OMG. I never thought na kayang gawin ni Troy 'to. Like hello? He's Troy Perez! The one I used to describe as a nerdy, quiet and unhappy guy! Pero grabe, sobrang effective naman ata ng pang-aasar ko sa kaniya at umabot siya sa public proposal. Yes people, nasa gitna kami ng campus ngayon at tinatanong niya ako ngayon kung pwede na bang maging kami.
He's holding a bouquet of pink roses with Ferrero Rocher at may nakasulat din na "you want to be my girlfriend?" dito. But wait there's more! May hawak din siyang pink balloons kung saan nakasulat ang "If you say yes, I promise to make you happy".
A part of me was just really kidding nung sinabi ko sa kaniya na ligawan niya muna ako, pero hindi ko naman inexpect na seseryosohin talaga niya 'yon at lalong hindi ko akalain na ganito kagarbo yung "panliligaw" niya.
Pero aaminin ko, sobra akong kinikilig ngayon. But at the same time, kinakabahan. First time ko kasi 'tong maranasan. Kaya kapag sinagot ko siya ngayon, siya palang ang kauna-unahang magiging boyfriend ko. And hopefully my last.
Hindi ko na napigilan yung luha ko sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Kaya agad siyang tumayo mula sa pagkakaluhod niya.
"Hey, why are you crying? Hindi mo ba nagustuhan? Sorry, sabi kasi ni Tiffany ito raw ang gusto ng mga babae. I even searched online para maghanap ng idea at ito ang sa tingin kong magugustuhan mo kasi nabanggit mo sa akin dati na mahilig ka sa pink, tsaka ang favorite mong bulaklak ay rose at Ferrero Rocher naman ang paborito mong chocolate. Palagi ka pa ngang may baon neto, diba?" nag-aalalang lintanya sa akin ni Troy.
Lord, simula ngayon mas magiging mabuting tao na talaga ako. Thank you po at binigyan mo ako ng isang Troy Perez. Pangako, aalagaan at mamahalin ko siya. Amen.
After ko magpasalamat kay Lord, tiningnan ko ng deretso sa mata si Troy at sinabing "OO".
"Ha? Anong oo? Oo as in hindi mo nagustuhan? O oo as in tayo na?" naguguluhang tanong ni Troy sa akin.
"Haynako, kung hindi lang kita mahal baka humindi na lang talaga ako sa'yo. Pero wala e, mahal kita. Kaya oo, tayo na!" halos pasigaw kong sagot sa kaniya
Agad naman niya akong niyakap at binulong na mahal niya ako. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong lumulutang.
Pero laking gulat ko nung bigla siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin at biglang may kinuha sa bulsa.
May hawak-hawak siya ngayong maliit at kulay itim na kahon. Unti-unti siyang lumuhod ulit at binuksan ito. Sa loob ay agad kong nakita ang kumikinang na singsing. Ang taray! Engagement na ba 'to agad?!
"Alam ko yung iniisip mo. Hindi ito engagement ring, sa susunod na 'yon. This ring will serve as a constant reminder that I love you and will always look after you. I promise to be your biggest fan and to take you to all of your favorite authors' book signings. I love you so much, Margaux Kaytlyn. Thank you for saying yes! I promise that from this day forward, I will never ever leave your side" emosyonal na sabi ni Troy habang deretsong nakatingin sa aking mga mata. Grabe, I can feel the sincerity in every words he said.
Tumayo na siya at agad na nilagay yung promise ring sa ring finger ko. I can't wait na madagdagan 'to ng engagement and wedding ring namin. Excited na kung excited, basta alam ko sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama habang buhay.
*****
Nasa room na kami ngayon at hanggang ngayon ay hindi ako tinitigilan nila Angel at Tiffany sa kakatanong kung paano raw ba kami nagkaigihan ni Troy.
"Sobrang na-hurt ako Kate! Akala ko ba mag best friend tayo?! Diba ang mag best friends walang secrets? Pero bakit hindi mo manlang sinabi sa akin na nagkakagustuhan na pala kayo nung Troy na 'yon huhu" pag-d'drama ni Angel sa akin.
Nakokonsensiya tuloy ako. Pero hindi ko rin naman kasi alam na may gusto na rin sa akin si Troy e. Tsaka nahihiya rin ako sa kanila. At isa pa, alam kong aasarin nila kami kapag nalaman nila. Huhu, I have my reasons.
"Oo nga! Kaya pala tanong nang tanong sa akin si Troy kung paano raw ba manligaw, ikaw pala yung liligawan niya huhu. I can't believe it! Sister in law na kitaaaa" pag-d'drama rin ni Tiffany.
"Hoyyyy tama na nga 'yan! Ba't hindi na lang kayo maging masaya para kay Kate? Atsaka kayo na rin ang nagsabi na magkakaibigan tayo, kaya bilang kaibigan, suportahan na lang natin sila, okay?" agad namang pagdipensa sa akin ni Steve. Huhu buti na lang nandiyan siyaaaa.
"Oo nga, may sinabi ba kaming hindi kami support ha?" sabay na sabi naman nung dalawa
Niyakap nila akong dalawa at sinabing masaya sila para sa amin. Nag-aya rin silang pumunta kila Tiffany mamaya para daw doon kami makapagkwento kung paano raw ba talaga nagsimula ang lahat.
*****
Nandito na kami ngayon sa bahay nila Tiffany. Tapos na rin naming i-kwento sa kanila lahat ng nangyari sa amin ni Troy. Actually ako lang pala ang nagkuwento, 'wag na nating asahan si Troy na magsalita ng higit pa sa 10 sentences. Yung linya niya nga ata kanina sa quadrangle ang pinaka-mahabang nasabi niya sa buong buhay niya e. Hmp.
As expected, parang naasinan na bulate yung dalawa sa sobrang kilig. Kulang nalang ay maghampasan sila e. Si Steve naman ay tahimik lang. Sana okay lang siya.
After namin mag kuwentuhan at mag merienda, naisipan nila Angel na mag karaoke. Sakto at may karaoke pala sila Tiffany sa bahay nila kaya agad namang sumang-ayon ang lahat.
Si Angel at Tiffany lang yung kanta nang kanta sa aming lima. Para silang may sariling concert. Nakakaloka.
"Thank you Araneta! Ingat kayo sa pag-uwi! Have a great night! Whoooo!" sigaw ni Angel pagkatapos niyang kantahin yung kanta ni Beyoncé na Love on Top.
Tawa naman kami nang tawa sa kaniya kasi feel na feel niya talaga ang pagkanta. Hindi siya nahihiya kahit na pumiyok piyok pa siya. Kitang-kita mo na nag e-enjoy talaga siya sa ginagawa niya.
After kumanta ni Angel, si Tiffany naman ang kumuha ng mic. Actually, maganda yung boses niya. Para siyang anghel na kumakanta, ang soft at ang sweet kasi ng voice niya. Kaya kahit ilang beses pa siyang kumanta ay hindi nakakasawang pakinggan.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung maganda rin kaya yung boses ni Troy? I mean, magkakambal kasi sila ni Tiffany kaya baka parehas sila na magaling kumanta.
Nabanggit din kasi ni Tiffany dati na bago raw pumasok sa business industry yung parents nila, naging mag bandmate raw muna sila. So hindi malabo na kumakanta rin si Troy, right? Lalo na kung it runs in the blood.
Kaso naisip ko, kung sakali man na magaling ngang kumanta si Troy, malabong mapakanta mo siya sa harap ng ibang tao. Pero ewan ko ba, curious talaga ako kaya susubukan kong pakantahin siya.
Walang mangyayari kung hindi mo susubukan, right?
BINABASA MO ANG
My Unhappy Guy
RomanceMargaux Kaytlyn "Kate" Torres will be described as the "perfect girl." She is beautiful, wealthy, intelligent, and she receives a lot of love from those people around her. But what if she meets someone who is a complete opposite of her; a nerdy, qui...