CHAPTER 47

10.3K 113 43
                                        

Win

Napasandal ako sa dingding, pilit kinakapa ang cellphone pero naalala ko wala pala akong bulsa and I left my phone in the room. Great!

I let out a deep  sigh. When I looked at the person, his eyes were already close as if sleeping.

Ano ba ang trip sa buhay ng lalaking ito?

I tried moving his drunken body but he only grunted and tightened his hold on my waist. Mas binaon pa ang mukha sa leeg ko.

“Drake,” tawag ko pero hindi man lang sumagot.

I know he’s awake. Kasi kung totoong tulog na siya, bakit kung makayakap parang linta?

“Umayos ka, Drake.” nauubusan ng pasensya kong dugtong.

Ginalaw galaw ko ang aking balikat  ngunit wala iyong silbi. Kailangan na niyang umalis sa posisyong ito bago pa man may makakita sa amin. Subalit, bumukas nalang ang elevator hindi pa rin siya kumikibo. Nasa tamang palapag na kami at hindi ko alam ang gagawin.

Should I leave him here? But I doubt if makakawala ako.

“Drake,” muling pagpukaw ko ng kaniyang atensyon.

I tapped his cheek, hence it was futile. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya pero walang sagot. Nakapikit pa rin na akala mo talaga tulog.

Napakagaling!

Hindi ko talaga makuha ang ugali ng lalaking ito. He’s like a code or riddle, I am having a hard time to decipher.

Kahit mukhang imposible, sinubukan kong ihakbang ang dalawang paa palabas ng elevator. Doon ko nalamang hindi nga siya tulog nang sandaling magpalit siya ng posisyon. I glared at him pero ang hudyo mas hinapit pa ang katawan ko sa kaniya. He is now standing beside me, nasa balikat ko ang ulo habang nasa baywang ko naman ang braso.

“Stand up, Drake. Huwag mo akong gawing alalay.” I said through my gritted teeth. Wala akong  narinig na sagot mula sa kaniya.

Malakas akong bumuntonghininga. I don’t have other choice but to bring him with me to our room. Iyon nga ang ginawa ko, dahan-dahan lang akong naglakad, hindi ko rin kaya ang bigat niya. Kung kanina halos parang bulak lang ang pasan ko, ngayon naman…

“B-Baby..” irritation rose up in me when I heard him whisper.

“Don’t baby me, Drake. Napakalaking tao ko para diyan at may pangalan ako hindi si Baby!” Hindi ko magawang kiligin o maging masaya sa mga lumalabas sa bibig niya. He is obviously intoxicated kaya kung anu-ano nalang ang sinasabi.

Mas lalo lang niya akong pinapahirapan.

Sa awa ng Diyos, nakarating din kami sa sofa ng hotel room namin at doon ko siya nilagay. Nahirapan pa ako dahil ang bigat niya plus may mga sinasabi siyang malabo sa pandinig ko. Naguguluhan ako kung paanong naging ganito siya gayong kung makayapos sa jowa wagas.

Lumuhod ako sa gilid niya saka pinakatitigan ang mukha. I can easily judge if he is drunk and sleep or if he's only pretending to be. Pagkalipas ng ilang minuto, doon ko napagtantong lasing nga at ang ganda ng tulog.

Napailing ako. I though they’re a busy couple. Kakatayo lang ng firm nila yet they had the nerve to go on a vacation ang be a drunken ass.

Agad kong hinanap ang cellphone saka tinawagan si Zaph. Naka ilang subok ako bago niya tuluyang sagutin ang tawag.

“An—”

“Zaph punta ka nga dito, sama mo si Ansel.”

Nakatayo lang ako sa paanan ng sofa na kinahihigaan ni Drake. Mukha siyang lasing na lasing, namumula ang buong mukha pati na rin ang bandang leeg. He is wearing a cargo short and short-sleeved polo.

Dirty Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon