CHAPTER 35

4K 48 23
                                    


Hello to my dear friend, Angel thank you for the support. Sana magustuhan mo, hehe. Xoxo😘😘

Changes

No Man is an Island.

I remember my teacher announced that phrase when I was in high school multiple times and heard different version and views of it. Tumatak iyon sa isip ko hanggang sa namalayan ko na lang na isinasa-puso na ang katagang iyon.

Indeed, we can't live in this wonderful place with ourselves alone. Hindi natin makakayang mamumuhay ng mag-isa. Kahit anong pagkumbensi pa ang gawin natin sa ating sarili at sa kabila ng katotohanang kaya nating tumayo sa sariling mga paa kahit walang hinihinging tulong, hinding-hindi pa rin tayo mabubuhay nang nag-iisa lamang.

No matter how bold and confident we are, there will always a time that we will be needing a hand.

Growing up, I've meet a lot of personalities that the world posses. Some of them stayed for good, most of them left and remained as a memories . Parang dumating lang talaga sila sa buhay ko para bigyan ako ng leksyon. It was like a cycle. A give and take situation.

Nakakakilala tayo ng mga taong nagiging sandalan natin. On our ups and down, through thick and thin, those people are very willing to lend you their ears.. mga taong nagiging pamilya narin. Kaya naman sobra ang tuwa ko sa mga taong nagiging kaibigan at kasangga ko. I am grateful and indebted for their presence.

"Benj.."

Kahit ang bigkasin ang pangalan niya ay napakapait sa aking panlasa. Iyong pakiramdam na pati ang taong tinuring mo ng pamilya, taong naging dahilan ng pagngiti sa mga araw na may problema ka.. that person who showed you everything that he could offer, ay ang tao din sa likod ng paghihirap ko...

Benj's eyes were wide open when he turned his body around. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Ang taong matagal ko nang nakakasama, at binigyan ko ng buong tiwala.

"Angel..."

Ang mga mata niya ay puno ng takot, napansin ko rin ang bahagyang pag-awang ng kaniyang natural na mapulang labi. Halos mamutla na rin ang buo niyang mukha.

"Nako lagot! Narito ka pala, Miss A."
DenMark's high pitched voice echoed. He has the guts to act surprise when in fact he deliberated those words. Sinadya niyang iparinig sa akin ang mga katagang iyon.

Para ano?

Para saktan ako?

Then, well played, DenMark. Hindi lang masakit, durog na durog ako.

"Totoo ba?" madamdamin kong tanong kay Benj.

Hindi ako nag-aksayang tignan si DenMark, at mariin kong pinukol ng tingin si Benj. Sa kabila ng narinig, umaasa pa rin akong hindi siya ang may gawa no'n. Na itatanggi niya ang paratang ng kaniyang pinsan..

Naglumikot ang dalawa niyang mata.
"Kanina ka pa ba, bebe?" gumagaral ang boses na sagot niya.

"Bebe amputa!" tumawa ng malakas si DenMark.

Kung siguro nasa ibang araw at pagkakataon kami, baka nasampal ko na ang lalaking ito. Namumuro na siya sa akin, nakakarindi ang boses niyang mala-kambing.

"Hindi, ngayon lang din."

Hindi ko nilubayan ng tingin si Benj. Gusto kong malaman ang totoo.. halos mabaliw na ako sa kakaisip tungkol sa video na 'yon.

"Kanina pa kita hinihintay. Halika na, sa library nalang tayo gumawa ng business plan." natarantang tugon niya.

Mapait akong ngumiti. Umabante siya at sinubukang hulihin ang pulso ko ngunit, mabilis akong umiwas. He was not even answering my question, he is slowly diverting the topic but I know better.

Dirty Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon