi totoo. Paano ba naman ako maniniwalang wala? E todo kunot na yung noo niya habang sinasabi 'yon. Hmp.

At ang loko, tumayo at lumipat sa tabi ni Tiffany. Ahhh ganon? Ayaw niya akong kausapin? Edi 'wag! Hindi ko rin siya kakausapin! Bahala siya riyan!

My Unhappy GuyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon