IKAWALO

14 2 0
                                    

Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si Troy sa mall ngayon.

Opo, as in kasama ko siya ngayon. Akala ko coincidence lang yung pagpunta niya sa Starbucks kanina, pero pinuntahan pala talaga niya ako.

Sabi kasi niya, naawa raw siya sa akin kasi mag-isa lang ako. Pagkasabi niya 'non kanina, hindi ko mapigilan yung sarili ko na kiligin. Kasi ba naman, concern yarn?

Nahihiya man ako, hinayaan ko na lang siya na sumama sa akin. Pabor din naman sa akin 'to. Bukod sa oo na, crush ko siya, iba pa rin talaga kapag may kasama ka.

So, to cut a long story short, pagkatapos naming uminom at kumain sa SB kanina, pumunta na kami sa National Bookstore para bilhin yung librong gusto ko.

Ayoko pa sanang pumunta agad sa NB kasi baka mamaya may iba pa pala siyang gustong puntahan o bilhin. Pero sabi niya, ako lang naman daw talaga ang pinunta niya rito. Pakisabi naman, paano ba pakalmahin ang kinikilig kong puso?

Pagpasok namin sa National Bookstore, agad akong dumeretso sa bookshelves section. Now, this is what you call heaven.

Balak ko pa sanang tumambay at magbasa ng libro doon tulad nang madalas na ginagawa ko, pero naisip ko na baka mainip si Troy at baka iwan pa ako. Kaya 'wag na lang.

Isang libro lang sana yung balak kong bilhin ngayon, pero tatlong libro na yung hawak-hawak ko. One from LaKapitanaDeLetras, one from MissMeowi, and of course one from PrettyEscritora. Underrated authors sila, pero ang gaganda ng mga gawa nila.

After kong mabayaran yung mga librong nabili ko, nilapitan ko na si Troy na kasalukuyang nasa drawing section. Siguro tulad ni Tiffany, mahilig din siyang mag-drawing.

Bago ako tuluyang makalapit kay Troy, inisip ko muna kung ano yung sasabihin ko sa kaniya. Aayain ko na ba siyang umuwi? Pero gusto ko pa siyang makasama.

Pero naisip ko na nakakahiya naman kung magpapatagal pa ako. Kaya sa huli ay napagdesisyunan ko na ayain na lang siyang umuwi.

"Troy, nabili ko na yung mga kailangan ko. Tara na?" agad na aya ko pagkalapit ko pa lang sa kaniya

"Nagutom ako kakahintay, saan mo gustong kumain?" hindi ko inaasahang tanong niya. Lord, ang lakas ko naman na ata masyado sa'yo?

"Ah eh, kahit saan. Hindi naman ako mapili sa pagkain" mahinang sagot ko naman sa kaniya

Tumango lang siya at nagsimula ng maglakad, sumunod naman ako agad sa kaniya. Buti na lang at binabagalan niya lang maglakad, ang hahaba kasi ng mga biyas niya kaya paniguradong hihingalin ako kakahabol sa kaniya kapag binilisan niya.

Deretso lang akong nakatingin sa likuran niya, at grabe, ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng katawan niya. Ang broad ng shoulders niya pero hindi naman kasing laki ng mga lalaking tambay sa gym.

By the way, hindi ko pa nababanggit na kahawig niya si Mario Maurer, nerdy version nga lang. May makapal na salamin kasi siya at hindi siya nag-aayos ng buhok. Pero kahit ganoon, kitang-kita pa rin yung kagwapuhan niya. O baka para sa akin lang?

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya, saan ba talaga niya balak kumain? Balak pa ata niyang libutin yung buong mall e. Sa totoo lang ay medyo napapagod na ako, may dala rin kasi akong mga libro.

Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad, nasa tapat na kami ngayon ng isang fast food chain. Dito niya kaya gustong kumain?

Akala ko papasok na siya sa loob pero laking gulat ko nung bigla siyang humarap at naglakad papunta sa akin.

My Unhappy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon