IKALIMA

18 2 0
                                    

"Grabe Kate, ang saya-saya ko kahapon. Sobrang na-miss ko kasi sila Mommy and Daddy. Kumain lang naman kami sa labas tsaka nag-shopping na rin, pero sobrang saya talaga ng puso ko huhu"

Mga ilang beses na atang nasabi ni Angel yung mga katagang 'yan ngayong araw. Pero naiintindihan ko naman siya, minsan lang nga kasi niya makasama parents niya.

Nginitian ko na lang siya at sinabing "I'm happy for you". At oo, ilang beses ko na ring sinabi 'yan.

Natigil lang siya kakakwento nung pumasok na yung Prof namin. May kasama siyang babae at kung hindi ako nagkakamali, siya yung kasama ni Kuyang Engineering kahapon. Pero bakit siya nandito? At bakit magkaparehas na kami ng uniform?

"Okay class, may bago kayong classmate. She's from Pure Heart University"

Ahhh transferee. Grabe, sinundan niya ba si Kuyang Engineering dito? So, girlfriend niya siguro talaga 'to? Awts, pighati. Char.

"Kindly introduce yourself Ms. Perez. Just tell them your name, age, and hobbies" utos sa kaniya ni Prof. Sanchez

"Hi, I'm Tiffany M. Perez. 18 years old. My hobbies are dancing, painting, and drawing"

Wow, lahat ata ng nabanggit niya ay hindi ko kayang gawin hmp. Umayos ka nga Kate, selos yarn?

"Okay, you may go now to your seat. Pumili ka na lang kung saan mo gustong umupo"

Patay, bakante pa naman yung katabi kong upuan. Kaya agad akong nanalangin na sana ay hindi siya umuupo sa harapan.

Okay, nabigo ako. Dumeretso kasi siya sa tabi ko. What the fudge.

Okay lang 'yan, Kate. 'Wag ka na lang lilingon. Hindi ka naman siguro kakausapin niyan.

"Hi, okay lang ba na dito na lang ako umupo? Malabo kasi mata ko tsaka mas nakakapag focus ako sa lesson kapag nasa harapan ako"

Ayoko mang lumingon, mas ayoko namang maging rude. Kaya sa huli ay tiningnan ko na lang siya at sinabing "sure".

Hanep, ba't parang lahat ng sinasabi ko na hindi niya gagawin, e ginagawa niya? Well, tutal ginagawa naman niya lahat ng kabaliktaran ng sinasabi ko; sana girlfriend siya ni Kuyang Engineering. Agad naman akong natawa sa naisip ko, baliw na ata talaga ako.

Pilit kong inalis yung distraction sa isip ko at nakinig na kay Prof. Sanchez.

*****

Tapos nang mag-introduce si Prof. Sanchez ng mga topics sa subject namin na Understanding the Self.

Pinapabuo niya kami ngayon ng mga grupo. Since 40 students kaming lahat sa room at sakto namang 10 topics lang ang meron sa UTS subject namin, hinati niya kami sa 10 groups. Apat na ka-tao bawat grupo.

At kung sinuswerte ka nga naman, ka-grupo ko si Tiffany ngayon. Bale kami ni Angel, Steve, at Tiffany ang magkaka-grupo.

"The Scientific Self yung napunta sa atin, sakto 8 topics yung under ng scientific self, so bale tig d'dalawa tayong topic. Okay?" agad na sabi ni Steve

"So, eto yung 8 topics; sex determination, mechanics of heredity, factors that may affects the unborn child, chromosomal abnormalities, mitosis and meiosis, biology of sex, family coping techniques for genetic and birth abnormalities, and lastly, father of genetics" dagdag pa niya.

Nagbunutan na lang kami para fair yung hatian, napunta sa akin yung chromosomal disorder tsaka yung family coping techniques for genetic and birth abnormalities. Buti na lang related yung topics na nakuha ko.

"Paano pala yung PPT natin? Gusto niyo ba sa bahay na lang namin tayo gumawa? Para doon na lang tayo mag batuhan ng ideas" biglang suggestion naman ni Tiffany

"Since transferee kasi ako, wala pa akong kaibigan dito. Kaya gusto ko rin sana kayo maka-bonding, kung okay lang?" dagdag niya pa

"OMG, oo namaaan! Go ako riyan, for sure go rin si Kate kasi kasama ako hihi" masayang sagot naman ni Angel. Nako naman talaga 'tong babae na 'to, dinamay pa ako tsk.

