Couple
Words are indeed powerful. It can break someone easily without sweat. It can tear them apart slowly but abrasively. That's why the words that comes from our mouth should be analyze carefully. Kasi hindi na 'yon mababago pa. The number of sorry and apologies couldn't compensate to the pain they'd be feeling.
Napapikit ako. Habang tumatagal mas lalong nagiging tahimik ang buong kotse. Hindi siya nagsasalita so hindi rin ako nagtangkang mag bukas ng usapan. I was too guilty to even talk to him. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, nag-iisip kung saan na naman niya ako dadalhin. Noong huli naming labas hindi naging maganda ang nangyari at ayaw ko nang isipin pa iyon.
Naririnig ko ang minsan pagbubuntong hininga niya ng malalim. It's like the world is on his shoulder. I patiently waited until we stopped. Kumunot ang noo ko nang makitang huminto kami sa isang condominium building. Binalingan ko siya nang may pagtataka.
"Why are we here?" nag-aalangan kong tanong.
Hindi siya sumagot sa halip lumabas ng walang pasabi. Umawang ang labi ko sa pagtataka.
What the fuck? Dinala niya ako rito para lang iwanan?
Para akong nabunutan ng tinik ng sandaling umikot siya at buksan ang pinto sa side ko. Nakahawak siya sa pinto ng sasakyan. I then lazily unbuckled my seatbelt before jumping off my seat. Bumababa ako habang bitbit ang bag. Inayos ko ang suot na dress, nakita kong bumaba ang tingin niya doon.
His forehead crease. "What?" Ani ko saka siya inirapan.
Ano pagbabawalan niya akong mag dress? Last time I check, na scam niya akong hindi raw nagpapapasok sa University ang mga nakasuot ng dress. Hindi naman pala!
He only sighed. "I'm planning to buy a condo unit. I want you to decide on this."
Natigilan ako, hindi naman ako ang titira kaya bakit ako ang kailangan mag desisyon? Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod nalang ako.
"Bakit ako ang papapiliin mo? Ako ba ang titira?" Kunot noong tanong ko habang nasa likuran niya ako. Tumigil kami sa harap ng receptionist.
"Hello Ma'am and Sir! How can I help you?" tugon ng babae.
Napalingon ako sa paligid, sobrang elegante at halatang isang high-end condominium building.
"I'll be checking your available unit. I've already talk with your boss about it."
Napanguso ako, he's always using his power. Kung gano'n ano pa't nandito ako kung nakausap naman niya na pala ang may-ari nito?
"Are you perhaps Mr. Drake Damascus?" sagot naman ng receptionist.
Nakapamulsang tumango si kuya Drake. Ngumiti ulit ang babae bago kami giniya sa elevator. Napahinga ako ng malalim, nagmukha na akong bodyguard ng pinsan kong 'to.
But then, feeling guilty hindi nalang ako nagrelamo.
Tahimik lang akong sumunod. Tumigil kami sa panghuling palapag. May tatlong pinto ang bumungad sa amin. In-asist siya ng receptionist habang ako nasa likod lang nila. Hindi nagsasalita si kuya at kadalasang napapatingin sa mukha ko na parang may dumi doon.
"What do you think?" tanong niya sa akin sa unang pintong pinasukan namin.
Total naman wala na akong mapagpipilian, mas mabuting sumunod nalang. I roamed my eyes in the whole room. It was spacious. May second floor na may tatlong kwarto. The interior design looks manly. May mga muweblas at malaking chandelier sa gitna. Nagmukha na siyang bahay sa laki. Malawak rin ang space sa kitchen na may island shape.
Nagsusumigaw nang karangyaan ang buong unit.
BINABASA MO ANG
Dirty Secret (COMPLETED)
RomanceWARNING: This story contains foul words, profanities, sexual content etc. ----- Moving into a place where you used to live with. The surrounding where you used to smile often and where your laughter's can only be heard. A place what they called par...