IKAPITO

10 2 0
                                    

Nasa cafeteria kami ngayon, kasama ko si Angel, Tiffany at Steve. Yes, after nung nagpunta kami kila Tiffany, palagi na kaming magkakasama. Ang saya lang, nadagdagan yung mga kaibigan ko.

Ilang months na rin ang nakalipas mula nung unang beses na nagpunta kami kila Tiffany at simula noon, madalas na kaming tumatambay sa bahay nila.

Akala ko nga magiging close ko na si Troy, kasi halos araw-araw nasa bahay nila kami. Kaso mailap talaga siya, hindi siya kailanman nakihalubilo sa amin. Minsan nakikikain siya ulit, pero never namin siyang nakausap.

Tama nga yung hinala ko, tahimik at may sarili siyang mundo. Kaya minsan naiisip ko na sumuko nalang na kaibiganin siya, pero ewan ko ba, habang nagpapakipot siya lalo ko lang ginugustong mapalapit sa kaniya.

Mahaba-haba pa yung break time namin. Nag-message kasi yung Prof sa president namin kanina na hindi siya makakapasok ngayon.

After naming kumain ng lunch, nag-aya sila Tiffany na pumunta sa engineering department. Hahanapin daw nila ni Angel yung 'Mr. Rights' nila.

Buti na lang din at naging kaibigan namin 'to si Tiffany, hindi na ako kinukulit ngayon ni Angel sa paghanap ng 'Mr. Right' niya.

Habang nagmamasid yung dalawa, tumabi sa akin si Steve.

"Ba't hindi ka sumama kila Tiffany?" agad na tanong niya sa akin

Agad din naman akong umiling at sinabing "Wala akong panahong maghanap ng Mr. Right kuno ko, tsaka naniniwala ako na dadating naman siya nang kusa. Hindi ko na siya kailangang hanapin pa"

Ngumiti siya nang pag kalaki-laki, at sa totoo lang ay medyo na wirduhan ako sa ginawa niya. Para kasi siyang si Joker.

"Tama. Tsaka malay mo, nakita mo na pala siya. Nasa tabi-tabi lang" lintanya ni Steve habang nakangiti pa rin

Oo nga, nakita ko na. Hindi nga lang ako pinapansin. Bulong ko naman sa isip ko.

Bumalik na sila Tiffany sa pwesto namin, at pareho silang nakasimangot. Paniguradong dahil hindi pa rin nila nakikita ang 'Mr. Right' nila.

"Halika na nga, umakyat na tayo sa room. Wala naman kaming nakita rito" malungkot na sabi ni Angel. Sabi ko na nga ba e.

"Sa Architecture building kaya? Bukas doon tayo tumambay Angel!" agad na suggestion naman ni Tiffany. Aba, hindi talaga sila titigil hangga't hindi nila nakikita yung future boyfriends nila ha? Malala na ang mga 'to. Tsk tsk.

Ba't hindi sila gumaya sa akin? Patiently waiting lang kay Troy hehe.

*****

Sabado ngayon at mag-isa lang ako sa bahay. Umalis kasi kaninang umaga sila Mommy, may mga aasikasuhin lang daw sila pero uuwi rin daw sila before dinner.

Gusto ko sanang ayain si Angel lumabas ngayon kaso nabanggit niya sa akin kahapon na aalis sila ngayon ng parents. Syempre ayoko namang makihati pa sa oras niya, minsan na nga lang niya makasama sila Tito.

Si Steve naman, may training ngayon ng basketball. Hindi ko pa pala nabanggit, varsity player siya sa campus namin.

So, si Tiffany na lang yung pwede kong maayang umalis ngayon. Kaya I decided na tawagan siya.

Naka-ilang ring na pero hindi niya pa sinasagot yung call. Baka busy? Wrong timing ata ako.

Papatayin ko na sana yung call nang biglang may sumagot

"Hello, Tiffany? Kate 'to. Busy ka? Tara labas tayo ngayon. Wala kasi akong kasama ngayon sa bahay. Hindi ko rin naman maaya sila Angel kasi may kaniya-kaniya silang lakad. Tara kahit sa Princeton Mall lang, kita tayo sa SB" agad na aya ko sa kaniya pagkasagot na pagkasagot niya pa lang. Sorry, na-excite lang.

Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa siya sumasagot. Chineck ko yung call kasi baka nag end na pero on going pa rin naman?

"Hello? Nandiyan ka pa ba?" paniniguro ko kung may kausap pa ba ako o wala na

"Hello?" finally may sumagot na. Pero teka? Ba't boses lalaki?

"Wala si Tiffany ngayon sa bahay, sinama siya nila Mommy. Sorry kung ako yung sumagot ng call mo, naiwan kasi ni Tiff yung phone niya rito sa bahay"

OMG. Hindi ako pwedeng magkamali, si Troy 'tong kausap ko! Sa sobrang pagkabigla ko, napindot ko agad yung end call button.

Shocks. Nakakahiya. Ba't kasi ang daldal ko, ni hindi ko manlang kasi hinintay na mag hello siya bago ako magsabi ng kung ano-ano.

Teka, hindi kaya siya magalit kasi bigla ko siyang pinatayan? Huhu anong gagawin ko? Tawag kaya ako ulit? Pero ano namang sasabihin ko? Mag-sorry ako? Pero paano kung hindi na niya sagutin? Hays, bahala na nga. Understood naman na siguro niya na nabigla lang ako.

*****

Nandito ako ngayon sa Starbucks, sa loob ng Princeton Mall. Tinuloy ko na lang yung alis ko kahit mag-isa ako.

Naisip ko kasi, baka mabuang lang ako sa bahay kakaisip sa ginawa kong kahihiyan kanina. Tsaka may gusto rin kasi akong bilhing libro ngayon sa National Bookstore. Nag-released na kasi ng book yung paborito kong author, si PrettyEscritora. Balita ko maganda at mabait daw 'yon sa personal. Sana ma-meet ko siya someday at makapagpapirma sa kaniya.

Dito ako nakapwesto ngayon sa bandang bintana ng SB, nakaharap ako sa pintuan kaya kitang-kita ko yung mga taong pumapasok at lumalabas.

Naaaliw ako sa mga taong labas-pasok sa SB kaya imbis na mag phone, tinuon ko na lang yung atensiyon ko sa pintuan. Weird ba? Ba't ba.

Maya-maya ay may lalaking pumasok, mukhang familiar. At nang mamukhaan ko kung sino siya, muntikan ko ng mabuga yung iniinom kong Java Chip Frappuccino. Paano ba namang hindi ako mabibigla, kung ang lalaking kakapasok lang ay si Troy pala.

Hindi siya agad dumeretso sa counter, at parang may hinahanap siya. Agad naman akong yumuko at nag-isip kung paano ako makakaalis sa loob ng coffee shop na 'to.

Maya-maya ay may nakita akong sapatos sa tapat ko. Hindi pa man naaangat yung mukha ko ay agad ko nang nalaman kung sino 'yon dahil bigla itong nagsalita ng...

"There you are"

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o nag-h'hallucinate. Totoo ba 'to? Nasa harapan ko ba talaga si Troy Perez?! Pero bakit?!

My Unhappy GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon