CHAPTER 10

8.2K 93 20
                                    

Cave

I was stunned, na hindi ko namalayang nasa harapan na kami ng nakangising photographer. I can feel my cheeks burning. Sure akong nasaksihan nila ang naging pag-uusap namin kanina.

"3..2..1.. smile!" Untag ng photographer.

Alanganin akong ngumiti ng marinig ang click ng camera. I’m sure as hell mukha akong timang doon.
Tumingin ako kay kuya Drake na seryosong nakatingin sa harap. Suot na niya ngayon ang headband. I bite my lower lip.

Ang cute niya talaga.

Mabilis akong tumingin sa harap ng gumawi ang tingin niya sakin. Uminit ang pisngi ko.

What if nakita niya ako?

"Ma’am usog pa po kayo. Ang layo niyo sa boyfriend niyo." Tudyo ng staff na babae.

I shifted my weight uncomfortably. Napapansin ko, madalas kaming pagkamalang mag boyfriend. Mukha ba talaga kaming mag jowa? O, talagang malisyoso lang ang mga tao?

Nevertheless, lumapit pa rin ako sa kaniya na may malaking ngiti. I should look pretty. We are too close that our body were almost touching. Ngumiti ako sa camera, and what I didn’t expect, is him—putting his arm over my shoulder and lightly pulled me.

Ang babae na nasa gilid ay may malaki na rin ang ngisi—nanunudyo. Hindi ko nalang pinansin—pilit hindi pinansin ang hindi normal na pagtibok ng dibdib ko.

Nang matapos, tulala akong lumabas. Hawak ko ang halos sampung larawan na nakuha samin. Si kuya Drake na ang bumayad sa lahat, including the headband. Sinubukan kong mag-ambag, mabuti nalang at may bente pesos ang bulsa ng shorts ko pero ‘di niya pinansin ang nakalahad kong pera.

Naghintay ako sa kaniya ng ilang sandali sa labas, hindi rin nagtagal lumabas siyang seryoso pa rin ang mga mukha. Tinanggal na niya ang suot na headband, habang ang sa akin ay nanatili sa ulo ko.

"Where do you want to go next?" unang tanong niya ng makalapit sa akin. He brush his long finger on his hair. I shrugged. Wala naman akong alam sa mga dapat puntahan dito.

"I think it’s better if we go home muna. We still have a lot of time to stroll. Isa pa, pagod na ako." Mahinang sagot ko. He then nodded, and without a word, he walks away.

Pagkauwi, dumiretso ako sa kwarto, feel ko nalang matulog. Nakakapagod rin pala. Naririnig ko pa ang pagtawag ni kuya Drake sa’kin, na hindi ko pinansin.

Kinabukasan, I woke up earlier than usual. Nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. I face palm remembering that I skip dinner again last night. Lagot ako nito.

I hurriedly do my morning routines. Hindi ko alam, pero kinakabahan ako. Like someone is mad at me for not eating my meal last night. Na may ginawa na naman akong masama.
At hindi ko gusto ang sinisigaw ng isip ko. I don’t like the idea of him showing his cares in me..

I must be paranoid.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Katatapos ko lang maligo, and I wore my usual pambahay clothes. A t-shirt and a short. Napahinga ako ng malalim ng makitang walang tao sa labas. It's as if I am expecting something—or someone.

Medyo na dismaya lang ako na wala pala ang inaasahan kong nag-aantay sa akin o papagalitan ako like the last time. It’s partly my fault though. If I didn’t expect something, I won’t be this disappointed.

Ang solusyon para hindi masaktan, ay hinding hindi umasa. Never expect, never demand. Masiyado lang talaga akong illusyonada.

When I reached the dining room, foods were already served. I silently eat my breakfast. Paminsan-minsan, napapalingon sa bungaran ng pinto. Hoping to see the man that filled my thoughts since the day my foot landed in this vicinity. Pero natapos nalang akong kumain, at nakabalik sa kwarto hindi ko nakita si kuya Drake.

Dirty Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon