"Ano yung naaamoy kong pagkain Tiff? Penge nga ako, hindi ako nakapag lunch kanina" ayan ang pinakaunang narinig kong salita mula kay Kuyang Engineering. Yes people, nandito siya.
"Ano ba Troy! 'Wag mo nga akong tawagin Tiff sa harap ng mga kaklase ko. Tunog magnanakaw e, hmp! Tsaka anong pahinge? Magluto ka nang sa'yo!" asar na sagot naman ni Tiffany sa kaniya. So, Troy pala pangalan niya? Pero ba't kung magsalita si Tiffany parang ready na niyang saktan si Kuyang Engineering? Magkaano-ano ba talaga sila?
"Anyways. Guys, this is Troy. Unfortunately, my twin brother. I know right? Hindi kami magkamukha. Ang pangit kasi niya" agad na pagpapakilala ni Tiffany sa kapatid niya
So stupid Kate. Hindi mo nahalata na magkapatid sila? Pinagselosan mo pa yung tao, hmp. Pero totoo rin naman kasi yung sinabi ni Tiffany, hindi sila magkamukha. Baka fraternal twins?
"Ang damot mo naman! For sure hindi naman ikaw ang nagluto niyan! Sa nagluto na nga lang ako magtatanong, sino ba sa inyo 'yon?" biglang tanong ni Troy sa amin
Shocks, e ako nagluto ng mga 'to. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?
"Ah eh, si Kate po" agad na sagot naman ni Angel habang nakaturo pa sa akin
Bumaling yung tingin ni Troy sa akin, at para akong nalulusaw sa mga tingin niya. Margaux Kaytlyn umayos ka!
"Penge ako ha? Gutom na kasi talaga ako. Okay lang?" tanong ni Troy habang nakatingin pa rin sa akin
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumango na lang ako. Agad naman siyang kumuha ng plato niya at nagsandok ng pasta.
Okay Kate, pwede ka nang kumalma. Aakyat naman na 'yan for sure after kumuha ng pagkain niya.
Pero doon ako nagkakamali. Umupo kasi siya kasama namin at sa tabi ko pa talaga siya pumwesto. Wow, just wow! Paano na ako makakakain ng maayos neto?
"Hoy Troy! Umalis ka na nga! Nakakuha ka na nga ng pagkain e" pagsusungit ni Tiffany sa kapatid niya
"Alam mo Tiff ang arte mo talaga, yung mga kasama mo nga wala namang problema kahit pa nandito ako e" pagsusungit din sa kaniya ni Troy
Magkapatid nga sila, parehong masungit at mainitin ang ulo.
Sa huli ay wala nang nagawa si Tiffany kundi hayaan ang kapatid niyang kumain kasabay namin.
At eto ako, hirap na hirap ngumuya. Paano ba naman? Katabi ko si crush! Sige, paano?
Laking pasasalamat ko na lang nung biglang tumayo si Troy sa upuan niya. Tapos na ata siyang kumain.
"Akyat na ako. Salamat ulit sa pagkain" paalam ni Troy sa amin
Pansin ko lang, tahimik lang siya kanina habang kumakain. I mean, dapat naman talagang ganoon. Pero yung iba ko kasing kasama, ang daldal habang kumakain. Tanging siya lang ang walang kibo.
Bakit kaya? Nahihiya siguro siya kasi 'di naman niya kami kilala? O baka sadyang tahimik lang talaga siya tulad ng prediction ko tungkol sa kaniya? Ay ewan! Basta ang mahalaga, makakakain na ako nang maayos ngayon kasi aalis na siya.
*****
Tapos na kaming kumain, actually malapit na rin kaming matapos sa report namin. Like what I've expected, mas napadali yung pag-gawa namin kasi magkakasama kami.
"Buti na lang kahit papaano ay may knowledge na tayo agad about sa napuntang topic sa atin 'no? Highschool pa lang ata napag-aralan na natin 'to" maya-mayang sabi ni Angel
Tama naman siya, halos lahat ng topics under scientific self ay na-discuss na nung highschool. Kaya mas napadali rin talaga yung pag-gawa namin.
Halos isang oras din ang lumipas nung tuluyan na kaming natapos sa pag-gawa. Nice one, makakauwi na kami.
"Dito na kayo mag-dinner, guys" agad na aya sa amin ni Tiffany pagkatapos naming magligpit ng mga gamit
Agad naman akong sumagot ng "Hindi ako pwede, Tiffany. Kasabay ko kasi palagi sila Mommy kumain. Tsaka late na rin, baka nag-aalala na sila"
Sumagot din sila Steve na hindi na rin sila dito mag d'dinner at kailangan na ring umuwi, kaya wala nang nagawa pa si Tiffany kundi ihatid kami sa labas.
"Salamat, guys. I had so much fun working with you. Sana palagi tayong magkakagrupo hihihi" agad na sabi ni Tiffany pagkahatid niya sa amin sa labas ng bahay nila
Nagpasalamat din kami sa kaniya at tuluyan nang nagpaalam.
*****
Habang nasa biyahe ako pauwi, hindi ko maiwasang maisip yung nangyari kanina sa bahay nila Tiffany. Until now, hindi ako makapaniwala na magkapatid pala sila! Magkalayong magkalayo kasi yung personality nila plus, hindi nga kasi sila magkamukha.
Pero aaminin ko, nakaramdam ako ng saya nung nalaman ko na magkapatid lang pala sila. Ibigsabihin, may chance pa.
Pagkauwi ko sa bahay, agad akong nagmano kila Mom and Dad. Nagpalit lang din ako ng damit then after 'non, ay kumain na kami ng dinner.
Pag akyat ko sa kwarto, hindi ko pa rin maalis yung ngiti sa labi ko. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko siya ngayong araw, at lalong-lalo na ang makita siya sa bahay nila Tiffany. I mean, sa bahay nila.
Binuklat ko yung diary ko, isusulat ko yung nangyari ngayong araw para hindi ko makalimutan.
*****
Dear Diary,
May bagong transferee student kaming kaklase ngayon, si Tiffany. Maganda siya at mabait. Pinagselosan ko nga lang siya nung una kasi akala ko girlfriend siya ni Kuyang Engineering. Pero buti na lang naging ka-grupo ko siya at inaya niya kami na doon gumuwa sa bahay nila. Kaya nalaman ko na magkapatid sila ni Troy.
Yes, Troy pala ang pangalan niya at twin brother pala siya ni Tiffany. Kaya pala nakita ko silang magkasama kahapon. Natatawa ako sa sarili ko ngayon pero hindi niyo naman ako masisisi, umiibig lang. What? Umiibig agad? Umayos ka nga Kate!
Gusto ko lang din isulat na nakain ni Troy yung pesto ko ngayong araw at nakatabi ko pa siyang kumain. Hindi ko alam yung gagawin ko kanina habang katabi ko siya, parang sasabog yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
Alam kong sinabi ko rati na kakausapin at kakaibiganin ko siya. Oo, friends lang. Friends lang muna hehe. Kaso hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin, mukhang ang tahimik kasi niyang tao. At nabanggit din ni Tiffany na walang kaibigan si Troy. Ewan ko kung pang-aasar lang 'yon o baka totoong wala siyang kahit isang kaibigan. Well, kung totoo man na wala siyang kaibigan, gagawa ako ng paraan para maging kauna-unahang kaibigan niya.
Love, Kate.
*****
BINABASA MO ANG
My Unhappy Guy
RomansMargaux Kaytlyn "Kate" Torres will be described as the "perfect girl." She is beautiful, wealthy, intelligent, and she receives a lot of love from those people around her. But what if she meets someone who is a complete opposite of her; a nerdy, qui...