"For sure sasama rin yan si Steve, 'diba?" mapang-asar na sabi pa ni Angel habang pabalik-balik yung tingin niya sa aming dalawa ni Steve

"Oo naman. Para sa reporting naman e" nahihiyang sagot naman ni Steve, ang cute talaga netong mahiya.

"Yehey! So, mamayang uwian deretso tayo sa bahay? Doon na lang din tayo mag-search ng mga topics natin" halatang excited si Tiffany para mamaya. Kahit bago pa lang siya rito, mahahalata talaga agad na masiyahan at mabait siya. Kaya siguro siya nagustuhan ni Kuyang Engineering?

Ngumiti na lang ako. Okay na rin yung suggestion ni Tiffany, at least mas mapapadali yung pag-gawa namin kasi makakapagbatuhan kami ng ideas.

*****

On the way na kami ngayon papunta sa bahay nila Tiffany, sinabay niya na lang kami sa sasakyan niya.

Nakapagsabi na rin naman ako kila Mommy na ma l'late ako nang uwi ngayon kasi gagawa pa kami ng report namin. Pumayag naman sila at binilinan ako na magpasundo kay Mang Berting pagtapos naming gumawa.

Ako, si Angel at si Tiffany lang ang magkakasama ngayon sa sasakyan. Hindi kasi pwedeng iwan ni Steve yung sasakyan niya sa school kaya nag-convoy na lang siya sa amin.

Medyo malapit lang pala yung bahay nila Tiffany sa campus, kaya madali lang kaming nakarating sa kanila.

"Wala sila Dad and Mom ngayon. Si Troy naman palagi lang nasa kwarto niya kaya hindi natin siya kailangang intindihin. Tara pasok na kayo" agad na sabi ni Tiffany pagkababa namin sa sasakyan

Ang laki at ang linis ng bahay nila. Mukhang modern design 'to at combination of white, black and gold color lang ang nakikita ko.

"Anong gusto niyong kainin? May ready-mixed pancake rito, ayos lang ba sa inyo 'yon? Ayon lang kasi yung kaya kong lutuin e. Wala kasi yung mga maid namin ngayon, day-off" nahihiyang sabi ni Tiffany. Gusto ko sanang magprisinta na ako na lang ang magluluto, kaso nakakahiya naman.

"Kami na lang ang bahala ni Kate magluto, ituro mo na lang sa amin yung mga ingredients" biglang sagot naman ni Angel

"Ayooon, marunong pala kayo magluto? Huhu sana all. Hindi kasi kami sinanay nila Mommy ng mga gawaing bahay. Actually this year lang kami hinayaan nila Mommy na walang kasamang maid sa bahay kahit isang araw lang. Para daw kahit papaano ay matuto naman kami sa gawaing bahay huhu" mahaba at mangiyak-ngiyak na lintanya ni Tiffany

"Kami na ang bahala, kung hindi mo maitatanong mala-master chef ata 'tong si Kate. Mahihiya si Pareng Gordon Ramsey sa galing nitong bestie ko!" pagyayabang naman ni Tiffany na para bang Nanay ko siya. Baliw talaga 'to.

Sinabi ko kay Tiffany lahat ng kakailanganin kong ingredients para sa gagawin kong pesto pasta with garlic bread. Buti na lang kumpleto sila ng mga rekado.

Maaga pa naman kaya may oras pa kami para mag merienda. Hindi rin kasi pumasok yung last 2 Profs namin kaya maaga kaming na-dismissed.

Mga ilang minuto lang ang lumipas, natapos ko na yung niluluto ko. Naghain na rin si Tiffany at naka-pwesto na rin sila Steve sa dining table.

"Hala, ang sarap nga talaga magluto ni Kate! Mas masarap pa ata 'to sa nakain kong pesto pasta sa mga restaurants na nakainan namin" amazed na amazed na sabi ni Tiffany pagkatapos niyang matikman yung niluto ko.

"I told you! Kaya nga pwedeng pwede na siyang mag-asawa e, 'diba Steve?" mapang-asar na sabi naman ni Angel

Hindi siguro inasahan ni Steve yung pang-aasar sa kaniya ni Angel kaya nabulunan siya at muntikan nang mabuga yung pasta sa bibig niya.

Pulang-pula si Steve ngayon, hindi ko alam kung dahil ba sa pagkasamid niya o dahil sa hiya?

Habang tawang-tawa kami sa nangyari kay Steve, biglang nalipat yung atensiyon namin sa taong bumaba.

Shocks, ba't nandito siya? Don't tell me, nagsasama na sila?!

My Unhappy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon