IKAAPAT

18 2 0
                                    

Nasa room na ako ngayon, wala pa si Angel. Mukhang na-late siya nang gising. O baka maaga lang talaga ako?

Makikinig muna sana ako ng music nang biglang may kumalabit sa akin.

Akala ko si Angel na, si Steve pala. Blockmate namin.

"Ba't parang mag-isa ka ngayon Kate? Nasaan si Angel?" bungad na tanong niya.

"Hindi ko sure kung absent o late lang si Angel e. Wala rin kasi siyang message sa akin"

Pagkasabi ko pa lang ng mga 'yon, biglang nag-vibrate yung phone ko. Nag-text si Angel.

*****

From: Angel

Kateeee, hindi ako makakapasok ngayon. Umuwi sila Mom and Dad e, aalis daw kami ngayon hihihi

7:43 am

*****

Ohhh I see, kaya pala wala pa siya. Pero grabe kahit sa text lang, ramdam ko yung saya niya kasi makakasama niya yung parents niya ngayon.

*****

To: Angel

Kaya pala wala ka pa. Okay, enjoy kayo nila Tita! Sasabihan na lang kita kapag may ipapagawa mga Professors natin, I'll send you my notes na rin. Ingat!

7:45 am

*****

After ko mag reply kay Angel, hinarap ko ulit si Steve.

"Nag-text si Angel, hindi raw siya papasok ngayon"

"Ahhh kaya pala, edi paano 'yan? Sino makakasama mo ngayong araw?"

Sasagot pa lang sana ako pero bigla siyang nagsalita ulit

"Okay lang ba na ako na lang muna?"

May parte sa akin na nagulat pero may parte rin na hindi. Ewan ko ba kung bakit, pero sabi kasi sa akin ni Angel, may gusto raw sa akin si Steve.

Hindi ko alam kung inaasar lang ako ni Angel o baka totoo. Pero since nag-offer si Steve, I don't see any reason para humindi ako. Besides, mukha naman siyang mabait at ayoko rin namang tumunganga lang mag-isa buong araw.

"Sure" ang tanging sagot ko sa tanong ni Steve.

*****

"HAHAHAHAHAHA tama na Steve, ang sakit na ng tiyan ko kakatawa" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya.

Paano ba naman, buong pag-uusap ata namin puro corny jokes lang yung pinagsasabi niya. Alam niyo 'yon? Sa sobrang corny ng jokes, mas matatawa ka na lang talaga.

Gusto niyo malaman ano mga sample ng mga jokes niya? Oh eto.

"Anong isda ang nagtatapos sa 'sap' bukod sa sapsap?" - siya

"Ano?" - ako

"Edi pritong isda na may kasamang ketSAP" - siya ulit

Oh diba? Ang corny at ang taba ng utak niya HAHAHAHAHA

"Pero maiba nga tayo, pwede ko bang malaman ba't nagprisinta kang maging companion ko ngayong araw?" pag-iiba ko ng usapan namin

"Yung totoo? Gusto kasi kita makilala. I mean yung hindi lang by name. Tsaka naisip ko rin kasi, kapag hindi ko pa grinab yung opportunity ko ngayon baka hindi na ako ulit mabigyan ng pagkakataon. Lalo na't alam ko na hindi kayo mapaghiwalay ni Angel kapag nandiyan siya HAHAHAHAHAHA" sagot naman niya habang pa tawa-tawa pa.

"Owww, I see. So interested ka pala sa akin gano'n? Yiiieee crush mo siguro ako 'no?" pabiro ko namang sagot sa kaniya. Oh, hindi ako assuming ahhh? Sadyang naging komportable lang din kasi ako agad sa kaniya kaya na aasar-asar ko na rin siya.

"Oyyy hindi ahhh, assuming naman neto" nahihiya at namumulang sagot naman niya

"HAHAHAHAHAHA joke lang. Eto naman! Ano, ikaw lang pwedeng magbiro?" patawa-tawa ko namang sagot sa kaniya. Ramdam ko kasi na nabigla siya, at hanggang ngayon ay namumula pa ang loko. Ang cute HAHAHAHAHAHA

Pero speaking of cute, cute naman talaga siya. Hmm gwapo siya actually. Kahawig nga niya si Bambam ng GOT7. Oh diba, ang pogi?

"Ikaw ba Kate? May crush ka ba rito sa campus?" biglang tanong ni Steve sa akin

Ramdam ko na namula ako. Naalala ko kasi bigla si Kuyang Engineering.

"Wala" mautal-utal ko namang sagot sa kaniya. Shocks, pahamak naman 'tong bibig ko. Buti na lang at hindi na siya nagtanong pa ulit.

*****

Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot. Nag-text na kasi si Mang Berting na nandito na raw siya. Sakto din na doon din pala banda nakaparada yung sasakyan ni Steve, kaya sabay na kaming pumunta.

Hinatid ako ni Steve hanggang sa tapat ng sasakyan ko. Sabi ko nga sa kaniya ay 'wag na, pero mapilit siya.

"Bye Steve, thanks for today! Ingat sa pag-uwi"

"Thank you rin Kate, see you tomorrow! Ingat!"

Ngumiti muna siya bago tumalikod at pumunta sa sasakyan niya. Ako naman ay pumasok na sa loob ng sasakyan.

In all fairness, ang saya ring kasama ni Steve. Akala ko kaninang umaga magiging boring ang araw na 'to kasi wala si Angel. Pero buti na lang talaga nagprisinta si Steve na maging companion ko for today. Hmmm, sana hindi nagtatapos 'yon ngayong araw. Sana isa siya sa "for keeps" friend ko.

*****

Nakatingin lang ako sa bintana at nakikinig ng mga kanta ng MYMP buong biyahe. Mahihiluhin din kasi ako kaya kailangan ko palagi ng distraction tuwing nasa loob ng sasakyan.

Pipikit na sana ako nang biglang may napansin ako sa labas. Teka, si Kuyang Engineering ba 'yon?

Nilakihan ko yung singkit kong mata para makita ko nang maayos yung nasa labas. At oo nga, siya nga.

May kasama siyang babae. Student din kasi naka-uniform din. Magkasama sila pero parang ang layo nila sa isa't isa? Girlfriend niya kaya 'yon? Pero bakit magkalayo sila? LQ?

Hays, may girlfriend na pala siya. Kaya siguro mukhang suplado.

Tinignan ko sila ulit sa panghuling beses bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata.

Sayang naman.

*****

Nakauwi na ako, nakakain na rin kami ng dinner at nakapagpalit na rin ako ng pantulog.

Kanina ko pa sinusubukang matulog pero kanina pa rin ako ginugulo ng nakita kong scenario kanina.

Sa inis ko, tumayo na lang ako at kumuha ng notebook at ballpen. Magsusulat na lang ako ulit sa diary ko.

*****
Dear diary,

Nakita ko siya ulit kanina habang nasa biyahe ako pauwi, kaso may kasama siyang babae. Kaya hanggang ngayon ay ginugulo ako ng utak ko, patuloy na tinatanong kung kaano-ano kaya niya 'yon? Kanina ko pa gustong itanong kung magkaano-ano ba talaga sila, kaso wala naman akong number niya at hindi naman kami friend sa kahit na anong social media account para tanungin siya. Tsaka hello? Ni-hindi ko nga alam pangalan niya. Grrrr.

Gusto ko lang namang matulog, kaya please umalis ka muna sa isip ko Kuyang Engineering. Iniinis mo ako.

Love, Kate.

*****

After ko maglabas ng sama ng loob sa diary ko, humiga na ako ulit at nagdasal na sana makatulog na ako.

At mukhang effective naman, kasi ilang minuto lang ang nakalipas ay nag black out na yung palagid.







My Unhappy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon